28

32 3 0
                                    





Sky's POV



Hindi pa rin ako makapaniwala na grounded ako kay Haki. Siya na nga lang pwede kong maka-sama aside kela Milo. Hindi naman sa nagsasawa ako sa kanila, Haki is just different, I guess.




Also, I'm starting to think she's liking that Unu. Medyo playgirl ang babaeng 'yun. Porket single, marami ang gustong lalake -_-. Pero kaming dalawa lang naman ni Unu 'yun. Bakit pa kasi nakilala niya siya.



Agad ko namang tinignan ang phone ko nang nag-vibrate ito. Yung message, galing kay Soona.



Please meet with us in Starbucks near your dorm. We have a lot to talk about.




So.... they decided to confront me? Okay. Agad naman akong lumabas ng dorm at pumunta sa Starbucks. Nakapang-casual na rin naman ako kanina, kaya pwede na itong suot ko.



Nakita ko naman silang tatlo na naka-upo na sa isang table at kasama sila Seven habang nagtatawanan? Bakit di ko alam to? Pero wala si Haki. Sigurado akong tulog pa yun hanggang ngayon.




Pumasok na ako at umupo sa table nila. "Good Morning." Bati ko.




"Well, we don't want this to took a long time, so... I'll be direct to you. May nararamdaman ka ba kay ate Haki? Mahal mo ba siya or what?" Tanong ni Soona. Tumango naman sila Jinsook at Chae bilang pag-sang ayon sa sinabi ni Soona. Habang sila Seven lang ay tinititigan ako. Bakit pa kasi kasama sila    -_-



Pero... aaminin ko na nga ba? Siguro baka matulungan nila ako kay Haki kung umamin ako. Pero paano kung hindi? Ah ewan. Aamin na ako.



"Mahal ko nga siya." Pumalakpak naman si Soona ng isang beses na parang tama ang hinala niya.



"Sabi ko na nga ba." Sabi nilang pito. Kailangan sabay?




"Eh... kailan pa?" Tanong ni Jinsook.



"Magkaklase kami since elementary hanggang high school. Though, nagustuhan ko siya ng mag-high school na kami." Paliwanag ko. Tumango naman sila na parang naiintindihan nila.




"We'll be frank with you. May arranged marriage si ate Haki kay kuya Unu. That's why they're starting to date. To get close to each other." Sabi ni Chae na ikinagulat ko. Arranged......... marriage?



"But, we think Kuya Unu, really likes ate from the way he's treating her. Sweet siya kay ate, ganon." Sunod na sabi ni Jinsook. Para akong sinasaksak sa bawat salitang sinasabi nila sa akin. So... totoo nga? Na gusto niya talaga si Haki? Ibig-sabihin, ito yung dahilan kung bakit sinabi niyang ang bagal ko, kasi ikakasal na siya sa iba?




"Pero naka-amin na ako sa kanya!" Protesta ko.




"Sinabi ko nang mahal ko siya."




"Pero naging kayo ba?" Nanigas ako sa sinabi ni Soona. Tama, nung umamin ako,  hindi naman talaga naging kami.




"Pero nabanggit niya sa akin na gusto niya rin ako."





"To be honest, ang bagal mo kasi gumalaw, kaya naunahan ka na ni Unu. Ikakasal na sila like, next month na ata. If you were in a relationship with ate, you could have stop the marriage. " paliwanag ni Soona.





"Not to mention, ang saya-saya niya lagi pag kasama niya si Unu."  Sagot ni Jinsook.




"Ayaw naman naming ilayo sa kanya yung nagpapasaya sa kanya 'di ba?" Nagpapasaya? Eh paano ako? Di ko ba siya pinasaya noon? Kahit hanggang ngayon? Hindi ba nila 'yun nakikita?




"Also, nung umuwi siya kagabi, ang saya saya niya. You know why? Kasi-"




"Sila na ni Unu." Putol ko sa sinasabi ni Soona. Oo, alam ko yun lahat. Sinundan ko sila ng makita ko sila Chanyeol Park. At di ko inaasahang magiging sila na talaga, sa araw na iyon.




"So you followed them." Tumango na lang ako sa sinabi ni Jinsook.





"Kung ako sa 'yo, pigilan mo yung nararamdaman mo. Baka masaktan mo pa si ate niyan eh." Sabi ni Chae.




"Pero hindi ganoon kadali 'yun." Sagot ko pabalik.




"Ang tagal kong hinanap si Haki. Naghintay ako, kung kailan darating yung araw na makikita ko siya ulit. Ngayong nakita ko na siya, sasabihin niyong inilalayo niyo siya sa akin? Na pigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya? Ganon ba ang gusto niyo?!" Hindi ko mapigilang sumigaw. At unti-unti na ring nahulog ang mga luha ko na kahapon pang nandiyan at naghihintay lang ng tamang panahon para lumabas sa mata ko.





"We're sorry." Sabi nilang tatlo. Hinawakan naman nila Seven ang balikat ko para pakalmahin ako.




"Hindi ko na ba talaga mapipigilan iyon? Yung kasal na 'yon? Wala na bang ibang paraan?!" Sigaw ko. Ngunit umiling lang sila Soona. Bigla ko na lang nasuntok itong lamesa dahil sa galit.



Wala na akong pake kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dito.







"Anyways, the real reason why I asked you to go here is to give this invitation." At may inabot si Soona na invitation. Sigurado na ngang ikakasal sila. Hindi ko na ata sila mapipigilan.





Tinitigan ko lang ang papel na hawak ni Soona. Mga ilang sandali lang, kinuha ko ito para tignan ang nilalaman nito.



Naka-sulat ang pangalan ko. Sa isa sa mga Groom's men. Aaaaggggh! Ako dapat ang groom ni Haki eh. Pero wala na, huli na eh. Ang bagal ko nga.



Itinago ko na lang ang papel na iyon sa bulsa ko. Di ko alam kung makakapunta pa ako sa kasal na iyon.



"Teka... pero bawal ang dating sa idols di ba?" Tumango naman silang lahat.




"Unless, intention 'yun ng agency mo." Sabi nila Seven. Ibig-sabihin, intentionally 'yun? Sinasadya talaga nilang ipakasal silang dalawa?





"Di na talaga ako siguro makakahabol sa kanya. Wala na eh. Huli na ang lahat eh." Sabi ko sa sarili ko. Hanggang dito na lang ba talaga ako? Di ko na ba talaga siya maipaglalaban? Kaya ko naman siyang ipaglaban eh. Pero, bumigay nga lang siya kay Unu.



Siguro, ginagawa niya ito para sa magulang niya, para sa company nila. Eh arranged daw eh. Maiintindihan ko naman 'yun. Pero wala na eh. Mahal niya na rin si Unu.




Masaya na siya sa kanya. Ayaw ko namang maging dahilan ng pagkawala ng kasiyahan niya. Pero, pwedeng maging ako 'yun.



Pero sa pagkakataong ito, kailangan ko na siyang bitawan.




Napatingin naman ako sa pinto nang marinig na may pumasok. Nakita ko naman si Haki. Kasama si Unu. Magkahawak pa ang kamay nila. Halatang masaya rin si Haki sa kanya.




Tumayo naman ako at lumapit kay Haki. Di ko alam kung paano nangyari ito, pero niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong sa tenga niya.





"Siguro nga, kailangan na talaga kitang bitawan."   Bulong ko at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.

---



Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon