32

36 2 0
                                        

Haki's POV

"Hmmm... Unu, sa tingin mo okay lang si Sky?" Tanong ko.

Mga isang araw pa lang naman ang nakakalipas simula nung umalis siya. Walang nakaka-alam maliban sa kanya kung saan siya pumunta. Tapos, hindi pa siya nagpaalam sa Hyungs niya, or bumalik man lang sa dorm nila. So lahat ng events ng 4ACES ay.... tuloy pa rin kahit wala si Sky.

Sinabi ng agency nila na Hiatus daw muna si Sky. Dahil ang totoo, mismong kahit agency niya, di rin alam kung saan siya pumunta. Hayst. Siguradong maapektuhan ang career niya.


Lumapit naman sa akin si Unu at inakbayan ako. "Huwag ka nang mag-alala, siguradong okay lang siya." Sabi niya at pinat ang ulo ko. Ngumiti na lang ako dahil positive ang iniisip niya tungkol kay Sky. Atleast, okay na silang dalawa ngayon.

"Plus, Unu is just my stage name. Why don't you call me by my real name as Kean?" Tumango-tango naman ako sa kanya.

"Okay po, Unu- este Kean." Sabi ko. Aaaah! Nakaka-lito kasi.

"So... what do you wanna do?" Tanong ko kay Kean. Bored ako eh. Wala akong magawa. Nagtataka ba kayo kung bakit kasama ko si Kean?

Kasi ano.... sinundo niya lang ako from our house, then sumama ako sa kanya. So we're here in their dorm. Specifically, sa kwarto niya. And don't think of bad things, nag-sta-stay lang kami dito.

Actually, simula nang maging kami ni Kean, lagi na kaming magkasama, minsan ko na lang maka-sama sila Soona. Waaah! Namimiss ko sila.

Pero sila rin kasi, gala ng gala, tas iniiwan pa ako dahil ang tagal kong magising. Kaya minsan, nasasanay akong wala sila.

Though, kailangan ko talagang masanay dahil ikakasal na nga ako, at mag-aasikaso ng business so, lesser chance na magkita kami :(





"I don't really know... Can I ask you something?" Tumango naman agad si Kean.

"Kailan nga pala tayo ikakasal?" Tanong ko kay Kean.

"Umm... next month ata? I'm not really sure. Gusto mo tanungin natin si Manager Ji?" Tumango naman ako agad sa sinabi ni Kean.

Yaaay! Pupunta ulit kami sa Fantagio! Which is.... di naman ganon kalayo dito, haha.

Nang maka-rating na kami, agad kaming dumaretso sa office ni Mom. Eto na naman yung Secretary ni Mom na may pagka-kulit. Hayst. Sasabihin ko talaga kay Mom na palitan ang Secretary niya.

"I'm her daughter." Simpleng sabi ko at itinuro ang pangalan ni Mom na naka-dikit sa tabi ng pintuan.

As expected, pinapasok kami nung Secretary. "Tapang." Sabi ni Kean at itinaas pa ang kamay niya. Napatawa na lang ako sa reaksyon niya.



"Anaaak! I missed you!" Lumapot agad sa akin si Mom at niyakap ako. Miss ko na rin si Mom. Madalang lang kasi magkita eh, kasi nga, busy siya.



So I guess nagtataka kayo kung asan si Dad? Well, siya lang naman ang kaisa-isang CEO ng YG entertainment, ang agency nila Sky. So yeah, may away sila na hindi maayos, kaya eto, laging nag-ka-clash ang dalawang agency. At dahil malaki na kami, nasanay na kami dun.


"Oh. You're with Unu again. I see. Having a date again?" Napatango naman si Kean. Eh? Sabi niya pupinta lang kami dito ah? Hayst. Boring naman pero, okay, sama ako :) . Lagi na kasi kaming nagpapaalam pag may date.


"So ano talagang pinunta niyo dito?" Tanong ni Mom. Alam niya ata na may iba pa kaming itatanong ah?

"Manager, natanong kasi sa akin ni Haki kung kailan daw yung kasal. Kailan po?" Ang galang magsalita ni Kean. Atleast may manners. Ang cute lang pakinggan.



"Next week."



"NEXT WEEK?!" sigaw naming tanong ni Kean, at saktong dumating sila Soona. Anong ginagawa nila dito?


"Next week yung kasal?" Tanong nila Soona. Tumango naman si Mom.


"Pero ang bilis naman, Mom." Sagot ko. Di ba? Eh halos two weeks pa nga lang kami ni Kean, tapos next week agad yung kasal? Ang weird! Siguro ganito pag arranged marriage. Pero ang bilis kasi eh.


"It's because, soon, you'll hold this company na. And me? I'll take a break, and find a new business." Sagot ni Mom. Nagtataka naman kami sa sinabi niya.
Eh nakalimutan ko na yung pinag-aralan namin sa Business Management. Ang tagal na nun.


"Pero bakit Mom/Manager?" Tanong namin.



"Maybe, I'm getting tired. And I want to rest, even for just a few months. Masyado kasi akong busy, at di ko na kayo nakaka-sama." Sabi ni Mom. Eh paano ako? Di ba ako magiging busy pag kami may hawak ng fantagio?


"Pero bakit ako, ma? Bakit hindi na lang si Soona. Or si Jinsook. Or yung secretary mo?" Tanong ko.


"Eh kasi nga anak, para hindi ka na mahirapan mag hanap ng trabaho. Ito na nga, nasa kamay mo na ang kompanya, papalaguin mo na lang. Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang panganay, and the most appropriate for this position. Same to Kean. Kaya kasama mo siya, para hindi ka mahirapan mag-isa. At kaya mag-iinvest ang dad niya dito, ay para matulungan kayong dalawa na palaguin ito." Tumango-tango naman kami. Okay, naintindiha ko na.



Pero next week agad oh. Di pa nga siya nakakapag-propose. At di pa kami mag-iisang buwan pag kinasal kami. Baka pangatlong week pa lang namin yon.



"Okay ma, I understand na."




"Kean, tell me, kayo na ba ni Haki?" Nagtinginan naman kami sa isa't-isa. Di pa kasi namin nasasabi 'yun kahit kanino maliban kay Sky. Tumingin naman ako kela Soona na inaabangan rin yung sasabihin niya.



Tumango na lang ako kay Kean para ituloy ang sasabihin niya. "Yes, Manager. We're in a relationship na po."





Out of the blue, biglang tumili sila Soona. Hindi lang si Soona. Pati si Mom! Bakit nag-susumixteen itong si Mom?! Hayst!


"Welcome to the family, Kean!" Sabi ni Mom na parang nagcecelebrate na parang ewan. Promise, para siyang nabigyan nila Soona ng party drugs. Joke lang.


Ngumiti naman si Kean sa akin. "Thank you po, Manager." Sabi ni Kean na patawa-tawa. Iiiih! Ako naman, parang strawberry na namumula. Inis lang.


"Teka sandali lang!" Sabi ni Mom at napatigil silang lahat sa kakatalon.


"Kung in a relationship nga kayo, pakitaan niyo nga kami ng KISS! KIIIIISSSS!" sabi nila Mom at Soona. Waaaah! Mga baliw na sila.

Tinulak-tulak naman nila ako hanggang sa lumanding ako sa dibdib ni Kean. Ang tigas. Joke. Nag-sitilian naman sila ng parang ewan dahil doon.


"Sorry kung ganito Fam ko." Sabi ko kay Kean na nahihiya. Ako na nahiya para sa kanila ah! Ako na!


"Okay lang, I like them naman. Oh, paghihintayin mo pa ba sila? Kiss daw." Sabi ni Kean na lalong ikinamula ng mukha ko. Waaaah! Pinagtutulungan nila ako eh!

"KISS! KISS! KISS! WAAAAAH!" Para silang ewan na nag-checheer na tumitiling unggoy. Ang gugulo nila.


Dahil gusto ko nang matapos ito. Hinawakan ko nang magkabila ang mukha ni Kean, tumingkayad, at hinalikan nga siya, sa labi. Smack lang naman!


Lalo namang nag-sitilian yung mga unggoy. Tumawa lang rin si Kean. Maski na rin ako. Uuuuyy, kinikilig! HAHAHA!


Ewan ko ba, pero parang tuluyan nang nahulog yung puso ko sa 'yo Kean.♡


















Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon