19: 28

75 5 0
                                    


Haki's  POV



"Good Morning Sunshine!" Bati ko sa sarili ko. Ewan ko ba kung bakit masaya ang gising ko. Eh hindi naman ako morning person. Aish!



Wait! May naalala ako! Si Sky nga pala, dito natulog! Gising na kaya yun? Nagmadali akong pumunta sa guest room ng tahamik para tignan siya kung natutulog pa rin siya.



Pagka-bukas ko ng pinto, ayun, bagsak sa kama. Tulog pa rin hanggang ngayon. Siguro napagod kagabi kaka-isip sa narinig niya. Sana wag siyang magpa-apekto doon.


Hmmm... ano kayang pwede kong gawin para sumaya naman itong si Sky? Kaso, hanggang hapon lang ako kasi nga inaya ako ni Unu sa isang 'date'. Anong meron at tinadtad ako ng date? Haha!



Wait, balik tayo sa magpapa-saya kay Sky ngayong araw. Aha! Breakfast in bed! Haha! Marunong naman akong magluto eh. Nagmadali na akong bumaba sa kusina para mag-luto.


Naabutan ko pang kumakain sila Soona. Siguro umuwi na kagabi sila Seven. "Hala teh? Madaling-madali? May sunog?" Biro ni Soona at tumatawa pa. Psh! Na-excite lang ako! "Sssh! Basta! Magluluto na ako!" Sabi ko at kumuha ng ramen!


Ako na ang mismong gagawa ng ramen, hindi yung instant. Syempre, as a korean citizen, dapat marunong kang gumawa ng ramen!


Pagkatapos kong mag-luto ng ramen, sinerve ko na ito sa isang bowl. At~ nag-serve ako ng gatas! Para pumuti siya! Haha joke lang! Syempre, bago ako pumunta sa guest room, kumain muna ako.



Umakyat na ako sa guest room ng tahimik para hindi siya magising. Unti-unti kong pinihit yung door knob at pumasok na sa guest room.



"Sky-ssi~ Wake uppp!" Medyo malakas na ang pag-tawag ko sa kanya, hindi pa rin siya nagigising. Siguro, tulog-mantika ito. Hindi ko yun alam, dahil hindi ka pa kami natutulog ng sabay.


Ano kayang pwede kong gawin? Hmmm... bigla kong naalala yung sinabi ni Soona na 'may sunog'. Hehehe *evil laugh*. May maganda akong plano. Inilapag ko na ang tray ng pagkain niya sa isang table para magawa ko na yung plano.



Kinuha ko yung megaphone sa loob ng cabinet dito. Oo, may megaphone. For emergency purposes like this. Binuksan ko na ang megaphone at isinet ito sa fire alarm. At sumigaw ng "May sunog! May sunog! AT SINUNDAN PA ITO NG LINDOL! PARATING NA ANG BAGYO AT TSUNAMI! AATAKEHIN NA TAYO NG MALAKAS NA TORNADO!" tumatawa na lang ako sa isipan ko para hindi niya ako mahalata. HAHAHA ANO KA NGAYON?




"ASAN NA YUNG SUNOG? YUNG LINDOL?! TSUNAMI?! TORNADO?! IKAW?!! BAKIT HINDI KA GUMAGALAW?!!!!"




"HAHAHAHAHAHAHA!" Sa sobrang tawa ko nahiga ako sa lapag at hawak-hawak yung tiyan ko kaka-tawa. Paano ba naman kasi? Naniwala siya! HAHAHAHA! Gumana nga yung plano ko hahaha!



"Ikaw!!!" Sabi niya at tinuro ako. Haaaalaa! Okay, I'm starting to regret that I did that. Tinanggal niya yung comforter na naka-sabit sa katawan niya para maka-lapit sa akin. Takte, bigla namang bumungad yung pagka-gandang-ganda niyang abs. Bakit parang inaatake ako ng abs? Teka, BAKIT NAKA-HUBAD SIYA HABANG NATUTULOG?!



"HOOOY! MAG-BIHIS KA NGA! HUWAG KANG LALAPIT SA AKIN HANGGA'T HINDI KA PA NAG-BIBIHIS! SIGE! ANO!? LAPIT KA PA! ITATAPON KO 'TONG MAINIT NA SABAW SA'YO!" Eh kasi naman, lapit siya nang lapit sa akin nang hindi pa nakaka-bihis. Ang epal mo rin eh noh!




Tumingin naman siya sa katawan niya tapos binalik ang tingin sa akin. Ano ba!!! "Alam mo kasi, naiinitan ako sa uniform ko kagabi kaya, hinubad ko yung polo ko."



Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon