22

50 5 0
                                    

A/N
Hello! Sorry kung puro focus tayo kay Haki since siya ang main character. I hope you understand. Thanks a lot!


Haki's POV



"Good. Papakasalan pa kita eh." Sabi niya at niyakap ako. Waw, shemay, ang aga-aga kinikilig ako ng ganito. Paano ba naman kasi eh! Pakasalan daw! Eh di pa nga kami eh. Di pa nga siya nagpopropose at higit sa lahat, hindi pa kami nag-dadate. Pero okay lang since kilala ko naman siya noon pa.


"Hmm..... Tara na?"

"Tara na saan?" Saan naman kami pupunta ngayon? Ang aga-aga pa eh. Ang usapan six. At kaka-kain ko pa nga lang.


"Pupunta tayo sa Fantagio." Automatic namang nahulog ang panga ko. Jinjja? Pupunta kami 'dun? Eh hindi ko pa nga nalilibot 'yun eh! Sa linaki ba naman 'nun malilibot ko 'yun ng isang araw?


"Ahmmm... Anong gagawin natin sa Fantagio?"


"We should talk to Manager. Ay, sorry. Kung gusto mo, kausapin mo si Manager about the marriage. Pero feeling ko, malalagot ako dahil sinabi ko na sa 'yo pero okay lang atleast aware ka na 'dun. And after that, kung gusto mo, ilibot kita sa dorm namin. Malapit lang rin naman 'yun doon eh. You waaant?~" omaygad. Omaygulay. Ako? Sa dorm nila? YES YES YES! OF COURSE! Op! Kalma lang bes, kalma lang.


"Hmmm.. Sure! So ngayon na tayo aalis?" Tanong ko at tumango lang siya. Nagpaalam na ako sa kanya na magbibihis na ako.


Hmm.. ano kayang magandang suotin? Siguro, mag-papants na lang ako since pupunta kami sa office at... polo shirt. Wait, no no no. Mag-dedress na lang ako para bongga. Joke. Yung mga dress lang na over the knee ang haba. Kinuha ko yung floral na dress sa cabinet ko at sinuot ito. Wala namang masama kung mag-dress ako di 'ba? And besides, pupunta rin ako sa dorm nila. Who knows, baka nandun yung iba pang members.


Bumaba muna ako sa hagdan bago ako magsuot ng sapatos. Kinuha ko yung 3 inches na wedge ko at isinuot ko then, kumuha na rin ako ng maliit na hand bag. Oh di 'ba? Ang yaman. Chos.


"You look beautiful." Muntik na akong matapilok nung magsalita si Unu. Putspa, buti hindi niya nakita 'yun. Nakaka-hiya kaya.

"Thank you."



"We... should go now. Baka kasi busy si Manager. And I'll tell you something later. " ano kaya yung sasabihin niya? I hope meron silang come back. Haha. 'Yun talaga yung nasa isip ko eh. Namiss ko silang lahat eh.

Nang makapunta kami sa Fantagio (with the use of his car), pinagbuksan pa ako ng pinto. Alam niyo, parang puro 'thank you' lang ang masasabi ko kay Unu eh. Kasi naman, napaka-gentleman niya. Sinong hindi ma-fafall, diba?


Nang makapasok kami sa Fantagio, nasa likod niya lang ako habang naglalakad. Kasi, ang daming umaaligid na babaeng staffs at nagbubulungan pa. Baka mapagkamalan pa kami ni Unu at magkaroon pa ng tsismis.


"We're looking for manager." Sabi ni Unu nang makasalubong namin yung secretary ni Mom sa labas ng office niya. Pumasok yung secretary at sinabi 'yun at lumabas ulit.

"She said she's busy. You can comeback later." What? So busy nga siya.

"Balik na lang tayo mamaya." Akmang aalis na si Unu pero pinigilan ko. Sinabi kong ako naman ang mag-tatry at bumalik siya.


"I am Kim Min Haki, daughter of your manager, Kim Ji Hye. Please tell her that her daughter is waiting outside her office, NOW." Pagkasabi ko ng NOW, agad siyang pumasok. Kaya ko manakot gamit lang ang mata. Pero, panakot lang yun.


After ng ilang minuto, lumabas na yung secretary. "I'm very sorry for the inconvinience. You may now come in." Nginitian ko na lang yung secretary at pumasok na sa loob. Baka awayin ko pa yung secretary eh.

"Hi Mom." Tumayo siya sa kina-uupuan niya at niyakap ako ang I hugged her back. "I've missed you and your sister. I'm sorry kung lagi akong busy." Ano ba yan si Mama, nag-dadrama pa, sa harap pa ni Unu.


"Good afternoon, manager."


"Oh. Lee Unu! Good afternoon too. I'm guessing...., kayo na ni Haki?"


"MOM." "Manager." Ano ba yan si Mom eh. Pati ba naman siya, nilalagyan ng malisya yung tungkol 'dun. Hays.


"So hindi pa nga kayo?" Umiling-iling kaming dalawa ni Unu. Ito naman si Ma, ang bilis-bilis. Eh ngayon na nga lang kami nagkita ni Unu, kami agad. Mas excited pa ata si Ma kesa sa akin eh.


"You know, kailangan niyo nang magka-developan since meron kayong-"


"Arranged marriage." Putol ko sa sinabi ni Ma. Parang nagulat pa siya. Tinignan naman ni Ma si Unu. Siguro nga malalagot siya kasi sinabi niya sa akin. Pero sana okay lang yun kay Ma.



" 'Yun naman pala eh. Alam mo na rin pala. I hope you understand, anak. This is just for the company, okay? I hope hindi ka magalit tungkol dito, okay?" For the company... Actually, okay lang naman talaga sa akin 'yun. Eh kasi naman, nasa 20s na ako eh at NBSB pa. Ayoko namang tumandang dalaga bes.



At isa pa, kung titignan mo, swerte pa ako. Kasi naman oh, Si Unu yun eh! Napaka-perfect niya kaya sa paningin ko. Sino pa kayang tatanggi?
Baka nga pati kayo, agawin pa yung mga boyfriend niyo dahil lang sa pogi ni Unu. Eh si Jinjin nga, kung babae siya, i-dadate niya si Eunwoo. Buti na lang at hindi siya babae. Thank you Lord.


"Eh ma, hindi naman ako galit eh. Tsaka isa pa, isipin mo na lang na kabayaran 'to sa pag-aalaga mo sa amin. Kaya, I just want to say Thanks to you." Divuh? Ang sweet kong anak.


"Thank you for understanding, anak. Anyway, good luck sa inyong dalawa at sana maging kayo na rin." Ano ba 'tong pinagsasabi ni Ma? Nakaka-ano eh. Parang ang sarap paluin ng isang bouquet ng pechay.


"Yah, Lee Unu, naega nae dareul dol bol georago yaksokhae. Neoneun geunyeoreul gyeolko  dachigehaji anheulgoya? Geureohdamyeon dangsineun nae bunnoe jikmyeonhage dwil geotibnida."
(Promise me that you will take care of my daughter and never hurt her, okay? If so, then you will have to face my wrath.) Grabe naman ito si Mama. Eh di pa nga kami, binabalaan niya na si Unu. Nag-aalala ako baka ma-pressure siya.



"Araseo, manim!" Sabi ni Unu at nag-salute pa siya. Ang cute.


"Oh ma, pupunta na kami sa dorm ah?"


"Anong dorm?"


"Dorm nila Unu." Feeling ko, lalagyan na naman ni Ma ng malisya 'to.



"Yah, Lee Unu! Don't do anything stupid!" Di ba? Nilagyan niya nga ng malisya. Baka akala niya, i-rarape niya ako. Sa bait ba naman ng taong ito? Haha.



















Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon