30

48 2 0
                                        




Haki's POV





Mga ilang araw nang nakaraan simula nung 'huling araw' na nakita ko si Sky. Doon nga sa Starbucks. Iniiwasan niya ako. Pero hindi naman pwede na hayaan ko na lang siyang mag-isa di 'ba?




Pwede pa rin naman kaming naging mag-kaibigan. Pero hanggang 'dun na lang talaga 'yun. Kung ayaw niya, at gusto niya na akong kalimutan, okay lang sa akin 'yun. Atleast hindi na siya masasaktan dahil sa akin. Tatanggapin ko na lang iyon.





Ang plano ko ngayon ay hanapin si Sky. Kakareport lang sa Koreaboo na hindi pa daw nakaka-uwi sa dorm si Sky. Ang galing nilang maka-chismis nuh?





Wala pa daw nakakakita sa kanya, means he's missing. Though, ayaw kong isipin na nag... aaaah! Hindi yun mangyayari! Kalma lang!




Hindi pa siya nakaka-uwi, ibig-sabihin nagstay muna siya sa kung saan. Pero saan iyon? Sa linawak ng South Korea di ko alam kung saan ko siya unang hahanapin.




Pero syempre, hindi ko 'to gagawing mag-isa. May sasama sa akin :). Sasamahan daw ako ni Unu na hanapin ang kaibigan ko. Yay. Ang bait niya.





But anyways, sila Soona? Ayun, naiwan sa bahay. Minsan gumagala sila. Pero sinabihan rin sila ni Mom na pumunta sa office, so eto ako, takas. Pero buti pinayagan ako dahil kasama ko si Unu.





I can see on her face earlier that she's glad we're getting close.






"So... saan natin siya unang hahanapin?" Tanong ni Unu nang makapasok na kami sa kotse niya.






"Sa lumang bahay nila sa Busan, kung saan nakatira sila Lola."






"May lola ka 'dun?" Tanong niya ng may halong pagtataka.





"Ah kasi tawag ko sa lola at lolo ni Sky noon, Lola at Lolo mismo. By the way, thank you pala sa pagsama sa akin." Sabi ko at ngumiti.





"You're welcome. Anything for my future wife." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. It took five decades to fix my hair you know! Joke. Yiiiiie! Kinikilig siya oy! Tinakpan ko na lang yung mukha ko.




***





Pagkatapos kong ituro ang mga directions papunta sa lumang bahay nila Sky, nakarating na rin kami after ng ilang hours.





"This is the place? Parang kamukha niya yung resto sa tabi ng dorm nila ah?" Tumango naman ako sa sinabi ni Unu. Inspired siguro dito ang resto ni Sky. Atleast maganda ang inspiration niya at memorable rin.






Kumatok muna ako pero walang sumasagot. Ako na mismo ang nagbukas sa lock ng wooden gate na ito, at pumasok sa area nila.





Ang lawak talaga nitong space nila. Dati nagtatakbuhan pa kami dito, habang nanonood sila Lola.





Kinatok ko ang pinto ng bahay, pero wala pa ring sumasagot. Siguro hindi na masyadong nakaka-rinig sila Lola. Kumatok ako ulit ng malakas, pero wala talagang sumagot.





Alam ko trespassing ito, pero kailangan kaya binuksan ko yung bintana nila at binuksan ang lock ng pinto. Alam ko lahat ng lock dito nuh.





"Tara na." Sabi ko kay Unu dahil parang hindi siya sumusunod.





"You're sure this is legal, right?" Napatawa naman ako sa sagot niya.






"Kilala ako dito, ano ka ba. Tara naaa!" Sabi ko at hila sa kamay niya papasok ng bahay.





Medyo maalikabok itong lugar. Parang matagal nang hindi nagagamit? Tapos yung mga gamit naka-balot ng plastik?





Inilibot ko ang buong loob ng bahay, pero wala akong nakitang tao. Kaya napilitan akong gawin ito.






"Lolaaaaa! Loloooo! Andito po si Hakiiii! Yung ampon niyo pong apo!" Tawag ko sa kanila. Di ko mapigilang mapangiti nang maalala ko yun. Tinatawag nila akong secondary na apo kasi nga masyado akong close sa kanila na parang pamilya na rin ang turing sa akin.





"Wait, so you're related?"






"Of course not, Unu. Close lang talaga kami." Sabi ko.





Mga ilang minuto akong naghintay pero kahit mga foot steps lang wala akong narinig. Umalis na kaya sila dito?




"Unu, tara sa garden!" Bago ko pa maisipang umalis dito, dahil nga walang tao, naisipan ko munang daanan yung garden.






Nang makapunta na kami sa garden, natuwa naman ako sa nakita ko.





"Lola! Lolo!" Tawag ko sa dalawang matanda na naka-upo sa bench at nakatalikod sa akin.





Tumingin naman sila sa akin at parang naliwanagan ang mukha ng makita ako.





"Haki? Apo, ikaw ba yan?" Tanong nila lola. Naaalala pa nila ako :)





"Opo!" Sabi ko at tuluyang lumapit sa kanila. Hinila ko na rin si Unu, para ipakilala sa kanila. Baka mapagkamalan pang magnanakaw eh.






Nang makapunta ako sa harap nila, nagulat naman ako nang makita kung sino ang naka-upo sa paanan nila lola, habang umiiyak.
























Si..... SKY.






"Umupo ka diyan Haki. Oh? Sino itong kasama mo?" Tanong ni Lolo at tinuro si Unu. Ang awkward ng tanong mo lo. Promise.





"Ah.. ano ko po... Boyfriend ko po, Lo." Sagot ko. Lumapit naman si Unu at yumuko sa harapan nila.






"Good Morning po." Bati niya.






"Dalaga ka na talaga, Haki. May kasintahan ka na rin ngayon." Sabi ni Lola. Aysuuuus! Kung alam nyo lang yung buong istorya eh.






"Ah.. salamat po."






"Kailan ang kasal?" Tanong ni Lolo. Hah?! Paano niya nalaman yon? Ssshhh lang muna tayo ha.







"Ah... lolo, masyado pa pong maaga para 'dun." Umiwas naman ng tingin si Sky.







"Alam mo, ang tagal na nandito si Sky. Lagi siyang umiiyak. Di namin alam kung bakit. Ngayon lang namin naisipang kausapin siya. Pero ngayon umiiyak pa rin siya." Sabi ni Lo. Araw-araw siyang umiiyak? 





"Sinabi niya kasi ikakasal ka na daw sa kasintahan mo, eh mahal na mahal ka ni Sky. Kaya nahihirapan daw siyang bitawan ka." Paliwanag ni Lola. Ah... kaya pala nalaman niyang may kasal.





"A-alam ko po 'yun. Kaya po ako pumunta dito, ay para puntahan kayo at kausapin si Sky tungkol dito." Sagot ko kela Lola. Pero si Sky tahimik lang, iniiwasan pa ako ng tingin.






Alam niyo, isang ulit pa na sabi ng mahal ako ni Sky, iiyak na ako. Promise.





"Apo pag-usapan niyo itong mabuti ha. Ayaw kong may nasasaktan sa isa sa inyo." Sabi ni Lolo at tumango na lang ako. Over-protective si lolo, oo.








"Lola, lolo, pwede niyo po ba kaming tulungan kay Sky?" Bigla namang tumingin si Sky sa akin nang sabihin ko iyon. Tumango naman sila Lola. Atleast mas lalong mapapadali ito pag kasama sila.




"Apo, mahal mo ba si Haki?" Tanong ni Lolo na ikinatigil naming lahat.































































Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon