14: Date

78 3 0
                                        

Haki's POV


"You're welcome. Tara na, pasok na tayo sa loob." Sabi niya sabay akbay sa akin. Ito nanaman itong feeling na ito, isa-isa nanamang sumasabog ang mga cells sa katawan ko. Hindi naman literal! Feeling nga lang eh!


"Teka, eh bakit sarado itong restaurant? Tignan mo oh, close daw. Tsaka wala ring tao sa loob." Bakit niya pinlano na pumunta kami sa isang sarado na resto? Baka hindi dito ang pupuntahan namin? Sayang, ang ganda ng ambiance sa loob eh. Pero, parang may naaalala ako dito.


"Makakalimutin ka talaga. Kela Mom ito dati 'di ba? Madalas kitang dalhin dito noon. Swerte mo nga eh, lagi kang nakaka-libre ng pagkain dito. Close kasi kayo masyado ni Mom eh. Tawag mo pa nga sa kanya noon 'Tita'. By the way, sa akin na itong resto. I only run it during weekends."
Wooow.. talaga? Makakalimutin nga ako. Oo, totoo 'yun, pag kumakain ako dito, nakakalibre ako ng pagkain dito. Minsan sabay pa kaming nagluluto ni Tita at ni Sky. Close talaga kami ng Mom niya or si 'Tita Jihyun'. Mabait kasi siya at madaling maka-sama. At nalaman ko rin kung kanino nakuha yung good looks ni Sky. Ang ganda kaya ni Tita.

Binuksan na ni Sky yung glass door gamit ang kanyang susi at pumasok na kami. Gets ko na kung bakit sarado itong resto, kasi Friday ngayon. Swerte ng mapapangasawa ni Sky nuh? Pogi na, talented, mabait, magaling mag-luto at lahat na ng ideals mo nasa kanya na!


Ang ganda ng ambiance sa loob. Yung tipong, yung design niya parang yung sa mga lumang bahay dito sa Korea. Ang ganda lang, nakaka-amaze. I really missed the old days, kung saan nag-kukulitan pa kami dito sa resto. Kasama pa nga namin si Tita eh.


"Dami mo sigurong naaalala dito noh? The old, good times." Sambit niya.


"Yeah, the old, very good memories, you say." Nakaka-miss lang yung mga araw na nagiging pasaway pa kami sa lahat. Haha.


Umupo na ako sa lapag since pang lumang bahay nga ang ambiance. Bumalik na si Sky na may dalang meat which is pork, beef , and chicken! Guess what? We have shabu-shabu! Hindi yung drugs! Kundi yung lulutuin mo yung pagkain sa isang restaurant bago mo kainin okay?


"Sige na, ako naman magluto, Jebal~" Eish! Dati, ako naman laging nagluluto! Ginagamit niya na naman yung pagpapa-cute niya. Pumayag na rin ako dahil ayoko ng lumaban pa sa kanya.



Minarinate niya muna yung meat bago ito iluto. "Bagong recipe ko yang marinade. I think it would be best if you try it first." Yiiiee! Ano ba yan eh! Kinikilig na naman ako!


Pagkatapos maluto, sinerve nya ito sa mga plato. "Melted cheese!" Sabi ko dahil tuwing nag-sha-shabu-shabu kami, may melted cheese akong nilalagay. "Yaaah... baka ma high-blood ka niyan sa cheese. Tikman mo muna ng walang cheese." K. Fine! Naconcern pa ata siya.


Kumuha siya ng beef na kakaluto lang gamit ang chopsticks at hinipan ito. Alam niya talaga na ang paborito kong meat ay beef kahit na medyo matigas ito. "Say aaahh~" sabi niya. Wala na akong nagawa kundi ibuka ang bibig ko at isubo ito. "So.... is it good?"


Okay, ayoko na, suko na ako, IKAW NA ANG MASTERCHEF NG BUONG MUNDO! WAAAH! ANG SARAP! Ang sarap ng mixture ng soy sauce at garlic at lahat na ng ingredients na meron doon. "IT'S THE BEST! PENGE PA!!"
Ay? Patay gutom ang peg? Wala ng hiya hiya! Ang sarap eh.


"Hehehe. Sabi na nga ba magugustuhan mo eh."


"You know, you never fail to make me smile, even with just your simple cooking." Pag-amin ko. Eeeh ang sarap eh. Nakakadala ng damdamin. Nakita ko namang nag-blush siya. Oha! Kaya ko rin magpa-blush ng tao gaano man ka-itim yan. Hahahaha! Joke lang!


"Hehehe. I'm glad you felt that way." Ayan na naman, nag-papakilig na naman siya. Okay! It's getting hot here! Change topic!!!


"So... asan na nga pala si Tita Jihyun?" Tanong ko. I miss her. I think we should hang out sometime. Masaya pa naman siyang kasama. Actually, tinuturing niya nga akong anak or specifically, 'daughter in law'.


"Hmm... Nasa France. Busy siya sa pag-aasikaso sa business namin. Iyon din ang dahilan kung bakit naiwan itong resto sa akin. Bakit? Miss mo siya?"


"Yeah. I miss her. Namiss ko yung mga times na tawag ko sa kanya Mom eh."



"Alam mo, parang mas close pa nga ikaw kay Mom kesa sa akin. Haha."


"Hehehe... It's a girl's thing. We get close easily. Tsaka hindi naman mahirap pakisamahan si Tita."


"Sa bagay."


"May question ako, kung every weekends mo ito binubuksan, then, ibig-sabihin maraming nakakakita sayo?" Tanong ko. Curious lang.


"Oo naman. Pero, I'm in disguise. I usually wear this outfit when I'm going here. Para rin naman hindi nila ako mahalata. Actually, wala pang nakakahalata sa akin. Naka-mask rin kasi ako dito."


Aaaah.. okay I get it. Ang hirap siguro maging idol nuh? Wala ka nang privacy, kailangan mo pang magtago sa mga tao. Pero atleast famous ka.


"Hmm...  Haha!" Bigla tuloy akong natawa sa nakita ko.


"Ano na naman yun?" Tanong niya. HAHAHAHA! Kumakain na pala pati ilong. Ma-picturan nga.
"Uy! Ano ngang meron?"


"Halika." Lumapit naman siya. Kumuha ako ng tissue sa table at pinunas sa ilong niyang may sauce. Haha! Ang cute!!!


Namula naman siya dun. Haist. Naka-bawi din! HAHAHA! "Ikaw ah! Binabawian mo lang ako eh!" Halaaa?! Ano yun?! Telepathy?! WAAAAH!



"Hindi nuh!"


"Ah sige... Babawi ako. Naalala mo yun nung..."


~Flashback~ (Sky's POV)


Prom na namin ngayon and guess what, partner ko si Haki. Wala rin naman siyang choice kasi hindi kami masyadong close sa iba. Yung tipong may sarili kaming mundo ni Haki na kaka-iba sa mundo ng iba.


"It's time for the slow dance!" Announce ng MC. Bakit ba tuwing nag-papalit ang genre ng music ay biglang nag-iiba yung feeling? Sa katunayan, medyo nahihiya pa nga kami sa isa't-isa sa prom na ito.



Hinawakan ko na ang isang kamay niya, nilagay ko ang kamay ko sa bewang niya, nilagay niya naman ang isa niyang kamay sa balikat ko. At nag-simula na kaming sumayaw.




Mga ilang minuto ang nakaraan at ang tahimik pa rin namin. Walang kibuan. I can't deny that she's stunningly beautiful.


Patapos na kaming sumayaw nang may dalawang maharot na magkapartner na biglang bumunggo kay Haki. At lumanding ang labi niya sa labi ko. I got to admit that, that kiss was the best for my first kiss.

~Flashback End~



"Oha! Oha! Namumula ka na diyan hahaha!!!" Tawa ako ng tawa dito habang pinapanood siyang namumula. Parang katulad nung dati, lalo na't naka-uniform siya ng ganyan.


"Kasi naman! Bakit mo ba kasi pinaalala yun!" Umaatake na naman yung pagka-matampuhin niya. Kahit hindi siya akin, sinusuyo ko pa rin siya pag nag tatampo siya.


"Halika nga dito, matampuhin ka pa rin." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Alam kong deep inside, kinikilig yan. May nagsabi kasi sa akin na schoolmate namin na crush daw ako ni Haki. Nung una, di ko pinansin. Pero, sana nga totoo.


Maka-bawi nga ulit. "May nag-sabi na crush mo daw ako." Sabi ko sa kanya na lalo niyang ikinamula at nahihiya na siya sa akin as in. 


Wag kang mag-alala, aking sinta, ikaw na ang tahanan at aking mundo.


***

(A/N)

LSS author niyo sa IV OF SPADES- MUNDO. Haha!




























Destined With An Idol (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon