20: Sana

69 5 0
                                    

Haki's POV

"KASI MAHAL KITA!" Bigla akong natigilan sa sinabi niya. So... mahal niya talaga ako? Pero bakit? Bakit ngayon pa? Masyado namang nagiging komplikado yung sitwasyon ko. Nandyan si Unu, tapos si Jin, tapos siya pa? Ang gulo naman ng buhay ko.

"Teka..., Kailan pa, Sky, Kailan pa?" Tanong ko. Gusto ko lang malaman yung totoo. Para hindi naman ako mahirapan.

Umupo siya ulit sa kama at nag-salita. "Nung..... high school pa tayo. Habang tumatagal, mas lalong lumalalim, alam mo na." Yun pala eh. Masyado lang pala kaming 'torpe' sa isa't-isa eh. Kung umamin siya, edi sana kami ngayon, at hindi na ako mag-kakaproblema.

"Tsaka.... narinig ko yung pag-amin mo kagabi. Di pa ako tulog 'nun. Inasar mo pa nga ako at sinabing ang bagal-bagal ko." Bigla naman akong nahiya sa narinig ko. Ts. Ano ba yan, di pa pala siya tulog 'nun. Nakaka-inis! Umamin ako bigla-bigla sa kanya! Pero okay na yun. Atleast, na-ilabas ko na sa sarili ko yung bagay na 'yun.

"Sa lahat ba naman ng tao, bakit ikaw pa? Sky, best friend kita eh. Oo, minahal rin kita, hanggang ngayon, pero, bakit ngayon ka lang umamin? Kung kailan ma-iipit ako? Kung umamin ka sana noon, edi sana, tayo ngayon." Totoo naman eh. Sayang, at ngayon lang siya umamin. Edi sana, ang saya-saya namin ngayon.

"Ngayon lang ako umamin kasi dati, ayaw kong masira yung friendship natin. At ayaw kong bigla-bigla ka na lang iiwas sa akin."

"Ako rin naman eh. Ayaw ko rin masira yung friendship natin. Pero ikaw nga unang umiwas eh."

"Pero ikaw unang nang-iwan." Huh? Ako? Unang nang-iwan? Kailan ko siya iniwan?

"Paano mo naman nasabi na ako ang unang naiwan?" Tanong ko. Sana naman, sumagot siya ng maayos para malaman ko na rin.

"Ikaw unang lumipat sa Pilipinas. 'Di ba?" Wow, so iniwan ko siya nang ganong paraan? Di ko alam yun!

"Eh, hindi ko naman alam na may gusto ka sa akin 'nun. Kung alam ko lang, edi sana hindi na kami lumipat sa Pilipinas." 'Di ba? Makes sense? Kasi eh! Sana umamin na lang siya! Or ako? Sana umamin na lang rin ako.

"Kahit minsan ba, hinanap mo ako?" Tanong ko. Kung hinanap niya ako then I would feel sorry for him dahil pinaghintay ko siya at pinaasa ko siya. Ang sakit siguro nang naramdaman niya.



"O-oo naman. Natuwa nga ako nang malaman kong mag-coconcert kami sa Pinas. Dahil posibleng maka-punta ka. And I'm glad I chose the right girl nung may pinatawag kami sa stage? And that's you. And natuwa ako nung nag-MOA tayo, 'di ba? Though, hindi mo pa ata ako naaalala noon. I'm glad I met you again." Sabi niya at ngumiti. Why do I feel sorry for this guy? Ugh... nag-karoon ba ako ng amnesia or what? Bakit hindi ko siya hinanap 'nun?


Nung unang nakita ko yung 4aces, parang sa tingin ko, familiar sa akin yung mukha ni Sky Kim na maknae nila. I can't believe na siya na talaga 'yun. Di ko ata siya nakilala kasi, mas lalong pumogi? At pumuti? Eh parang ibang-iba na yung itsura niya kesa dati eh. Alam mo na, swaeg.



"Sorry if pinaasa kita. I didn't mean to." Humingi ako ng tawad sa kanya para hindi na mabigat sa kalooban ko yung tungkol 'dun.




"Hehe. Okay lang. Eh ikaw ba, hinanap mo ko noon?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Hinanap ko ba siya noon? Bakit parang di ko maalala?! Posible namang hinanap ko siya dahil siya lang yung naturingan kong napaka-loyal at napaka-mapagmahal na best friend. Pero hanggang 'dun lang ba talaga?




"Nung after natin ata grumaduate, mga ilang days. Hinanap kita sa Korea. Pinuntahan ko rin yung dati niyong bahay dito, pero sabi ng nagbabantay sa bahay niyo, lumipat ka na daw sa Seoul. Since we are half-Filipino, and half of our family is in Philippines, we decided to live there for months. Swerte nga namin dahil umabot kami ng concert at.... nagkita tayo ulit. 'Yun nga lang, di na kita masyadong maalala at makilala noon. Kasi nga, nagbago ka na." Buti naman at naalala ko na. May pagka-short term memory rin kasi ako eh. Mabilis akong makalimot. Eh ang tagal na since nung grumaduate kami hanggang sa concert. Buti na lang at pinaalala niya na siya si Sky Evan Kim, yung best friend ko dati, na hanggang ngayon, best friend pa rin ang turingan.




"Hanggang ngayon ba, best friend pa rin ang turing mo sa akin, tulad ng dati?" Bakit parang bawat salita na sinasabi niya, parang isa-isang kutsilyo na sumasaksak sa puso ko? Bakit parang ang sakit pakinggan na hanggang ngayon, best friend lang ang turing ko sa kanya?



"Hmmm..... O-oo. K-kasi h-hindi ka umamin n-noon. Kung umamin k-ka, edi sana, wa-walang ganitong nangyayari ngayon." Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Para sa akin, masakit sa akin na saktan ko siya nang ganoon.




Hinila niya ako para umupo sa tabi niya. Napahagulgol na lang ako sa kanya. Kasi eh, sana nanatili na lang kami dito at hinintay ko siya. Hay, mapaglaro naman talaga ang buhay nuh? Bigla-bigla ka na lang pag-titripan kung kailan nito gusto. Nakaka-asar lang.




"Ssshhh.... okay lang yan.... naiintindihan ko naman yung sitwasyon mo ngayon kaya ka nag-kakaganito. Tsaka kung iniisip mo na kasalanan mo itong lahat, gusto kong ipaalam sa 'yo na walang may kasalanan nito.... wala. Sana mapag-isipan mo pa itong sitwasyon mo nang mabuti para hindi ka magsisi sa dulo. Pero, hindi ko naman sinasabi na magsisisi ka kapag kasama mo si Eunwu. Gusto ko lang na sumaya ka, kaya, tahan na. Ayokong nakikita kang malungkot at umiiyak..." sabi niya at binigyan ako ng halik sa noo.
Ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Sky. Dahil lagi niya akong pinapasaya kapag nalulungkot ako.



"S-salamat, Sky Evan Kim."



"Salamat rin at walang anuman."

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon