Soona's POV
Ang tagal naman nila Haki. Ang swerte nung babaeng 'yon! Nakaka-selos. Grabe, hindi nga namin alam na naging mag-kaklase sila ni Sky. Sigurado akong magiging sobrang close na sila nyan. Aaminin ko medyo na-iinggit ako sa kanila. Psh. Baka mamaya pag-dating nila dito, may boyfriend na si Haki. No way! Hintayin niya kami nuh!
*knock* *knock*
Yun! Baka sila na iyan! Sa wakas! Pag-katapos ng ilang dekada naka-rating na sila!
Bago ko buksan ang pintuan, itinapat ko muna ang tenga ko sa pintuan para makinig kung may sinasabi sila sa isa't-isa. Hehehe *evil laugh*
"Hyung? Sigurado ba kayong dito yun? Parang walang tao eh. Wala ngang sumagot sa katok natin eh."
Teka, Hyung ang narinig ko diba? Hindi naman pwedeng tawagin ni Haki si Sky na 'hyung' dahil babae siya at dapat 'oppa' yun, at mas matanda si Haki sa kanya ng two months. (June 28 - September 05)
Binuksan ko na ang pinto at tatlong members ng 4ACES ang bumungad sa akin. "WHAT?!" hindi maka-paniwalang sigaw ko. Bakit sila nandito? Teka, anong gagawin nila dito ng eight ng gabi? Wala naman kaming napag-usapan ah?
" 'Dul, Set! Yeoreobeunui, First Love 4ACES imnida! *claps*" hala nag-introduction pa. Kyah, okay lang kayo?
"Anong ginagawa niyo dito ng eight ng gabi?" Tanong ko.
"Wait?! Tama ba ang narinig ko?! WAAAAAAHHH!!! OPPA'S!!!" Bigla namang sumulpot sa tabi ko sila Jinsook at Chae. Hayst. Wala talaga sila sa ayos pag wala si Haki. Ang nandito lang sila Seven, Milo at Jiro. Teka, asan si Sky? Oo nga pala, may date sila ni Haki. Psh.
"Hehehe. We just came for a surprise visit!"
"Surprise visit nang alas-otso ng gabi?"
"Alas-otso?" Nga pala, spanish yun kaya hindi nila naintindihan.
Basic spanish lang yun ah?"Yeodeul or pal."
"Sige na unnie, ngayon lang~" sabi nila Chae na ngayon ay nakayakap na sa mga bias nila.
"Ne... Jebal Noona~" ts. Gumagamit pa ng pagpapacute nila. Hays."Yaah! I'm not your Noona. Mas matanda kayo sa akin nuh!" Protesta ko. Tawagin ba naman akong Noona?! Mukha ba akong matanda?!
"Jebal?~" ngayon, si Seven naman ang nag-pacute. Okay, you're my weakness so, okay. Pumayag na ako at pinapasok ko na sila.
"Yay! Kamsahamnida! Seorijiluh!" Celebrate nila. Mga abno lang? Hayst. Asan na kaya sila Haki? Kailangan ko na siyaaa! Di ko kaya mag-tame ng mga hayop! Joooke! Joke lang! Sigurado akong magiging maingay ang gabing ito.
"Sayang naman, wala si Sky."
"Kasama niya naman si Haki eh."
"Talaga?" Haluh? Di nila alam? Weh? Umalis siya nang hindi man lang nag-papaalam? Ang galing nila huh.
"Oo nga. Naka-uniform pa nga si Haki ng Hanlim bago umalis." Tumango na lang sila sa sagot ko.
"Okaaay.... since walang magawa, let's play a game! Truth or truth!" Announce ni Jinsook. Huh? Truth or truth?
"Yun! Para sumaya!" Agree ni Milo. "Sayang-saya ka na nga nung nakita mo si Jinsook."
Sabi ng dalawa ng katabi ni Milo.
"Epal kayo hyung's." Sabi ni Milo at nag-pout pa. Pa-cute ka na naman."Hindi ba, truth or dare yun?" Tanong ko.
"Oh sige na nga, Truth or Dare na. Game. Kung kanino tumapat itong bote, siya yung taya. Okay?" Explain ni Seven at tumango naman kaming lahat bilang pagpayag.
Inikot niya na ang bote at tumapat ito sa akin. Hala! Bakit ako?!
"Dare dare dare!" Sabi ko at dahil ayoko mag-truth noh! Baka kung ano pa tanong nila.
"Sinong mag-bibigay ng dare?" Tanong ni Jiro. "Syempre, ako." Sabi ni Seven. Aba ang duga! "Ang dugaaa! Spin the bottle rin ang pagpili ng mag-dadare!"
Wala nang choice si Seven at inikot na ang bote. Tumapat naman ito kay Milo. Hala! Ano ba yan! Ang duga! Ulit! WAAAAH AYOKO NA!
