12: Comfort

76 5 0
                                    

Haki's POV

Habang naglakakad kami palabas ng arena biglang bumungad sa akin ang isang nakataas na kilay nilang walo. Wait, so nakita nila yung nangyari?

"Bakit ang tagal mo?" Sabi nilang walo at aba, nakapamewang pa ito si Soona. Nanay kita? Joke. "Sorry, Nanay Soona." Sabi ko habang patawa-tawa. Eh paano ba kasi, kug umasta akala mo isang nanay.
Daig niya pa kasi sila Mom.

"I know you have something in secret so spill it." Wait, so nakita talaga nila? Akala ko ba pina-una ko na sila mag-lakad?! So kung nakita nila, baka sakaling narinig rin nila?

"Narinig niyo ba?!" Tanong ko ng pasigaw. Bigla namang tumingin yung ibang mga tao sa akin. Nag-peace sign na lang ako sa kanila. "Narinig niyo nga?"
Inulit ko ang tanong ko dahil di pa nila sinasagot ang tanong ko.

"Sa sobrang lakas ng pagsigaw mo kanina ng 'Black Bean Sky?', halos lahat ng tao nagsi-tinginan sayo. Kasama rin kami dun. So, ano ngang meron? Alam mo, kulang na lang sayo kanina, yakapin mo si Sky."

Weh? Talaga? Malakas ba talaga pag-kasigaw ko nun? Haha! Di ko alam. Baka kinilig ako nung time na yun. "Okay, ayo Ladies and Gentlemen, junbiga dwaessdamyeon bureulge. Joke. Pwedeng uwi na muna tayo? Sa sobrang bagal natin maglakad, baka sarhan tayo ng janitor dito."

Sabi ko at binilisan na namin ang lakad palabas. Malaki kasi ang arena at marami ring tao. Kaya, siksikan kami sa exit door.

Sumakay na kami sa kotse ni Jin at nag-salita na naman silang walo (Soona, Jinsook, Chae, Jin, Jay, June, Keith). "So, ano nga?" Tanong nila na akala mo parang mga detective. Tinatakot talaga nila ako nuh? Kung kanina, nakapamewang sila, ngayon crossed arms na.

"Oppa's, Saeng's, jinjeonghae. Uriga meonjeo jib-e gaji anhneunge eottae? Neo ttaemun-e ne mariga apeulgeoya." Napa-korean pa tuloy ako. Tumango na lang sila at nag-simula nang mag-drive si Jin.

([TRANS] Please calm down, why don't we go home first? My head will hurt because of you.)

Nang maka-uwi na kami, agad na tinanong ako ni Soona kung anong nangyari kanina at bakit ang tagal ko. Bakit mukhang excited? Pangatlong beses niya na ito tinanong ah?

"Hmm...." hinawakan ko ang tip ng chin ko at iniisip ko kung sasabihin ko ba talaga sa kanila. Baka mamaya kiligin lang sila. Alam mo na, mas OA sila kesa sa akin. "So, ano na?! Spill Kim Min Haki!" Ayan na, sumigaw na. Suko na ako, sasabihin ko na lahat.

"Kinausap nga ako ni Sky. He wants to meet me 'privately' since tagal na daw natin di nagkasama. Pero pansin ko di naman kasama nga hyungs niya. Kung kasama niya, syempre, sasama ko kayo. Then, I asked why, as classmates or best friends noong high school kami." Kinwento ko na lahat ng maike-kwento ko maski na ang talambuhay ko. Joke. Kinwento ko hanggang dun sa nag-kulitan kami ng Black Bean at Pechay.

"WEEEH?! KYAAAAAAH! MAG-KAKLASE KAYO?! BAKIT DI MO SIYA NAPANSIN NGAYON?!" tignan mo, daig pa akong tumili. Nagtanong pa ng 'weh' kahit na totoo naman yung sinasabi ko. Yan ang problema eh.

"Oo nga. Pumuti na kasi siya. Di na siya kasing-itim nung black bean na inaasar ko nun. Nakaka-miss yun." Sabi ko habang naka-ngiti at inaalala ang mga memories namin noon.

