-Sky's POV-Buti nalang at napapayag namin silang i-tour kami dito sa MOA kung hindi, baka nawala na kami. Di ko talaga malimutan yung kanina eh. Niyakap ako ni Haki. Alam ko na yung pangalan nya okay? She's really cute nung nangyari yun. Nagmukha nga syang strawberry nung nag-blush sya about that. Not to mention, I really like strawberries. Hep! Di ako bakla noh!
So nagsimula na silang i-tour kami. Ang laki nga naman talaga ng mall na ito. "Maraming stores dito kaya halos lahat ng kailangan nyo makikita nyo dito. Meron namang mga computer dyan para malaman kung saan ang way papunta sa mga stores na gusto nyo." Sabi ni Haki. Kabisado nila siguro to nuh? I mean sa linaki ng mall na ito, alam nila ang lahat tungkol dito.
"Unnie, diba sabi mo bibili tayo ng gamit natin?" Rinig kong sabi ni Chae. Mag-sho-shopping ba sila ngayon? Nakakahiya naman. Naka-istorbo pa kami.
"Oo nga. Eto na nga." Sabi ni Haki. I guess sya ang pinaka-matanda sa kanilang apat dahil sya lagi ang ina-asahan.
"Um Sorry kung na-istorbo namin kayo. Mag-sho-shopping ba kayo ngayon? Kung gusto nyo samahan na lang namin kayo mag-shopping para may malaman rin kami dito at kung gusto nyo in return, kami mag-babayad ng bill nyo." Sabi naming apat na lalake na ikina-gulat naman nilang apat na babae.
"Aniya, aniya, aniya. No. Di namin matatanggap yan. It's too much really." Sabi ni Haki while yung tatlo nyang kasama, gustong-gusto naman nila.
"Okay lang talaga sa amin. Promise." Sabi ni Seven. See? Para rin mapalapit kami sa mga fans namin. We actually don't know about our fans.
"Sige na~~~ Para may malaman naman kami sa mga gusto ng fans namin~~~" sabi ni Milo in a cute way. Haha! Mukhang papayag na sila ah? Effective ang pagpapa-cute ni Milo.
"Sige naaaaa~~~~~ Para maging close tayong walo~~~~~" sabi ni Jiro. Waaaiiit.... What? Iba na ata to ah? I'll just go with the flow then. Dahil ginamit na namin lahat ng pagpapa-cute namin, napapayag namin sila! Yay! Di naman masama kung magkaroon kami ng kaibigan na fans namin diba? Actually di na fans ang tingin namin sa kanila, friends na. I hope they don't see us as idols but their friends too.
So ayun silang apat tumakbo na sila papunta sa isang shop na waaiiitt?? Isang shop na puro K-Pop merchandise? (Readers, K-poppers, walang ganon sa MOA.)
May ganito pala dito? Pumasok na rin kami sa shop na yun. Medyo nakaka-ilang lang kasi pinag-titinginan kami ng mga tao dito.Tinignan na rin namin kung anong meron sa shop at puro mukha naming apat ang nakikita namin. "Sky, tayo ata yung pinaka-sikat na K-group dito sa PH." Biglang sabi ni Seven. Tumango-tango lang ako dahil tama sya. "Meron pa silang outfits natin na ginawang pambabae." Sabi ni Jiro. Napatingin ako sa mga nakasabit na damit at tumingin sa damit na suot namin. Woah. Meron sila pati yung damit na suot namin ngayon. "Tsaka yung mga posters dito, di naman natin yun pinirmahan diba? It's our first time here in PH."-Milo. Ganito pala ang feeling pag naka-pasok ka sa isang shop na puro kayo ang laman.
Nakita namin na magbabayad na ng pinamili sila Haki. At agad namin silang pinuntahan. Iaabot na sana ni Soona ang pera pero pigilan ni Seven. "Hep. Kami magbabayad diba?" Sabi nya at humugot ng pera sa wallet nya at binayad sa cashier. "Ang sweet nyo naman po sa girlfriend nyo Sir." Sabi nung cashier kaya naman namula si Soona. Haha! Parang lahat ata sila mamumula ngayong araw.
Pagtapos nilang mag-shopping. Pumunta kami sa skating arena. Waaaiit, so mag-ske-skating sila? Si Jiro naman ang nag-bayad ng bill ngayon. "Hyungs, marunong kayo mag-skating?" Tanong ko sa kanila. At silang tatlo ay umiling. Soooo, ako lang talaga marunong mag-skating sa kanila? Hahaha! Matira matibay!
Pagtapos nilang maisuot ang sapatos nila, papasok na kami sa rink nang bigla akong tinawag. "Sky! Hintay naman!" Sabi nilang tatlo. Hahaha. Wala pa nga kami sa rink ehhh. "Haki, Soona, Jinsook, Chae marunong ba kayo mag-skating?" Tanong ko at lahat sila tumango. Tss. Daig pa nila sila Milo. "Would you mind kung turuan nyo silang mag-skating?" Tinignan muna nila sila Seven at napatawa. Ang cute nila to be honest. "Sige!" Sabi nila at tinulungan silang makapasok ng rink.
Since tatlo lang sila na tuturuan, kasama ni Seven si Soona, Milo-Jinsook, Chae-Jiro. So it means, kasama ko si Haki. I always got this weird feeling pag kasama ko si Haki. Weird. Nakita ko namang nag-twirl sya at pumalakpak lang ako.
"Magaling ka pala mag-skating." Sabi ko habang pumapalakpak. "Hehe. Wala yun. Nag-training na kasi kaming mag-skating since bata pa." Pagpapaliwanag niya. "Magka-ano-ano ba kayong apat?" Tanong ko dahil na-curious lang ako. "Magkapatid kami ni Soona at pinsan namin sila Jinsook at Chae na magkapatid." Oohh. I get it.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" nagulat na lang ako nung biglang tumawa si Haki ng malakas. Tinignan ko naman kung ano yung tinatawanan nya. "HAHAHAHA!" Napatawa na lang rin ako kasi tinulak ni Chae si Jinsook kay Milo kaya pareho silang natumba. Iba talaga pag magkakapatid eh nuh?
Nilapitan namin silang anim dun. Tawa naman ng tawa si Soona kay Jinsook dahil basang-basa sya nung nadulas sya. Ayun so kaming anim tumatawa habang si Milo at Jinsook namumula na. Tama ba talaga ako na mamumula silang lahat ngayong araw na to? Hahaha.
Dahil hindi kami maka-recover sa kakatawa, biglang tinulak ni Jinsook si Chae kay Jiro. Aba, anyare? Akala ko ba magkakapatid tong mga to? HAHAHAHAHA. Bigla namang tumayo silang dalawa na namula. Tama nga ako haha! Bigla namang nag-skate si Jiro at Chae ng mabilis at parang kami ang target?
Hinila ko yung kamay ni Haki at nag-speed skating. Kami kasi yung target nung anim kaya ayan hinahabol kami. Sana di na lang sila tinuruan. Hahaha! Di ko parin binibitawan kamay ni Haki dahil sobrang bilis nya na baka matumba sya. Oo na concern nga ako. Baka pag nadulas sya baka kung anong mangyari.
"Oppa! Bilis! Dito!" Sabi ni Haki. Dunaretso kami sa gate ng rink at lumabas hahaha! Nagtago kaming dalawa sa mga upuan.
"Hahaha. Ang bubulag naman nila." Sabi ni Haki na patawa-tawa. "Hahaha." Mukha na silang ewan dun na naghahanap nang kung ano.
"Mukha na silang mga abno dun hahaha! Tutal magkakalahi rin naman sila!" Masayang-masaya sya siguro ngayon nuh? At bigla nila kaming nakita. "Haki tara!" Sabi ko sabay hatak sa kamay nya palabas ng arena.
-----
"Ang saya nuh? Sana gawin natin ito ulit." Sabi ni Seven. "Actually, it's our first time hanging out with our fans. No, not fans. Friends." Sabi ni Jiro. Tama nga sya. Kaibigan na ang turing namin sa kanila.
"So what do you say? Best friends?" Namula ata sila sa sinabi naming apat. "Best friends!" "Yaaay!" Sabi naming walo. "Pero sana magkita-kita pa tayo ulit." Sabi ni Milo. Nag-papa-cute nanaman tong si Hyung. Tsss. "Yeah. Sana. See you soon." Sabi naming walo at nag-yakapan. Since friends na kami, di na ganun ka awkward ang feeling namin. Yay! Ang saya-saya namin ngayon!
-----
BINABASA MO ANG
Destined With An Idol (Editing)
FanfictionIsang Perpektong Idol At Isang Die Hard Fangirl What if ang isang Fangirl ay mahalin ng isang Idol? Ano nga bang pagdadaanan ng isang tinadhana sa isang idol? Mahirap maging Fangirl, lalo na kung ang layo mo sa kanila, kung di alam...