25

43 3 0
                                    

Unu's POV

Nandito pa rin kami sa hospital, hinihintay na magising si Haki. Ako, nakaupo pa rin malapit sa kama niya, tapos sila Soona, naka-upo sa sofa, pero si Sky, nasa labas naka-upo. Siguro pinagsisisihan niya yung nangyari.



Ang tagal na naming naghihintay dito, pero wala pa rin, hindi pa rin namin siya magising.


"Hay.... kailan ka nga ba talaga magigising? Ang daming nag-aalala sa'yo eh." Bulong ko sa kanya.


Mga ilang sandali lang, biglang naramdaman ko yung kamay niyang gumalaw. Napatayo naman ako 'dun.


"Bakit?!" Sigaw na tanong nila Soona. Napatayo rin sila dahil sa ginawa ko.




"Naramdaman ko.... gumalaw yung kamay niya! Promise." Nagsilapitan naman sila sa kama ni Haki at naghihintay kung gagalaw pa siya ulit.



"Eu-eunwu!" Bulong ni Haki. Mukhang nanghina talaga siya. Sana, walang nangyaring masama sa kanya.


"Haki!" Sigaw nila Soona at niyakap siya.



"T-teka lang! Hindi ako makahinga! Tabi!" Saway niya sa kanila. Ang kulit talaga nila sa isa't-isa. Siguro nga namiss nila si Haki, maski na rin ako.



Haki's POV


Nakita ko namang tuwang-tuwa sila Soona nang magising ako. Maski na rin si Eunwu, halos mapa-iyak na nga. Ang dami tuloy nag-alala sa akin. Ts, nakakahiya na.



"Okay ka na? Wala nang masakit sa 'yo? Or makati?" Tanong ni Eunwu. Umiling na lang ako at ngumiti sa kanya. Dahil sa kanya, nadala ako dito sa hospital at nagamot agad. Ang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanya.


"So... ready ka nang umuwi?" Tanong nilang apat. Ang kulit naman nila, nakaka-asar lang.



"Oo." Sagot ko at nag-prepare na kami pa-uwi.



Pagkatapos naming magprepare, nilapitan ko si Eunwu para maka-usap siya. "Okay ka na ba talaga? Baka malagot ako kay manager pag nalaman niya 'to." Sagot niya. Aysus! Di niya naman kasalanan eh. Pero bakit parang takot siyang malaman ni manager ito? Dahil ba takot siya sa kanya? Well, tbh, nakakatakot talaga magalit si Mom.




"Ssssh! Sa atin na lang 'yun, okay? Sumbong mo sa akin kung may magtatangkang magsumbong kay Mom, ako bahala sa 'yo." Sabi ko para gumaan ang loob niya. Mukha naman siyang nabunutan ng tinik nang sabihin ko iyon.



"Tsaka.... thank you nga pala ngayon, sa date at sa pagdala mo sa akin dito sa hospital. Alam mo, kung hindi dahil sa 'yo, baka matuluyan na ako niyan." Actually, nahihiya nga ako sa pagkakasabi ko niyan. Paano ba kasi, nadamay pa siya dahil sa akin, sana hindi na 'to maulit pa.



"You're welcome. Pero, ginawa ko lang naman kung anong dapat kong gawin." So it means na dapat niya akong iligtas? Waaaaah! Wag naman ganyan, wag mo muna akong pakiligin.

Nang lumabas na kami, nakita kong naka-upo si Sky, habang hawak-hawak ang ulo niya na para bang nagsisisi at nag-aalala.


Nang makita niya kami napatayo siya at di ko in-expect ang sunod niyang ginawa....


Niyakap niya ako. Ramdam ko sa yakap niya na nag-alala siya para sa akin. Naka-tayo lang ako, at walang ginagawa dahil ang higpit ng yakap niya.



Agad namang hinila nila Soona, si Sky. Ang lakas nila ha. "For now, Sky Evan Kim, you are not allowed to touch, talk or do any physical contact to our Haki. Kahit magkita, bawal, so we can prevent this incident from happening again. Even you, Haki, sumunod ka na lang." Mala-awtoridad na sabi ni Soona. Hala?! Pati ako? Pero grabe naman 'yun! Parang grounded kami sa isa't-isa! Pero sigurado rin naman ako na hindi naman sinadya ni Sky yung nangyari.



"Grabe naman 'yun." Sagot ni Sky. Oh di 'ba? Pareho kami ng iniisip.



"Mas grabe naman yung ginawa mo kay Haki." Sagot ni Eunwu. Oy, please lang, kakagaling ko lang sa allergies, tas mag-aaway pa kayo?



"Tama. We'll contact you as soon as we can kung pwede na kayong magkita, so bye bye." Sabi ni Soona at hinila ang kamay ko. Okay.... napaka-grabe na 'nun. O sadyang concern lang sila para sa akin?





"And! We'll give a punishment to the one of you, that is responsible for seeing each  other. You got that?" Pahabol na sabi ni Jinsook at tumango lang kami. Mga nanay ko talaga 'to.



Nag-wave na lang ako kay Sky na naiwang nakatayo sa gitna ng corridor. Habang papalayo kami, unti-unti nang naglaho siya sa paningin ko. Siguro hindi niya ma-process sa utak niya yung nangyari ngayon, maski ako na rin.



Mga ilang kaladkaran pa, ay nakarating na kami sa parking lot.

"Sa amin na siya sasabay." Sabi ni Soona kay Unu na tumango lang. "Babye." Sabi niya at nag-wave. Pumunta na siya sa kotse niya na hindi naman ganon kalayo sa kotse namin.




"Teka, wait lang." Sabi ko at pumiglas sa mahigpit na hawak ni Soona, pero agad ko rin namang natanggal.



Bago pa mabuksan yung kotse niya ay nakalapit na ako sa kanya. Gusto ko kasi siyang pasalamatan ng maayos.


"Thank you." Sabi ko at..... hinalikan siya sa pisngi, smack lang naman. Nakita ko namang pumula yung mukha niya na agad niya ring tinakpan. Aysoooos, nakita ko na po na namumula ka.




"Y-you're welcome. B-bye. G-good night." Sabi niya nang pautal-utal. Inaamin ko, ang cute niya pag ganon. Sama mo pa yung instant blush on niya haha!



Bumalik na ako sa kotse namin at sumakay na. Whop! Oo na, kinilig ako 'dun. Mga kabaliwan ko talaga eh, nuh?



"Ayiiiee!" Asar nilang tatlo. Lah? Yung totoo? Bipolar amp!



"Ts. Wag nga kayong maki-alam. Mga bipolar."



"Suuus! Kinikilig lang yan eh~ Haha! Aminin~ pag di mo inamin, post namin mga stolen mo!" Hala. Wala naman akong panglaban sa blackmail nila. Paano na 'to? Ayaw ko namang mapahiya nuh.



"May gusto ka kay Unu? Isang yes o oo lang ang kailangan namin." Ano ba yan, kaya ayoko ng asaran eh. Sana di ko na lang 'yun ginawa -3-.




"Hmm... slight oo? Haha." Sabi ko na nahihiya as in.



"YAAAAAAN! YAN TAYO EH! YIIIIIEEE! HAKI AND UNU SITTING IN A TREE,
K-I-S-S-I-N-G! HAHAHAHA ISIP KAYO SHIP NAME! ALAM KO NA! EUNKI HAHAHAHA KCJSIAHFBSJSJSJNXNSAJDHJJDWK!!! sigaw nila at di ko na lang pinansin. Mga abnormal. Buti na lang hindi nawawalan ng pokus si Soona sa pag-dridrive, kahit kinikilig. Haha, sige na, pati ako kinikilig HAHA.


Pero nang makita ko ang ganitong side ng ugali ni Unu today, or since high school, posible ngang nahulog ako sa kanya. :">






























Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon