Haki's POV
Yay! Excited na ako sa date namin mamaya~ Sila Jin? Pina-uwi na namin. Baka kasi kanina pa sila naiinip sa Music Bank. Alam mo na, nagpatagal ako or kami dahil nga pumunta pa kami sa backstage. Nagpasalamat na rin kami baka mamaya, naging istorbo pa kami. Binantayan pa kasi nila kami kahit hindi naman kailangan.
"So... ano nang susuotin mo bes?" Tanong nilang tatlo. 'Di ba? Support nila ako dito sa date na ito. Mahal ko talaga mga bes ko, mali, I might as well treat and call them my family since they are really are.
Hmmm... ano bang magandang suotin? "Ano nga ba?" Tanong ko pabalik. Ayoko kasi mag-dress. Ang OA naman kung ganun. Baka mapagkamalan pa kaming magka-relationship. Gusto ko yung simple lang.
"Ayun! Alam ko na!" Sabi ko at inalagay ang sarado kong kamay sa aking palad. "Ano yun? Huy! Yung pang-maayos ah? Hindi yung parang pupunta ka ng palengke sa Namsan!"
Grabe naman sila? Wala ba silang tiwala sa style ko? Aish. Di ko na lang muna sila papakinggan ngayon.
Kinuha ko ang uniform ko noong high school pa ako sa Hanlim. Alam kong mapapakinabangan pa ito kaya pinalaba ko ito.
"Yan? Yan yung susuotin mo?"
"Oo. Bakit? May problema ba?"
"You're so different, Haki."
"And you don't care. So get out of my room since I'm now going to change."
Umalis na sila sa pagkakasabi ko nun. Isinuot ko na yung polo at skirt ko. Buti na lang at nag-kasya pa rin ito sa akin. Aizcyuze me, hindi ako mataba noh. Buti na lang at mahaba ang palda ko noong highschool ako. Ngayon over the knee na siya. Dati kasi under the knee yung akin.
Isinuot ko na yung neck tie ko na laging nawawala. Naalala ko, muntik na akong mapagalitan dahil laging nawawala yung neck tie ko. Sinuot ko na rin ang coat ko na may initials namin na S at H. Ang cute talaga ng ginawa namin dito. Buti na lang at nakalusot kami nung pinagalitan kami. Aaminin ko, mahal yung uniform ng Hanlim.
Nag-long socks ako tulad nung dati at sinuot na yung black shoes ko noon. Hindi naman ganoon ka-bilis lumaki yung paa ko eh.
Charan! Kamukha ko na ulit yung Haki noon. Haha! Lakas maka-throw back. Wait! May kulang pa!!
Nag-lagay ako ng kaunting pulbos, lip tint at mascara. Yun lang talaga yung make-up na ginagamit ko noon. Ayoko kasi ng masyadong OA na nag'mummukha ka ng clown.
Kinuha ko ang eye glasses ko noon na mala-Harry Potter at sinuot ito. Wag kayong mag-alala, hindi ako nerd noon. Ganito lang talaga ang style ko noon. Simple lang.
Tapos yung buhok ko, tinali ko na parang pony tail na tulad ng dating ginagawa ko. Ang haba kasi. Ayaw ko namang ipa-gupit at ayaw ko rin na pa-kalat-kalat ito sa mukha ko.
Voila! Ako na talaga yung Haki noon. Gayang-gaya ko na talaga siya! Lol. Nakakatuwa namang tignan yung sarili ko sa salamin ng ganito. Nakaka-miss talaga noon. Yung mga panahong kinikilig pa ako kay Sky? HAHAHA SSSSHH LANG KAYO!
Lumabas na ako ng kwarto ako at bumungad sa akin ang nagtatakang mukha nila Soona. "Hala teh, saan punta mo, sa school?"
Sa totoo lang, mukha akong pupunta sa school dahil sa itsura kong ito. Pero okay lang, para wala ring maka-pansin sa akin. Si Sky kaya, anong suot niya?
"Eh, hayaan niyo na. Ayaw ko rin naman kasing maging center of attraction. Gusto ko yung simple lang."
"Kamukha mo na talaga yung dating ikaw."
"Natural! Ako yun eh!"
Nagpahatid na lang ako kela Soona doon sa Restaurant na sinasabi ni Sky. Actually, hindi pa rin ako makapaniwala na magkalapit lang ang apartment namin sa building nila.
"Oh sige na. Good luck sa inyo~ Baka mamaya mag-kadevelop-an na kayo diyan!"
"Manahimik ka nga! Sige na babye na!" Sabi ko at binalibag ang pinto ng kotse. Umalis na sila pag-katapos nun.
Umupo na lang ako sa may bench doon sa labas ng restaurant para hintayin siya. 6:45 pa lang pala. Na-excite ata ako masyado. Ang sabi niya 7:00 eh. Pero okay nang maaga kesa late.
Mga isang minuto ang nakaraan at may dumating na kotse sa harap ko. Siguro si Sky na ito.
Paglabas niya, teka, parang hindi naman ata ito si Sky. Naka-Hanlim kasi yung uniform at may shades, naka-mask at naka-cap pa. Paano ko malalaman kung sino ito?Lumapit sa akin yung lalake at biglang nag-salita.
"Ikaw na talaga yan?"
Teka?! Yung coat niya?! May initials namin! Posible kayang....."BB!" tawag ko sa kanya kahit hindi naman siya malayo sa akin. Kaya pala siya naka-cap, shades at mask nga dahil baka mag-karoon ng rally dito pag may nakakita sa kanyang fan.
Pero naka-uniform siya? So... pareho kami ng sinuot? Hahaha!
Tinanggal niya na yug cap niya at umupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang noo niya dahil parang umitim yung mukha niya kasi nga diba pumuti na siya ngayon? At naka-kita ako ng bakas ng foundation sa daliri ko. Wow, ang effort niya para maging kamukha nung dating Sky. Tapos yung buhok niya, ang gulo katulad nung dati."What a coincidence na pareho nating naisip na yung uniform natin ang susuotin. Haha."
"Eh mas okay na rin ito. Ayaw ko rin namang mag-dress. Atleast maraming memories na naaalala dito sa uniform na ito. Alam mo, akala ko sa tagal nating hindi nagkita, akala ko tinanggal mo na yung patch ng initials natin."
"Ayoko rin naman itong tanggalin. Atleast sa tuwing nakikita ko ito, naaalala kita, yung mga masasayang pinag-gagawa natin noon nung mga high school pa tayo."
Ano ba yan, bakit ang init? Whoo! Kailangan ko ata ng pamaypay. Pinaypay ko ang ang aking kamay sa mukha dahil naiinitan na ako.
"Hehehe. Ang cute mo pag nag-b-blush ka. Parang katulad nung dati."
WEEEEH!? NAGB-BLUSH AKO?! WAAAAAAHHHH LUPA KAININ MO NA AKO BAGO KO PA I-SHOOT YUNG SARILI KO SA CRATER NG BULKAN!!!
Kinikilig ako, enebe. Ay, ang arte? Pabebe? Umayos ka nga Haki! Pa-ulit ulit ko na namang naaalala yung sinasabi niyang nag-b-blush ako tulad ng dati. Eh paano ba kasi, wala na siyang ginawa kundi mag-pakilig noon.
"T-thank you? Ha-ha" na-o-awkward tuloy ako. Kasi naman eh! Nagpapa-kilig ka nanaman eh.
"You're welcome. Tara na, pasok na tayo sa loob." Sabi niya sabay akbay sa akin. Ito nanaman itong feeling na ito, isa-isa na namang sumasabog ang mga cells sa katawan ko.
Lalo na itong puso ko, ang OA kung tumibok.
(A/N)
Pabitin mode on! Hahaha. Next chapter might be published tomorrow😂 Kamsahamnida!
BINABASA MO ANG
Destined With An Idol (Editing)
FanfictionIsang Perpektong Idol At Isang Die Hard Fangirl What if ang isang Fangirl ay mahalin ng isang Idol? Ano nga bang pagdadaanan ng isang tinadhana sa isang idol? Mahirap maging Fangirl, lalo na kung ang layo mo sa kanila, kung di alam...