"So I guess ako magbibigay ng dare... Haha! I dare you to kiss Seven. HAHAHA ANG MAG-BACK OUT PAIINUMIN NG PANIS NA GATAS! MERON KAMING DALA!" HAAALLAAA! AYOKO NG PANIS NA GATAS!
"ANO?! AYOKO NGA!"
"SPOILED MILK?"
Wala na akong magagawa dito. Eh ayaw ko ng panis na gatas. Ano ba yan! Lumapit na ako sa pisngi ni Seven and I planted a small kiss on his cheek.
WAAAAAAAAAAHHH! Tumakbo na ako sa CR para mahimasmasan ang sarili ko. Hinugasan ko ang mukha ko para magising ako sa katotohanan. Rinig ko namang tumatawa sila. Mga peste! Babawian ko sila! Sana kasi nandito na talaga sila Haki. Pero bakit ganito? Parang kinikilig ako? Wala! Wala lang yun!
Haki's POV
"Alam mo, may nagsabi sa akin na crush mo daw ako." Teka?! Sino naman ang nagsabi nun sa kanya?! Hala?! Anong gagawin ko?! Ayokong maunang umamin! Baka bigla pa siyang lumayo sa akin niyan! Mag-isip ka ng palusot Haki... Ayun! HAHA! *EVIL LAUGH*
"Hala? Sino bang nagsabi sayo niyan? Yun! Oo nga pinasabi ko yun kay Rain! Pero, nagkamali siya ng sinabihan! Alam mo ba kung sino dapat ang sasabihan niya? Yung crush ko dati sa higher grade! Si Lee Dong Min also known as Unu Kean Lee ng GALAX6 ngayon! HAHAHA! Si Rain mismo, ang may crush sayo so wag ako." YOOOON! NAKA-LUSOT AKO! YES! HAHAHA! Actually, crush ko talaga si Unu noon. Kaso nga, hindi ako makalapit sa kanya kasi hindi ko maiwanan itong si Skydahil ayaw niya akong payagan. Nanay lang ang peg?
"Talaga? Bakit naman?" Malungkot niyang tanong. Hala anyare? May moodswings?
"Ah kasi.. pogi siya, mabait siya, yung boses niya ang ganda! Tapos yung tawa niya nakakatawa rin tapos talented siya, magaling siyang mag-piano, mag-violin, mag-gitara umm... kakaiba siya ganun. Kaya nagustuhan ko siya~" sana naman maniwala siya sa sinasabi ko. Totoo naman lahat yun eh. Ang nagagawa ko na lang sa tuwing nakikita siya ay, sinusulyapan ko lang siya kasi magtatampo si Sky. Diba? OA lang. Pansin ko lang bigla siyang sumimangot. Sabi na nga ba! Magtatampo ka pa rin!
"Kung pinayagan kitang makipagkita kay Unu noon, posible bang maging kayo ngayon?"
"H-ha? O-oo" ano ba yan. Bakit niya kasi natanong yung tanong na iyon? Wala tuloy akong choice kundi um-oo. Parang ang hirap naman ng sitwasyon ko ngayon.
"Alam mo ba kung nasaan si Unu?" Tanong ko. Parang gusto ko lang siya makita ulit. Ang tagal na naming di nagkita since nung grumaduate kami. Nung graduation kasi namin, nandun siya kasama yung mga kaibigan niya. Reunion ata nila nun eh. Ayaw ko namang maki-kelam sa kanila.
"Tuwing ten ng gabi. Tuwing dumaraan ako sa Hanlim nakikita ko siya doon. Baka gusto mong puntahan siya doon. Pero, sasamahan pa rin kita."
"Papayagan mo na ako?!" Tanong ko dahil hindi ko mapigilang ma-excite. Ano bang nangyayari at biglang nag-bago itong si Sky?
"Oo, papayagan na kitang makipagkita sa kanya." Sabi niya sa malungkot na tono. Ano ba yan, bigla akong na-bother sa pagiging malungkot niya.
Sky's POV
Aaminin ko medyo nalungkot ako nang sabihin niyang si Unu ang crush niya. *sigh* Wala na akong magagawa kundi sumunod sa gusto niya dahil bilang mahal ko, gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya. Kaso, sa ibang tao.
Sana ako na lang. Ako lang. Wala nang iba.

BINABASA MO ANG
Destined With An Idol (Editing)
FanfictionIsang Perpektong Idol At Isang Die Hard Fangirl What if ang isang Fangirl ay mahalin ng isang Idol? Ano nga bang pagdadaanan ng isang tinadhana sa isang idol? Mahirap maging Fangirl, lalo na kung ang layo mo sa kanila, kung di alam...