23

57 4 0
                                    

Haki's POV

Kasalukuyang nasa kotse kami ngayon papuntang dorm nila. Nang makarating kami, parang naisip ko, hindi naman ganon kalayo dorm nila pero nag-kotse pa kami.

"You're the first girl to go here beside our female staffs." So... Am I lucky or what? Hahaha. Sa tingin ko, ako ang pinaka-swerteng fan since makakapunta ako sa dorm ng Galax6. Lol. Sana lahat sila nandun. Para makapag-papicture na rin ako.

Nang makarating kami sa dorm nila, as usual, maraming staffs na naglalakad-lakad at kung ano-ano pa. Ang gusto ko lang talaga malaman kung anong itsura ng dorm nila. Kung malinis ba or ano. Pero nagdududa akong malinis 'yun.

"Well... Welcome to Galax6's dorm." Sabi ni Unu at binuksan ang pinto. As expected, ang gulo nga ng dorm nila. Nakaka-tawa lang kasi inaasahan ko na 'to. Siguro masyado silang busy para maglinis.

Pagpasok ko, parang nagkaroon ng abs flash. Oo, abs flash. Paano kasi, halos lahat sa kanila walang suot na top. Sinasadya ba nila 'to? Sinenyasan naman ni Unu ang iba na magdamit. Ang ganda ng abs ni Raki. Promise. Haha. Nang makabihis na sila, luminya silang anim at nagpakilala.

"Eoseo oseyo~ Wanna be your star! Annyeong haseyo Galax6 imnida~ *claps*" pumalakpak na rin ako. Ang cute lang tignan. Dito ko na rin kinuha ang chance kong makapag-papicture. Haha.

"Kamsahamnida~ Annyeonghaseyo." Bati ko pabalik. Ang gulo ng dorm nila. Ang daming kalat-kung saan-saan. Actually mga damit nila 'yun. Haist. Pero okay lang. Mga lalaki naman sila.

"Sorry kung medyo magulo yung dorm. Medyo busy rin kami para maglinis eh."

"Busy? Haha. Okay lang." Piling ko, busy magcellphone at matulog. Joke! Alam ko namang marami silang schedule.

Ang laki naman ng dorm nila, kaso mukhang maliit kasi nga, ang daming kalat. Alam ko nang dapat gagawin...

"Unu. Eh kung maglinis na lang tayo."

"Maglinis? Tayo lang dalawa?"

"Tayong pito. Bilis tawagin mo na sila. Walang aangal ah." Sabi ko at tinawag na niya sila. Luminya naman sila sa harap ko.

Nakita ko namang nagbubulungan sila. I know this is weird pero, para sa kanila rin ito. Nang magkaroon rin ng space dito.

"Galax6, urineun jeonche gisuksareul cheongsohal geotibnida. Geokjeong maseyo. Uriga ggaekkeuthage han hue chicken-reul sajulkke. Araseo?" Sinabi ko lang na maglilinis kami at pagkatapos naming maglinis, ibibili ko sila ng chicken. Ts. Paborito rin kasi nila 'yun.

"Araseo manim!" Sabi nila at nag-salute. Hindi ko alam pero excited akong maglinis sa dorm nila. Lol. I wanna find some secrets here.

"Let's start with your clothes!" Sabi ko. "Una, I-organize niyo muna yung mga damit niyo kung kanino man yan, then tupi then lagay sa cabinet. At dapat, may teamwork okay?" Tumango naman silang lahat at nag-simula nang maghalungkat sa mga damit.

Yung mga damit nila, mula sa sala, hanggang sa kwarto at banyo nila meron pa rin. Ano ba yan, hindi naman 'to laundry shop para pagtapunan ng damit kung saan-saan. Actually, daig pa nga nila laundry shop eh, baka ukay-ukay pa nga.


"Kanino 'to?" Hirap na hirap na akong pigilan yung tawa ko dito. Haha. Why so extra, Raki? May tinaas kasi siyang brief tapos kanino daw. Bakit kasi may pakalat-kalat na brief dito? Hayst.

Siguro, nahihiya sila kasi nandito ako. Lol. Hindi naman nila kailangan mahiya. I love this dorks no matter who or what they are.

"Sige na. Kunin niyo na ng matapos na. Wag na kayo mahiya. Kung isang sasaeng at byuntae fan ako, baka kunin ko pa yan." Sabi ko baka mapunta pa kay Raki yung brief eh.



Kinuha na naman ni Moonbin yung brief niya at tinuloy na namin yung paghahanap. Kung meron lang talaga na fan na sasaeng at byuntae na pumasok dito, baka kinuha niya na yung brief, tumakas, at nagbunot ng pubic hair sa brief. Meron akong kilala eh. Isang Exo-L.




"Oh kanino naman ito?" Tanong naman ni Moonbin habang hawak hawak ang oversized na polo? Sino namang magsusuot 'nun. "A-akin yan." Sagot ni Unu. Ang laki ng size niya huh. Over-sized talaga?





"Galax6, come here except Unu!" Sabi ni Jinjin at lumapit silang lima maliban kay Unu. Sumilip naman ako sa onting space na nakita ko at nakita kong may hawak si Jinjin na papel. Hmmm.. ano kaya laman nung papel na 'yun?



Sumenyas si Jinjin na nagbibilang at biglang sabay-sabay silang nag-salita. "Dear Kim Haki, Hi I'm Unu Kean Lee from Galax6. And I just want to ask you if we could go on-"








"Dakcho Jinjin-ah!" Sabi niya at nahugot niya yung papel na hawak ni Jinjin. So that was for me? Dapat binilisan nila ang pagrecite nang nalaman ko lahat ng nakasulat doon.


Pagkatapos namin mag-ayos ng damit, nag-linis kami sa buong dorm. Nag-walis, nag-vacuum, nag-mop at lahat na ng paglilinis. Then voila! Ang linis na ng dorm! Haha. Sa katunayan, hindi naman sila tamad, pero kailangan lang nila ng mag-uutos at motivation para gawin ito.



Pagkatapos naming maglinis may nakita akong..... t-shirt na pinagpawisan at may name na Lee Unu sa tag ng damit. Lololol. I should keep this. Di ko na rin sasabihin. Haha.


Luminya naman sila sa harap ko at inalahad yung mga kamay nila. "Chicken?" Huwawi. Sagot ko ba lahat 'to? Parang hindi magkakasiya isang bucket eh.



"Umm... magkakasiya na ba sa inyo yung dalawang bucket?" Nanlaki naman ang mata nila. Ano?! Di kasya huh?! Bigla naman silang tumango lahat. So kasya na nga. Baka ma-overdose sila sa chicken. *insert Exo-Overdose*.




"Sagot ko na yung isang bucket." Sabi ni Unu. Akala ko ako na magbabayad ng lahat. Buti na lang at may dala akong pera at nandyan si Unu.



"So... saan ba gusto niyo kumain?"




"KFC BDJWKDOSKSAUAWKWNDKWB!"
Ah. Kfc daw. Bigla na lang silang nagsigawan dahil sa Kfc eh. Paborito? Kinilig? Siguro nga paborito nila 'yun since masarap ang chicken 'dun at with matching gravy! Natatakam na rin tuloy ako! Tsk.





Malapit lang naman ang Kfc dito kaya naglakad na lang kami. Though, silang Galax6, ay todo under-cover. May disguise pa. Naka-salamin na  harry potter, ginulo yung buhok, naka-hoodie at cap. Wala na talagang privacy pag idol ka na.



Bumili na kami ng chicken at nakita ko naman silang tuwang-tuwa habang kumakain. Nakaka-tuwang tignan. Ang cute. Para silang mga bata.




"Kamsahamnida Noona and Hyung! We haven't eaten this for days!" Weh? Yung totoo? Days? Feeling ko nga araw-araw silang kumakain nito since paborito rin nila ang fried chicken. Baka magka-cholesterol pa sila niyan.



"Yah. Cheon man-eyo. But don't call me Noona. You're older than me."




"But we're younger than you!" Sagot ni Raki at Sanha. Sa bagay, 1998 ako, 1999-2000 sila. Di na rin malayo!


"I hope maging kayo ni Unu-ssi para mabilhan niyo pa kami ng chicken." Sabi nilang lima, maliban kay Unu. Bigla naman akong nabulunan. Kumuha ako ng tubig para umayos yung lalamunan ko. Hanu daw? Maging kami ni Unu para sa chicken nila?



Shem naman. Katabi ko lang si Unu tapos ginaganyan nila kami. Kaasar lang. "That time will come soon." HAAAAAA? HO MAY GULAY SAMPALIN MO NA AKO NG BOUQUET NG PECHAAAAAY!



Jusko naman, magpapakilig ka na nga lang, sa akin pa. Galing mo rin eh nuh? Nagsi-'ayiiiie' naman silang lima habang si Unu tumatawa at ako sinasampal ang sarili ng pechay sa isip. Why am I with this dorks? Sigh!



Pero bigla akong napa-isip, darating ba talaga yung oras na 'yun?

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon