16: Arranged Marriage

106 4 0
                                    

Haki's POV

Kinuha na ni Sky yung susi sa kotse niya. Ano ba yan, bigla talaga akong nabother eh. Ang lungkot-lungkot niya tapos ako mag-sasaya nang ganito. Parang ang unfair naman nun. Dapat, magiging masaya itong 'date' namin pero... ako pa ata ang dahilan kung bakit biglang lumungkot.

Nakarating na kami sa Hanlim ng 9:45. Ten daw siya pumupunta dito. Pero, anong gagawin niya dito?

Mga ilang minuto kaming naghihintay dito, ang tahimik pa rin niya. Hindi siya umiimik. Ano ba yan, siguro, nalungkot nga siya.

"Alam mo, tara na, wag na natin siya hintayin. Bumalik na lang tayo sa resto. Uy!" Nang matapos akong mag-salita, bigla niya akong hinila patago sa isang bush. Nandito na siguro siya.

May lalakeng bumaba sa kotse na naka-mask, naka-cap at naka-hoodie. Siguro siya na nga yan.
"Gusto mo na siyang makita 'di ba? Papayagan na kita. Kaya 'wag mo nang palampasin ang pagkakataon na ito. Baka mag-bago pa yung isip ko." Sabi niya ng seryoso na may pagkalungkot na tono.

Medyo nalulungkutan na rin tuloy ako. Ano ba yan. Bakit ganon? Pag malungkot siya, nagiging malungkot rin ako. Mas lalo pa tuloy akong nagugulohan.

Bago pumasok si Unu sa school tumingin muna siya sa paligid bago siya pumasok. Buti na lang, walang guard sa gabi at hindi siya nahuhuli sa tres-passing na ginagawa niya.

Umalis na kami sa bush na tinataguan namin at pinagpag ang mga dahon sa damit namin. "Sasama pa ba ikaw?" Tanong ko.

"H-huh? Hindi na. Hihintayin na lang kita dito." Tumango na lang ako sa kanya. Bago ako umalis, niyakap ko siya dahil parang nalulungkot siya. I want him to feel better before I go inside. Pagkatapos nun, pumasok na ako at naghanap-hanap sa first floor.

Tinitignan ko ang bawat classroom at wala siya. Bigla naman akong napatigil nang madaanan ko yung dati naming classroom. Ano ba yan, naka-lock. Pero wait! Meron akong hairpin! Ipinasok ko ito sa lock at wow... MAGIC HAHAHAHA.

Nabuksan ko na ang pinto at pumasok. Di ko alam kung bakit ako pumasok dito, basta gusto ko lang maalala yung mga memories dito noon. Dati, ang gulo gulo ng classroom na ito. Yung tipong, may mga lumilipad ng bola ng papel sa paligid. Haha.

Inupuan ko ang upuan ko noon sa likod. Dapat pala pinasama ko si Sky. Para naman makita niya rin ito. Dati, katabi ko sa upuan si Sky, tapos lagi kaming nagkwe-kwentuhan. Ngayon, halos hindi ko nga siya makitang naglalakad sa kung saan man.


Lumabas na ako sa classroom dahil baka may maka-huli pa sa akin. Pumunta ako sa indoor swimming pool ng school. Ang lawak talaga ng pool na ito. Dito nagte-train ang mga swimmers ng school dati.

Habang naglalakad ako, may nakita akong damit, hoodie, mask, cap, at shades. Hmm? Kanino kaya ito... Bigla akong kinabahan ng may marinig akong splash ng tubig. Hala?! May tao dito?! Ang tanga naman ng tanong ko. Eh ano ba ako?

Umupo na lang ako sa floor, hinubad ang sapatos at medyas ko at ibinabad ang paa ko sa pool. Hindi mabaho ito nuh!

Habang nagbababad ako, biglang may narinig ako splash ng tubig nanaman. Ano ba?! Bakit kayo nanakot?!!! Kinuha ko ang flashlight sa first aid sa cabinet sa CR at itinapat sa tubig. Wala naman sigurong mermaid dito diba? Joke.


Mga ilang segundo ang nakaraan at biglang may umahon sa tubig na lalake. HAALAA?! SHOKOYYY!!! JOKE! HAALAAA?! SINO KA BA KASEE?!

Agad ko namang tinakpan ang mata ko dahil naka-cycling lang siya at wala nang pang-itaas. Waaaah ang ganda ng abs! Joke lang!! Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko. Waaaag kuya wag po!



"Wait.. I know you!" Sabi niya at hinila ako kaya lumanding ako sa basa niyang katawan. Waaahhh! Ayaw ko na talaga!!! Nararamdaman kong namumula na ako. Ano ba yan! Sana talaga di na lang ako pumasok dito!

Tinignan ko siya sa mata at nakilala ko na siya. Siya si... "Unu Lee?!" Weh? Talaga?! WAAAAAH ANG SWERTE KOOO!! SA BUONG CRUSH LIFE KO NGAYON KO LANG NAKITA YUNG ABS NIYA TAPOS BASANG-BASA PA. WAIT, teka, wag OA please? Kalma lang!

"You're Kim Min Haki right? Daughter of our manager, Kim Ji Hye?" Teka?! Kilala niya si Mom?! Ibig sabihin, hawak niya ang fantagio?! Ngayon ko lang nalaman yun ah. Manager pala si Mom? Di niya nabanggit sa amin.

"So... hawak talaga ni Mom ang Fantagio? And how did you know my name?!"

"Hala? Di mo alam yun. Wooow.. anak ka nung manager namin tapos hindi mo alam na hawak ng mom mo ang Fantagio. Tsaka nakilala kita nun kasi nakita kitang bumisita sa office nila nung galing ata kayong PH nun?" Aahhh.. gets ko na. Pero grabe lang, di niya ata ako nakilala nung nandito pa ako sa Hanlim.



"Bakit ka nga pala laging pumupunta dito?" Tanong ko para malaman ko na rin. Ang dahilan ng pagpunta niya dito gabi-gabi.

"Alam mo?" Tumango na lang ako kahit hindi ko naman talaga alam na pumupunta siya dito gabi-gabi. Actually sinabi lang ni Sky eh.

"Alam mo na, as an artist, wala ka nang privacy. At namiss ko lang rin mag-swimming." Sa bagay. Mahilig at magaling siyang mag-swimming. Ang di ko lang matanggap, bakit hindi pa siya magtakip ng tuwalya hanggang ngayon? 'Di ba siya na-coconcern?

"Oh, baka maglaway ka diyan. Haha." Pinalo ko naman siya ng mahiba sa braso niya. Wow, ang tigas. Ano ba yan! Na-didistract ako ah!


"Mahilig ka pa rin ba sa tinapay?"


"Paano mo nalaman?"


"Eh kasi crush ki- WALA! WALA ! SINEARCH KO LANG YUN!" Muntik pa ako madulas sa mga sinasabi ko. Ano baaa! Nakaka-distract ka naman kasi!

"Alam ko yun. Crush mo ako. Haha. Namula ka pa diyan. May nagsabi sa akin. Si Rain ba yug pangalan nun?" Wow. So kilala niya talaga ako nun.


"Di naman masamang magka-crush. Lalo na sa akin. Haha. Joke lang. Hayaan mo, di naman ako snob. Fan ka naman ng GALAX6 di ba?" Tanong niya at tumango ako. Ang ganda rin kasi ng music nila.



"Then, you'll be our special fan. Alam mo, mag-iinvest si Dad sa Fantagio. Sa mom mo."
Enedew? Special fan? Yay? Haha! Yay nga!


"Eh ano namang kinalaman ko doon?"


"Meron daw tayong arranged marriage."


A/N:

HOHOHOHO UPDAATE

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon