Haki's POV
"So... are you ready for our real date?" Tanong ni Unu. Ewan ko pero kinilig ako dun. Hays. Kailan ba talaga matatapos ang pagpapakilig niya. Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsagot.
"Hm... you look good in your dress. No, you're beautiful na lang." Again, Waaaaaaah! Mamamatay ako sa kilig neto eh. "Lol, maybe you're not used to receiving complements. Well..... tara na?" Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto sa kanyang kotse. What a gentleman. ^_^
Habang bumabyahe kami, parang alam ko ata kung saang resto kami pupunta? Oh no. No way. Hindi pwede! "Uhhh.... Unu? Saang resto tayo pupunta?" Kinakabahan ako sa anumang sagot niya. Posible kasing...... sa resto ni Sky kami pumunta. "Sa Shabu-shabu na malapit sa apartment niyo at sa dorm ng 4aces." Omeged! Sa resto nga ni Sky! Kalma ka lang, kayanin mo to!
Tumigil na kami sa tapat ng resto ni Sky at wow, kakabukas niya pa lang ng resto, ang dami na agad na mga customers. Shook ako. "Here we are!" Sabi ni Unu at pinagbuksan ako ng pinto para makababa. Nakita ko naman si Sky sa loob at nakita kong nakita niya rin ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko agad. Ayoko kasing maging awkward sa kanya. Pero ngayon pa lang, awkward na.
"Dito kami kumakain minsan, but in disguise. Ito rin yung favorite naming shabu-shabu, ang galing rin kasi nagluluto dito. Although, sayang, kasi every weekends lang ang bukas nito. Kaya I took the opportunity na dalhin ka dito." I'm actually acting na wala akong alam about this place. Tumango na lang ako sa sinabi niya. Actually, kagagaling ko lang dito kahapon. Pero hayaan na, ang sarap rin naman kasi ng pagkain dito.
Nang papasok kami binati kami ni Sky. "Eoseo oseyo~" natigilan naman siya nang makita niya kami. Bumalik na lang siya sa pagluluto niya. Shem, ang awkward naman. Umupo na kami sa lapag at tinignan ang menu. Tinakip ko na lang ito sa mukha ko para hindi ako makita ni Sky. Pero alam kong huli na. Kasi naman, bakit pa ko pumayag na dito kumain? Pero, nakakahiya rin kasi kung tumanggi ako. Hays, lagi na lang akong ipit.
Mga ilang minuto lang, lumapit na si Sky para kunin ang order namin. Todo takip naman ako ng menu sa mukha ko. Ayaw ko na ng feeling na 'to >_<.
"Sir Unu, Miss Haki, can I get your order?" Shuta, minention niya pa name ko. So ibig sabihin nga, lagi silang kumakain dito. Kilala niya eh. Pero si Unu parang di niya pa rin nakilala si Sky?
"Hmm, yung lagi naming order ng Galax6. Eh? Wait, you're Sky, right? So it means, ito yung resto mo?" Ayan! Napansin niya na nga. Although, naka-mask si Sky, napansin niya pa rin.
"Ne. Just keep it a secret. I don't want fangirls to run over me. You're drinks?" Tanong ni Sky. "Lemon Iced tea." Sagot ni Unu. "How about you, Haki? Let me guess, Red tea?" Alam na alam nya talaga ako. Tumango na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Destined With An Idol (Editing)
FanfictionIsang Perpektong Idol At Isang Die Hard Fangirl What if ang isang Fangirl ay mahalin ng isang Idol? Ano nga bang pagdadaanan ng isang tinadhana sa isang idol? Mahirap maging Fangirl, lalo na kung ang layo mo sa kanila, kung di alam...