Soona's POV
"Soona?" Rinig kong tawag ni Seven. Ano ba yan, na-concern pa siya at sinundan pa ako sa CR. "Sorry..." huh? Ano namang dahilan at nag-sosorry siya sa akin?
"Wala ka namang kasalanan ah? Bakit ka nag-sosorry? Dapat nga si Milo ang mag-sosorry pero tanggap ko naman kahit hindi siya mag-sorry sa akin, tutal dare lang yun 'di ba?" Sagot ko. Ano ba yun? Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag-sosorry.
"Okay lang sayo yun?" Aba? Nahihiya pa ata siya? Siguro sign of respect.
"Hmm? Oo naman. You know, I'm just thinking that I was lucky to kiss my idol." Nahiya naman ako sa sinabi ko. Ano ba! Parang ang kinalabasan tuloy ay parang gusto ko talaga siyang i-kiss. Eh ayaw ko naman talaga! Namimilit lang si Milo at ayaw ko rin uminom ng panis na gatas!
"Siguro napilit ka nga ni Milo. Baliw talaga yun. Wala naman talaga siyang panis na gatas. Haha." ANO?! WALA SIYANG GANON?! TAPOS NAPA-PANIWALA NIYA AKO?! MAMATAY KA NA!!! Ay, wag naman! Sayang yung 4ACES kung wala si Milo!
"Nakaka-inis talaga yung mga mukhang cute pero may masamang balak. Ano yun small but terrible?! Porket 5'8 lang ang height niya di ko na siya papatulan?!"
"Uy kalma lang. Nag-bibiro lang yun. Hayaan mo na siya." Sabi niya at niyakap ako. Teka, anong nangyayari? Bakit parang ang init ng mukha ko? Nag-b-blush ba ako? Bakit parang kinikilig ako? Bakit parang dine-deny ko pa?!
"EHEM!" Biglang lumayo ako kay Seven nang makita ko silang apat na naka-cross-arms. *sigh*
"Walang nangyari. Tara balik na tayo."
Pag-iiba ko ng topic at pumunta na sa upuan ko."Hmm.... since ayaw ko nang maulit iyon, hihintayin na lang natin sila Haki at Hyunjong na dumating in a peaceful and quiet manner." Dahil sa gusto ko na talagang itigil iyon, tinigil ko na talaga. Eh ayaw ko na rin naman na maulit yun.
"Okay." Sabay-sabay nilang sabi at nanahimik na at naka-cross-arms pa. Ano ito? Matira-matibay? Nanghahamon ba sila?
Mga ilang minuto lang at naka-rinig kami ng mga katok sa pinto. Sa wakas! Naka-uwi na sila! Ayokong mabalitaan na may boyfriend na itong si Haki ah? *cross-fingers*
Nagpa-unahan na kaming pumunta sa pinto ngunit mas naunang nabuksan ito nila Haki.
Nanlaki ang mata namin nang nakita naming malungkot ang mukha ni Sky samantalang si Haki ang laki ng ngiti sa mukha."Anyare?!" Tanong naming apat nang pasigaw. OA kami eh. Hayaan niyo na, pagbigyan niyo na kami. Teka, hindi ba dapat, masaya silang dalawa ngayon? Anong meron sa mukha ni Sky? Ang alam namin crush ni Haki itong si Sky. May iba pa kaya?
"Umm... Hyung's. Mauna na ako." Sabi ni Sky at akmang hahakbang na paalis ng pinto. Agad naman itong pinigilan ni Haki sa paghahawak niya sa kamay niya. "Teka, hindi ka ba mag-tatagal? Nandito yung nga hyungs mo oh?" Sabi ni Haki para kahit naman atleast konti, sumaya yung mukha niya. Pero, wa epek eh.
"Hindi na, isasarado ko pa yung resto eh." WHAT?! MAY SARILI SIYANG RESTO?! WHAT THE WHAT?! Okay calm down. Ang swerte naman ng mapapangasawa nito nuh?
"Bago pa tayo pumunta dito sinarado mo na yun. Teka, umiiwas ka ba sa akin?" Tanong ni Haki na may pagtataka. Kami na rin, ay nagtaka. Ano ba kasi talagang nangyari?
Haki's POV
"Bago pa tayo pumunta dito sinarado mo na yun. Teka, umiiwas ka ba sa akin?" Tanong ko. Posible kayang umiiwas siya sa akin dahil sa nalaman niya kanina? Oo, alam ko nagtataka kayo, ito lang naman ang nangyari kanina.

BINABASA MO ANG
Destined With An Idol (Editing)
FanfictionIsang Perpektong Idol At Isang Die Hard Fangirl What if ang isang Fangirl ay mahalin ng isang Idol? Ano nga bang pagdadaanan ng isang tinadhana sa isang idol? Mahirap maging Fangirl, lalo na kung ang layo mo sa kanila, kung di alam...