"Uy ano yaaan?! Bakit may pangiti-ngiti?"

"Wala! May naalala lang ako."

"So, anong oras?"

"Mamayang seven."

Tumayo na ako at tinignan kung bakit naka-simangot si Jin. Trip nilang sumimangot ngayon ah? Tinanong ko kung anong meron at ito lang ang sagot niya.

"Namatay kasi yung main character sa pinapanood kong Free Iwatobi Swim Club na anime."

Teka? Free I.S.C.? Napanood ko na yun! At walang namatay dun noh!


"Yah, Jin oppa. Wag ka na ngang gumawa ng kwento. Alam ko, walang namatay sa Free!. Bakit ka nga naka-simangot?" Tina-try ko ang best ko na kulitin si Jin dahil nga ang lungkot ng mukha. 

"Wala."

"Ano nga?!" Sabi ko at akmang kikilitiin siya. Pinindot-pindot ko ang tagiliran niya para ma-kiliti siya. "Iiihhh Haki naman eh. Tigilan mo nga yan. Alam mo namang malakas kiliti ko diyan."

Wiiiihh atleast unti-unti na siyang ngumi-ngiti. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil ito na parang bata. "Alam mo, ang tanda-tanda mo na nga, ang dami mo paring problema. "

"Kahit sabihin mong mas matanda ako sayo ng six years, pogi pa rin ako at hindi halata na twenty-six na ako ngayon."
Taas ng tingin niya sa peis niya nuh? Akala mo siya ang pinaka-poging nilalang sa mundo.

"Oh eh di sige, ikaw na pogi, sabi mo eh. Pero alam mo ba, mas pogi ka kung naka-ngiti ka. Sige na~ ngingiti na yan~ ayoko yung pilit ah?"

Sabi ko at pilit ngang pinapa-ngiti o pinapa-tawa tong si Jin. Ano ba talagang dahilan at malungkot itong si Jin?


"Iiiih! Para naman akong bata sa ginagawa mo eh!"

"Atleast hindi pang-matanda ang trato ko sa 'yo. Sige na~ ngiti ka na. Yung mga ngiti mong pang-artista! Bilis! Pag ako tinamad di na kita susuyuin next time, sige ka?" Nanakot pa talaga ako eh nuh?
Eh kasi hanggang ngayon naka-pout parin siya na parang bata na kinuhanan ng candy.


Unti-unti na siyang ngumingiti, at ayun narinig ko nanaman ang window-wiper niyang tawa. Nakaka-tuwa lang gayahin kaso ang sakit sa lalamunan.

"Oh edi ayan, mas pogi ka na." Sabi ko at ginulo pa ang buhok ni Jin. Ang cute. Yung mukha niya, parang mas bata pa sa age niyang twenty six.

"Eh 'di bagay na tayo kasi pogi ako tapos maganda ka?" WAIT? ANO DAW?! Natulala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Habang yung mga nerve cells sa utak ko ay nag-papanic. Lalo na 'tong puso ko. Kung tumibok akala mo nag-papanic rin.

"H-huh?" Yan na lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko. Di ko talaga alam kung anong dapat kong gawin nor sabihin eh.

"Wala... hindi mo talaga ako naiintindihan lagi nuh?" Wait, naintindihan ko naman yung sinabi niya. Ang di ko lang maintindihan ay kung ano ang ibig-sabihin niya dun at bakit niya iyon sinabi.








"Ang sabi ko, ikaw lang ang may kayang pangitiin ako ng ganito." Sa sobrang pag-papanic ng mga nerve cells sa utak ko, feeling ko, isa-isa na siyang sumabog. Yung puso ko? Ayun wala na, sabog na.



"Good luck sa date niyo." Sabi niya sa malungkot na tono. Posible kayang yun ang dahilan ng pag-kalungkot niya kanina?




Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. As childhood friends lang naman wag OA. "Thank you." Ginulo niya lang ang buhok ko habang naka-ngiti.

Ano ba naman yan Jin, pati ikaw, pinapakilig mo rin ako.

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon