27

31 3 0
                                    

Haki's POV

Nang magsimula nang umakyat itong seat namin, papunta sa pinaka-tuktok ng tower, ako naman, parang tangang nakaka-kapit kay Unu. Ang taas na kasi nitong seat.

Habang umaakyat pa ito, nililibot ko ang tingin ko sa baba, kung nandoon pa si Sky. Pagkatapos kong ilibot ang mata ko, nahagilap ko ang isang poging lalake. Aish! Wala lang yun, si Sky, nakita ko nga siyang nakatingala. Ibig bang sabihin 'nun nakita niya kami?!

Nang nasa pinaka-tuktok na kami ng tower, ang hinihintay na lang namin ay bumagsak na itong tower. Doble naman ang kaba ko, plus kilig, dahil nga sa hawak ni Kean yung kamay ko :">.

Napasigaw na lang ako ng sobrang lakas as in bibingihin ko na talaga yung mga katabi ko. "WAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!"

Nang makababa na kami, agad akong umalis sa seat na iyon. Natakot talaga ako. Hanggang ngayon, di ko pa rin maalis yung takot ko. TAKOT NA MAKITA KAMI NI SKY.

"Unu, tara na!" Sabi ko sa kanya at hinila sa kung saan.

"H-hey! Wait!" Sabi ni Unu habang hinihila ko siya. Nang mawala na sa paningin ko si Sky, tumigil na ako sa pagkakaladkad sa kanya.


"Did you have fun?"



"Ha? Ay. Oo naman! Haha!" Sabi ko at tumawa. Ayokong mahalata niya na may gumugulo sa isipan ko. Gusto niyang maging masaya ang date na ito at ayaw kong masira na naman ito dahil kay Sky. Kaya, susubukan ko nang di siya pansinin.


"So... saan na tayo sunod?" Tanong ko ng may ngiti sa mukha. It seems na gumagana ang plano ko.

"Since ako pumili kanina, ikaw naman." Hmmm... dahil sa sinabi niya, napahawak ako sa baba ko, at nag-iisip kung anong magandang ride. Napatigil ang pag-iisip ko nang may lumapit na matanda sa akin.

"Iha, pwede ba kitang hulaan?" Tanong ng matanda. Pero, tungkol saan? Ano ba siya? Isang manghuhula o fortune teller?


"Ay lola, hindi na po." Pagtanggi ko ng maayos. Ngunit hindi pa rin siya nagpapigil.

"Saglit lang ito iha, tutal, mukha ka namang may problema." Sagot ng matanda. Paano niya nalaman 'yun?! Ang galing niya ha. Hindi niya pa ko nahahawakan or ano pero alam niya na may pinoproblema ako


"Pahiram ng palad mo." Hinawakan niya ang aking kamay at iniharap niya sa kanya ang palad ko. Medyo nagtataka pa rin ako ngayon kung paano niya nalaman na may problema ako. O baka hula lang 'yun? Maski nga si Unu, nagtaka rin.


"Iha, alam kong may pinagdadaanan ka, na kailangan mong magdesisyon kung sino ang pipiliin mong mamahalin. Alam kong mahirap ito para sa iyo. Ang kailangan mo lang gawin, ay piliin ang kung sinong nagpapasaya sa iyo, na alam mong hindi ka sasaktan. Sana'y maging mapalad ang iyong mapipiling desisiyon." Sabi ng matanda na pareho namin ikinagulat.

Kinilabutan naman ako sa sinabi ng matanda. Pagkatapos 'nun, binigyan ko na lang siya ng 1k dahil sa sobrang galing niyang manghula. Sa una, tumanggi pa siya at sinabing libre lang iyon. Pero pinilit ko pa rin siya at labis naman ang pasasalamat niya ng mapilitang matanggap ito.


"Tungkol saan yung sinabi ng matanda?" Tanong ni Unu habang naghahanap kami ng ride. Ayoko munang malaman niya na nahihirapan ako sa kanilang dalawa ni Sky. Hays, sabi nga nila, sana dalawa na lang ang puso.


Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon