10: Chance?

76 5 0
                                    

Chae's POV

Nawe-weirduhan parin ako sa ginawa ni Keith. Hays. Anong ibig sabihin nun? Naalala ko tuloy, nung gabing kasama ko siya matulog. Namiss ko ang boses niyang yun na ngayon ko lang narinig nung araw na yun.

"Unnies~ Saeng~ come here! There's an update~" sigaw ni Jinsook mula sa room niya at agad kaming pumasok doon. "Anong meron?" Tanong namin.

"Since Friday bukas, tomorrow, may Music Bank! So are we joining or not?" Tanong niya sa amin.

"Kasama ba 4ACES?" Syempre, kung pupunta kayong music bank, dapat kasama sa line up ang mga idols mo.

"Eto line up. Twenty na groups silang lahat na magpeperform: BTS, EXO, SEVENTEEN, ASTRO, GOT7, MONSTA X, ROMEO, RED VELVET, TWICE, BLACKPINK, SNSD, EXID, CLC, MOMOLAND, PRISTIN, GFRIEND, SUPER JUNIOR, GALAX6 AT~ 4ACES!"

"YES! MAGPABOOK KA NA NG TICKET!!! SVIP HUH!!!" Yay! Excited na kami tomorrow~~~

****

Ayan na~ magsisimula na! First magpeperform ang 4ACES. At sunod sunod na yung line up. Yay. Makikita ulit namin sila.

KASO. Kasama namin sila  Jin, Jay, Keith at June. Psh. Nagpapasama pa kasi sila. I mean, do they have to watch Music bank even though wala silang istina-stan na group?

"Yah. Oppa! Bakit nga pala kayo sumama?" Tanong namin eh sa curious kami at hindi mapakali sa kinatatayuan namin. "We're not here to watch, we're here to watch over you." Sagot ni June.

"What?! But why?! Malalaki na kami ah!" Nakaka-inis naman kung may papanoorin kang maganda, tapos may manggugulo sayo? Kainis!

"Binilin yun sa amin nila Tita." Sagot nilang apat. Nila Mom? Pero bakit?! Baka concern lang sila, eh bakit nung concert?!

"Eh bakit hindi kayo kasama sa concert noon?" Tanong naming apat at tinaas ang isang kilay. "Nasa Pilipinas pa kayo nun." Ay. Oo nga pala. Pahiya tuloy kami. "Mianhae."

"Gwaenchanha." Eish. Napahiya pa kami dahil dun. Aish! Makapanood na nga lang! Bakit pa kasi sumama.

Nasa harap kami ngayon as usual, sa harap mismo ng stage nakatayo. Dahil ito ang pinaka-magandang pwesto. And guess what? We have backstage passes!
Yeees!

"Anong oras ba--"

"SSSSSSHHH MAGSISIMULA NA!" Sabi namin at pinatahimik silang apat. Nako, baka mapagkamalan silang fanboy. Napa "psh" na lang silang apat. Kung naiinip sila, aba sana umuwi na lang sila. Hindi yung kami pa ata ang nacoconcern sa kanila.

Lumabas na ang 4ACES sa stage at ayan, ang daming sumisigaw, kumakanta ng fanchants, nagwawagay ng banner na akala mo isang flag.

Ayan na~ sumasayaw at kumakanta na sila! "Oppa~!" Sigaw ng marami. Hahaha!
"Oppa marry me~!" Napatingin kaming pito kay Haki dahil sa sinabi niya. Ano daw? Marry me?!

"Hehehe. Mianhae!" Lahat na lang kami napa "psh" sa ginawa niya. Pero bakit parang ang lungkot ni Jin? Hindi ata siya masaya? Baka di niya lang type tong Music Bank. Nakasimangot ata siya eh?

Habang sumasayaw sila, napansin ko na may kumindat sa akin. May nakita ako eh! Promise! "Oppa kayo ba yung kumindat sa akin?"

"Huh? Okay ka lang? Feeling mo rin nuh?" Sagot ni Keith. Hmmp! Di naman ako feeling. Feeling ko lang talaga may tumitig sa akin, tas kumindat sa akin pero hindi ko lang nakita kung sino.

Tinitigan ko na lang sila mag-perform. Hmmm.... feeling ko talaga may kumindat eh. Parang ramdam ko yung galaw niya? Ewan.

Nung tinititigan ko si Jiro, parang nakasimangot na malungkot? Ano bang meron at lahat nagiging malungkot? Aish. Baka may pinagdadaanan lang siya for the mean time.

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon