21

68 5 0
                                    

Haki's POV

Aaminin ko, ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Sky. Gusto kong mag-thank you nang mag-thank you hanggang sa mag-sawa siya. Eh kasi, gusto ko lang rin naman bumawi sa lahat nang mabuting bagay na ginawa niya sa akin. Ang bait-bait kaya niya.

*door bell rings*

"May... bisita ka?"

"Wala naman. Sino kaya 'yun?" Sino ba yung nag-door-bell? Eh 12 ng tanghali pa lang eh. Ang usapan namin ni Unu, six ng gabi eh.

Bumaba na lang ako para tignan kung sino ang nasa pinto at sumunod na rin sa akin si Sky. Sino naman bibisita sa amin nang ganitong oras? Baka surprise visit na naman nila Seven. Imbis na surprise visit, nagiging trespassing pa sila -_-. Pero okay lang naman.

Nang maka-baba kami, nagmadali ako papunta sa pinto at parang nahulog yung panga ko at lumaki yung mata ko nang makita ko kung sino yung taong nasa pinto.

"UNU LEE?!" Sigaw ko, as in. Napasigaw talaga ako kay Unu dahil nandito siya nang may dalang bulaklak at.... sweet soy chicken? Teka, hindi ko naman binanggit sa kanya na paborito ko 'yun ah?

"Gulat na gulat teh?" Bigla naman akong siniko ni Soona. Siguro siya ang nagpapunta sa kanya dito nuh? "Hoy. Bakit pinapunta mo siya dito?" Bulong ko sa kanya. Aba, umayos siya ng dahilan ah. "Huy! Bakit ako yung sinisisi mo? Wala akong kinalaman dito nuh. Eh wala nga kaming contact sa isa't-isa." So, hindi niya kasalanan? Pero paano siya naka-punta dito eh hindi ko pa naman tinetext yung address namin?

"Yes... It's me. Anyway, I brought flowers and sweet soy chicken for you. I heard they're your favorite." So ibig-sabihin, may nag-sabi sa kanya? Daldal ng taong 'yun ah.

"Hehe... Thank you! Pasok ka muna." Sabi ko at pinapasok siya. Ano kayang dahilan at pumunta siya dito. Bago kami pumunta sa sala, binigyan ako nila Soona ng I'm'watching-you-look. Ano ba sa tingin nilang gagawin ko kay Unu? I-rarape?

"Ay! Oo nga pala. Unu, siya nga pala si Sky. Sky, siya si Unu." Ako na lang ang gumawa ng introduction sa kanila since may kutob akong di kikibuin ni Sky si Unu. Di pa nga kami, nag-seselos na siya. Di na talaga siya lumaki  -_-.

"Wanna be your star, annyeong haseyo,  GALAX6 Lee Unu imnida!" Ang saya naman ni Unu. Napaka-friendly niya. Actually, para sa akin, halos magkapareho lang sila eh. Pareho silang pogi, mabait, friendly, matangkad, talented at lahat na. Kung pwede lang eh, pareho ko silang pipiliin. Chos! Hindi ako playgirl nuh! Ang hirap lang talaga pumili.

"FIRST LOVE, 4ACES Kim Sky imnida." Sabi ni Sky at nag-shake hands. Anong meron at dinidiin niya ang salitang First Love? May ibig-sabihin bang sabihin 'tong si Sky. Ang diin eh. FIRST LOVE as in. Eh aaminin kong naging crush ko siya, pero wala pa akong first love. Anyway, Feeling ko talaga lost brothers 'tong dalawa kahit hindi magkamukha.

"Mannaseo bangawoyo~" sabi ni Eunwoo at nag-bow. Ang cute!! Nice to meet you daw~ Ang cuuute! Parang nung mga high-school pa kami ^_^.

"Yes, same to you. Umm... Haki, Unu, I should go now. Bubuksan ko pa kasi yung resto. Bye. Thanks." Pagkasabi ni Sky ng 'thanks' di ko alam pero, naramdaman ko yung labi niya sa pisngi ko. Pagkatapos 'nun, umalis na siya.

"W-we should sit." Shet naman, na-aawkward ako sa ginawa niya, tapos sa harap pa ni Unu, ng taong papakasalan ako. By the way, hindi pa alam nila Soona 'yun. Gusto ko kasing sabihin sa kanila 'yun sa tamang panahon.

"Thank you sa flowers and sa chicken. May nagsabi ba sa 'yo na paborito ko yung sweet soy na chicken?" Syempre, hindi naman ako nakikita nila Soona na kumakain 'nun kasi, alam mo na pag paborito, sinosolo at di namimigay kaya imposibleng malaman nila 'yun. At, si Mom lang ang nagluluto sa akin ng ganun.

"I asked Manager Jihyun. Do you really like it?" Tumango lang ako at kinuha yung tupperware na may chicken. Yes naman! After nang 283479272923628372 years kong pag-didiet, makaka-kain na ulit ako nito!

Tinikman ko ito at, JUSKOW LORD, PARANG PINAGLALABANAN ATA NI SKY PATI NI UNU YUNG MASTERCHEF AH? ANG SARAP KASI! Lol, ito na naman yung feeling na akala mo nasa langit ka. Haha! Joke lang!

"Is.... it good? I cooked it for you." Shems, ang sweet! Tapos ang effort pa! Oxygen please! (Why breath oxygen if you can breath oxy'jin')


"I can tell, it's the best. Mas masarap pa 'to sa luto ni Mom. I should keep this for later. Bakit ka nga pala napunta dito nang 12 ng tanghali? Ang usapan 6 ng gabi 'di ba?" And paano mo nalaman yung address namin?" Divuh? Ang dami kong tanong. Eh curious eh. Ang dami long gustong malaman.

"I'm glad you liked it. And I went here at twelve because I wore my watch upside-down and thought it's already six. It was very questionable since the sun's still up at six. I just realized it's just twelve in the afternoon. And I knew your address because I asked manager again. She's a big help. And she even told me not to tell you about the marriage since she doesn't want to burden you. She also wants us to be close so, I think this is the right time to get close with you. And... Oh! You're bleeding!"

Huh? Ahsjsjsjvhskkckahsis? Andami niyang sinabi. Halos di ko maintindihan yung sinabi niya kasi English na nga, tapos mabilis pa siya mag-salita. Pareho talaga sila ni Sky -_-. At ano daw? I'm bleeding? Tumingin ako sa baba at shems! Ni-nose-bleed ako!

Agad namang kumuha si Unu ng tissue at pinunasan yung ilong ko. Medyo marami kasi yung dugo, kumalat pa. Ang dami niya rin kasing sinabi.

"Gwaenchanha?" Anong meron at parang sobrang concern yung mukha niya? Hindi naman ito malala eh. "Ne.. okay lang ako." Bakit parang ang weird ng feeling tuwing pinupunasan niya ako nakatingin siya sa mata ko? Pwedeng sa ilong na lang? Baka sumabog ako sa kilig eh.

Nang matapos niya akong punasan tinanong niya ulit ako. "Okay ka lang ba talaga?"

"Hmhm. Oo nga, ikaw kasi, English ka ng English, 'di kinaya ng ilong ko. Haha."



"Sorry about that. Sure ka ah? Wala kang sakit ah? Malalagot ako kay Manager niyan."

"Wala ngaaaa! Okay lang ako." Sabi ko. Ang kulit eh. First time niya ba maka-encounter ng taong na-nonose bleed dahil sa English? Aish ang kulit.

"Good. Papakasalan pa kita eh."

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon