31

43 2 0
                                    


Sky's POV



"Apo, mahal mo ba si Haki?"  Natigilan naman ako nang marinig ang mga salitang 'yun, galing pa kay Lolo.




Naalala ko na naman, kung kailan naging sila. Yung sinundan ko sila Park para lang malaman na hindi na talaga kami pwede.




Pati yung araw na sinabi kong bibitawan ko na talaga siya.




Ang hirap lang kasing tanggapin na after ng ilang years na paghahanap ko sa kanya, at ngayong nahanap ko na siya althrough out the years, bigla ko na lang malalaman na ikakasal na pala siya.



Masakit 'yun, natural. Biruin mo, pagtapos lahat ng effort mo para lang makita siya ulit, masasayang lang dahil nalaman mo ring ikakasal siya sa iba? Mahirap tanggapin yun para sa akin.



"Apo, mahal mo nga?" Tanong ni Lolo ulit dahil hindi ko sila sinagot kanina.





Imbis na sagutin ko sila ng oo o hindi, ito na lang nasagot ko.




"Haki... alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon? Sobra akong nasasaktan. As in sobra." Sabi ko. At di na rin mapigilan ng mga luha ko na mahulog sa mata ko.






"Alam mo yung feeling na nagpakahirap kang hanapin ulit yung isang taong laging nagpapasaya sa 'yo, yung di ka hahayaang masaktan? At yung taong mahal mo. Tapos bigla mo na lang malalaman na ikakasal siya sa iba?" Tuloy-tuloy na naman ang pagtulo ng luha  ko. Hindi dapat ako ganito eh, lalo na't nandito sila Lola, si Haki at sama mo pa yung kasintahan niyang si Unu.




"Ang sakit lang kasi sa damdamin na yung mahal mo, may MAHAL NANG IBA." Sabi ko.



Si Haki naman, di niya napigilan ang luha niya at napaiyak na rin. Siguro nga nasasaktan rin siya.




Ang tanging nasasabi niya lang ay "sorry". Eh bakit ka nag-sosorry? Wala ka namang kasalanan ah? Ikaw naman pumili niyan, at hindi kita masisisi.



Nakita ko namang binigay ni Unu ang panyo niya kay Haki. Ngumiti naman siya ng pilit sa kanya at tinanggap yung panyo. At hinagod pa ni Unu ang likod niya para i-comfort siya.




Kung ako sana pinili mo, walang mangyayaring ganito. Ay hindi pala, kung walang arranged marriage malaya siyang makakapili kung sino ba talaga sa amin ni Unu ang pipiliin niya.



"Eh apo, nung high school pa namam kayo nagkakilala di 'ba? Eh bakit hindi mo siya niligawan noon?" Tanong ni Lola.




"Bawal po 'yun sa school." Sagot naming tatlo.




"Eh nung grumaduate ka apo?" Tanong naman ni Lolo. Napa-isip naman ako. Siguro dahil nag-train ako, para sa career ko ngayon bilang isang idol.




"Pinagpatuloy ko po ang training ko para maging idol ngayon." Sagot ko na ikinatigil nilang lahat maliban kay Unu.






"Ibig-sabihin, pinagpalit mo siya para sa career mo?" Tanong ni Unu. Tumango lang ako dahil tama ang sinabi niya.



Isinantabi ko muna siya para mapagpatuloy yung career ko. Kailangan ko rin kasi 'yun.





"Edi dapat pala apo, naging kayo na bago mo ginawa yung training mo. Kahit alam naming mahirap yun, sigurado namang kakayanin niyo iyon. At dapat lang. Pero huli na apo, ang pinaka-magandang paraan para di ka masaktan ay bitawan mo na si Haki. Dahil mahihirapan rin siya dahil sa ginagawa mo."




Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon