39.2

65 2 0
                                    

Kean's POV

****

Nagpaalam na ako kay Haki na susunduin namin si Dong Hwi at pinasama ko na rin siya para makilala si Dong Hwi.

Nasa kotse na kami na ngayon at medyo matrapik dahil hapon na. Sobrang tahimik pero nasira din ang katahimikan na 'yon nang magtanong si Mom kay Haki.

"Um... Haki, right? By the way, advanced congratulations to you."
panimula ni Mom at nagthank you si Haki. Ang cute niya talaga pag nag-po-po siya.

"Forgive me for asking but, is Kean your first?"

"Yes po."

"Oh really. That's good. How about manliligaw?" di ko alam kung bakit tinatanong ito ni Mom. Pero curious ako.

"Aside po kay Sky ng 4ACES, may isa pa pong nakalimutan ko yung name. Study first rin po kasi ako nun." nagtaka ako. Sino kaya yung isang yun?

"Ah... So you're really famous to these idols, huh? I guess you are Destined With An Idol." Ang sagot ni Mom. Destined With An Idol.... Ngayon ko lang naisip yun. Ang dami niya namang pinagdaanan as DESTINED WITH AN IDOL.

Tumango na lang kami ni Haki sa sinabi ni Mom. Mga ilang minutes pa sa traffic, at nakarating na kami sa airport.

Sakto namang nakita namin si Hwi na naglalakad na papunta sa amin.

"DONG HWI!" Tawag naming tatlo sa kanya at nakita niya naman kami agad.




"Hyung! Eomma! Appeuji!" Tawag ni Hwi samin. Nakakamiss talaga 'tong batang 'to!





Niyakap namin siya. Agad naman naming napansin na na-oop si Haki kaya niyakap ko na lang rin siya.





"I'm happy for you." Bulong ni Haki sa tenga ko. Nginitian ko naman siya at nag-thanks.




"Oh by the way, Dong-i, she's Haki, my fiancèe." Nagbow naman si Haki at sinabing

"Mannaseo bangasseumnida~"




"Yes, nice to meet you. Haki... Ah! Kilala kita! Ikaw yung anak ng manager nila kuya?" Tanong nya nang may pagka-excite. Um-oo naman si Haki.




"Paano mo nalaman?" Tanong ni Haki.




"Syempre, kahit malayo ako, stina-stalk ko si Kuya, malamang pati na yung crush niya." Sagot niya at agad ko naman siyang pinalo ng mahina dahil 'dun.




Tumawa naman si Haki ng patago. Talaga naman! Savage talaga siya lagi.

"Should we go home na? I'm sure Hwi must be tired." Pumayag na rin kami.





Sila Ma, Pa at Hwi umuwi sa bahay while ako at si Haki hinatid sa dorm namin. Gabi na rin. Siguro magdidinner na lang kami, tas yung surprise.



Dahil medyo madilim naisipan kong takutin si Haki. Wala lang, para masaya.





Mga ilang segundo bumitaw ako sa pagkakahawak kay Haki at nagtago.





Nang papunta na siya sa kinatataguan ko, yae, di kayo maniniwala pero may nakita akong nakataklob ng puti sa harap kaya ayun, ako yung napasigaw.




Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon