a/n: wohoho, malapit ko ng matapos itong story ko...
...
short update lang ulit...
...
hirap magtype sa phone...
..nakakangawit...
...
thanks sa mga readers...muahhh...
+++
chapter 23
Tulala si Jigs habang nakahiga sa kanyang kama. Gusto na nyang matulog pero hindi nya maipikit ang kanyang mga mata. Iniisip nya ang nakita kanina sa may lobby. Nakita nyang kinakausap ni Brent si Meche. Narinig pa nyang niyaya nya ito na lumabas.
Napabalikwas sya. Nagngingitngit ang kalooban nyang pumasok sa banyo. Inalis nya ang kanyang polo saka isininunod ang short and undie. Hubo’t hubad syang humarap sa tubig na lumalagaslas mula sa shower.
Ng mapuno na ng tubig ang bathtub ay saka sya lumublob. He want to drown the frustration that he fell at that moment. Hindi nya akalaing nakikipagmabutihan si Meche kay Brent na may-ari ng Recording Com. na kakompetinsya ng kanilang agency.
Mabuting tao naman si Brent, yun ang pag-kakaalam nya. He graduated at the state sa kursong Business Management at ito na ngayon ang namamalakad ng Musa Recording Co. na dating ang kanyang Daddy ang gumagawa.
Minsan na nya itong na-meet. Ipinakilala ito sa kanya ni Bianca na kaibigan ni Brent at kanila namang manager. Brent and Bianca are so close to each other.
Wala syang ideya kung paano sila nagkakilala o ano ang relasyon nila. Hindi pa noon presidente ng Musa si Brent.
Inisip nya noon na baka espiya ng kabilang kompanya si Bianca kaya isinuplong nya ito sa management ng Siren. He thought he was right, but it turns out that he is wrong. Kaibigan lang pala ni Bianca si Brent. Nagpadalos-dalos sya na paratangan si Bianca. He wanted to say sorry to her but its too late. Umalis si Bianca at nagtungo sa America. Isang malaking kahihiyan ito para sa dalaga, kaya pinili na nito ang paglayo. Kalat kasi ang balita sa telibisyon, radyo at dyaryo.
Naaalala pa nya noon ang masamang pagkakatitig sa kanya ni Brent ng malaman ng huli na sya ang nagsabing isa itong espiya.
He said sorry to him. Pero noong una ay hindi nito tinanggap ang sorry nya, pero kalaunan ay tinanggap rin nito ang kanyang paghingi ng kapatawaran.
Napamulagat sya sa pagkakahiga ng maalala ang bagay na yun.
“Hindi kaya may binabalak si Brent na masama kay Meche.” Kutob nya. Pero ipinilig nya ang ulo para maalis ang isiping yun.
“Kung ano-ano na naman ang iniisip mo, Jigs. Maghulos-dili ka.” Kalma nya sa sarili.
Oo nga naman wala syang basihan para pagbintangan si Brent ng ganoong bagay. Brent is well-breeded bachelor in town. Sikat ang pamilya nito kaya tiyak nyang hindi ito gagawa ng anumang bagay na ikakasira ng kanilang pamilya.
At kung ano man ang balak ni Brent kay Meche ay hindi na nya pakikialaman, dahil alam nyang hindi sasaktan ni Brent ang pinakamamahal nyang si Meche. Huwag lamang magkamali ang lalaking yun, dahil kaya nyang pumatay ng tao.
+++
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
Roman d'amourMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...