Haki's POV
Papunta kami ngayon sa Starbucks, kung saan kami iinom ng kape, malamang, at magpapahinga dahil nga nag-date na naman kami.
Simula nang maging kami, napapadalas ang pag-aaya niya sa aking mag-date. Eh ako naman, oo ng oo. Eh magmumukang masama pa ako niyan kung tumanggi ako, at wala rin naman akong ginagawa sa bahay.
Nang makarating kami sa Starbucks, natigilan ako muna ako sa kinatatayuan ko, at pinagmasdan yung mga tao sa loob.
May isang grupo naman na nahagilap ng mata ko. Sila Soona, at ang 4ACES. But most importantly.....
Si SKY.
Aaminin ko, hindi pa ako masyadong 'naka-move-on' sa sinabi niya na "Mahal niya ako." Sa tuwing nakikita ko siya, laging nag-eecho sa isipan ko yung mga salitang 'yun. Ewan ko ba.
Pero ngayon kakaiba si Sky. Hindi siya masaya. Actually, naiiyak siya. I think sinuntok niya ang table nila dahil sa nakapatong ang sarado niyang kamay sa table at may natapon pang kape.
Tuluyan na kaming pumasok sa Coffee Shop na ito ngunit napahinto naman ako dahil sa niyakap ako ni Sky.
Ang higpit ng yakap niya. Yung tipong, parang mawawala siya nang matagal? Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong.
"Siguro nga, kailangan na talaga kitang bitawan." Bulong niya sa tenga ko. Bago pa man siyang kumalas sa yakap namin, may tumulong luha sa damit ko.
Hinarap niya ako ulit at ngumiti. Pero alam kong peke lang iyon. Alam kong napipilitan lang siya, para lang di ako mahirapan.....
"Sky!" Tawag ko sa kanya para bumalik siya. Nang makatalikod na siya, nakita kong mero siyang kopya ng invitation sa kasal namin. Parang alam ko na yung dahilan.
"Unu, tara upo na tayo." Sabi ko sa kanya at hinila siya kung saan yung table nila Soona kanina.
"Oorder muna ako." Sabi ni Unu at pumunta sa counter.
"Sinabi niyo sa kanya?" Pambungad na tanong ko kela Soona ng maka-upo ako. Tumango lang silang anim. Bale si Soona, Jinsook, Chae, Seven, Milo at si Jiro na lang ang natira dito.
"Pero bakit niyo sinabi?" Tanong ko.
"Ayaw lang naman kasi namin na ginagawa niyang tanga yung sarili niya. Yung minamahal ka pa rin niya, kahit ikakasal ka na." Sabi nila Seven. Natigilan ako nang marinig kong minamahal niya pa rin ako.
Pero, huli na eh. Ikakasal na talaga kami. Mga ilang araw na lang oh. Kung mas nauna siyang nagsabing "will you be my girlfriend?" Edi sana, kami ngayon, at pwedeng mapigilan ang marriage.
Ayoko namang maging disappointment para kela Mom at Dad. Ito na nga lang ang magagawa ko para makatulog sa kanila, ipapalpak ko pa? Syempre, hindi na.
"Pero sana 'di niyo na lang sinabi. Para hindi siya lalong masaktan." Eh sino bang hindi masasaktan pag nalaman mo na yung mahal mo ay ikakasal na sa iba diba? Plano ko pa namang hindi ito sabihin sa kanya. Dahil ayaw kong masaktan siya.
Ayaw ko namang iwan si Unu. Masasaktan rin siya ng lubusan kung ganon. Dahil pinaasa ko lang siya. Although, arranged marriage lang ito, sinabi niya na sa akin na mahal niya talaga ako, may marriage man o wala. So ibig-sabihin, ipit ako.
"Wala pa ring mangyayari kung ganon. Aasa siya ng aasa sa 'yo hanggang sa mapilitan kang umamin na ikinasal ka na pala. Edi masasaktan rin siya sa huli. Lalo na't pag nalaman niyang itinago mo sa kanya ang tungkol 'dun." Sabi ni Seven. Tama lahat ng sinabi niya, di ko 'yon matatanggi. Kahit anong mangyari, masasaktan pa rin siya.
Gusto ko namang maka-limutan niya na ako. Para hindi na siya lalong masaktan. Atleast, mas magiging maganda ang pakiramdam niya pag wala ako sa isip niya. Okay lang, kahit masakit para sa akin 'yun.
Lumapit na si Unu sa table at inilapag ang kapeng inorder niya para sa amin at umupo sa tabi ko.
"Unu, do you really love Haki? Alam mo kasi, may nasaktan nung sumingit ka sa buhay ni Haki." Sabi ni Seven. At agad naman siya pinalo nang mahina nila Jiro at Milo. Grabe naman yung sinabi niya.
"First of all, I do really love her. Lastly, di naman ako sumingit sa buhay ni Haki. I'm really a part of her life." Napa-nganga naman sila Soona sa sinabi ni Unu. Maski ako rin. Unexpected kasi yung sinabi niya, okay?
But... I, myself think it's true that he IS a part of my life.
"Well... okay, if that's what you think. Alam mo, nasasaktan si--"
"Si Sky. Oo, alam ko 'yun. Pero sana kasi binilisan niya ng kahit konti di 'ba? Kung ngayon, may relationship sila ni Sky, ako na mismo mag-baback-out. Dahil hahayaan ko si Haki kung saan siya masaya. Sometimes you really have to let go for the one you love. Baka nga tulungan ko pang hindi matuloy ang kasal namin kung may relationshio sila. Though, alam ko naman na hindi ganon kadali na 'bumitaw'. Pero sa dulo, iyon rin ang tanging paraan para hindi ka na masaktan. Kesa yung ipinipilit mo ang sarili mo, sa taong mahal mo, hanggang sa umabot na sa pagkakataong nasasaktan na rin siya dahil sa 'yo."
Tama, tama, tama! Pero bakit niya sa kanila sinabi 'yun? Dapat kay Sky eh. Alam ko namang mahirap para sa kanya 'yun eh. Pero kailangan lang talaga.
Tumango-tango naman sila Soona at Seven. Buti naman at nagets nila yung point ni Unu.
"Seven, Milo at Jiro. Please encourage our maknae to let go, okay?" Sabi ko. Tumango naman sila. Lalo lang kasi siyang masasaktan kung ipagpapatuloy niya pa ito. Kaya hahanap na ako ng mga tao na kaya siyang tulungan sa sitwasyon niyang ito.
Sana maintindihan niya ang lahat. Na, hindi talaga kami pwede. Kami yung tinatawag na "Ipinagtagpo pero hindi itinadhana."
Pero bilang isang kaibigan niya, ako rin mismo, tutulungan siya na gumawa ng desisyon tungkol dito. Na dapat na talaga siyang bumitaw.
Pero yung narinig ko kanina na "Siguro nga, kailangan na talaga kitang bitawan." ? Hindi pa siya sigurado 'dun. Alam kong nahihirapan siya sa pagkakasabi niya 'nun, pero nailabas niya pa rin.
Minsan talaga kailangan na nating bumitaw para sa taong mahal natin. Para hindi na rin tayo masaktan.

BINABASA MO ANG
Destined With An Idol (Editing)
FanfictionIsang Perpektong Idol At Isang Die Hard Fangirl What if ang isang Fangirl ay mahalin ng isang Idol? Ano nga bang pagdadaanan ng isang tinadhana sa isang idol? Mahirap maging Fangirl, lalo na kung ang layo mo sa kanila, kung di alam...