9: Manuscript

130 7 0
                                    

Chae's POV

Haaay! What a wonderful day! Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung video chat kagabi. Ang saya~ Pero nakakalungkot lang sa amin na may iba silang crush. Sana, crush lang. Pero di naman yun maiiwasan eh. Anuman ang desisyon nila, magiging masaya kami para sa kanila.

"Annyeong Unnies!" Bati ko sa kanila habang bumababa ako ng hagdan. "Hi Chae." Bigla akong natapilok sa hagdan, at the same time, nahulog ako at gumulong-gulong. ARAY. ARAY. Shibal! Ang sakeeet!

"Okay ka lang?" Tanong nila unnie. At bakit may mga lalake? Wait wait wait. KEITH?! SI KEITH ANG BUMATI SA AKIN KANINA KAYA NAHULOG AKO SA HAGDAN!!! NAKAKAHIYAAA!!

"Unconcious parin siya. Dalhin mo muna siya sa sofa. Baka mamaya may pilay siya." Sabi ni June. Ang talino. Ang daming alam. Bigla akong binuhat ni Keith. "Ako na ang magbubuhat." Kahit na medyo unconcious ako, nararamdaman ko parin siya. WAAAAH. Hinahawakan niya ko. Ang weird ng feeling.

"Sorry kung nagulat kita. Di ko naman sinasadya." Iiiih. Ang cute talaga ni Keith. Nang medyo concious na ako, nagsalita na ako. "Bakit nga pala kayo pumunta dito?" Tanong ko habang nakahiga parin sa sofa.

"We came for a surprise visit.😊 Pero hindi ko naman in-expect na mahuhulog ka sa hagdan pag nakita mo ko. Bakit? Nasilaw ka ba sa kagwapuhan ko? Haha." Iiiih!!! Bakit ba laging nang-aasar yung mga lalake? Nakaka-asar!

"Oo. Nasilaw ako. Sa baba mo. HAHAHA." Nagpout naman siya na parang bata. Sus! Nag-pacute pa! Eh 1994 liner naman. "Hmmp! Sana di nalang kita pinuntahan at binati. Psh." Aba. Dapat lang talaga.

"Dapat talaga hindi ka na lang pumunta dahil kung hindi ka pumunta at binati ako, hindi sana ako mahuhulog sa hagdan! Pasalamat ka walang nangyaring masama sa akin!" Medyo nainis ako sa pagtatampo niya kaya medyo napag-taasan ko siya ng boses. Ano bayan! Di nya naman talaga kasalanan eh. Tatanga-tanga rin kasi ako. Bababa na nga lang ng hagdan matatapilok pa.

"Sorry." Sabay naming sabi. Pareho siguro kaming na-guilty.

"Sorry kung nagulat kita or kung nabigla kita."

"Sorry rin kung sinisi pa kita. Friends?"

Para naman kaming mga bata sa ginagawa namin.
"Best friends." Sabi niya at kinamayan ako. Medyo weird pero masarap sa pakiramdam ang mahawakan ang kamay niya ng ganito.

Tama nga sila, madaling mag-kabati ang mga bata. Ibinalot niya ang mga kamay niya sa kamay ko at naramdaman kong hinigpitan niya iyon. Hinigpitan ko na lang din ang paghawak sa kamay niya. "Oh tama na baka mag karoon ng love scene."

Epal. Panira ng magandang moment.

"Baliw!" Sabi namin ni Keith at nagsimula ng PILLOW FIIIIGHT!!
Pinalo ko ng unan si June dahil siya ang unang nagsalita.

"ARAY!"

"HAHAHAHA BUTI NGA!"

Pagkaharap ko ay may sumampal na unan sa akin. Araaay~ humanda ka sakin June! "Yaaaaaahh!!!" Sumigaw ako ng malakas at pinalo ang pinaka-makapal na unan kay Namjoon.


Nagulat ako ng biglang humarang si Keith. Hala! Siya yung tinamaan!!! Bakit niya kasi ginawa yun?!

"Keith! Keith!" Lumuhod ako para mahawakan siya. Ang lakas siguro ng pagpalo ko. Actually, pagsampal ng unan. Kasi naman! "Keith.... Kasi! Bakit ka kasi humarang kay June?! Ayan tuloy! Ikaw yung tinamaan. Nahulog ka pa sa akin!" (What she meant was, 'natumba ka pa sa akin'.)

"Keith..." ayaw niyang dumilat. Niyuyugyog ko siya pero wala eh... ayaw niyang gumalaw. Posible kayang...? Hindi! Hindi pwede!

Sa katunayan, ang unan na ipinalo ko ay sing-kapal at sing-bigat ng tao. Aish! Dapat kasi di na lang nangyari ito.

Na-coconcern pa tuloy ako ngayon! Kainis! Kasalanan ko nanaman ang lahat! Psh!



"Eh matagal na rin naman akong nahulog sayo..."



Nagulat ako ng magsalita siya. Pero hindi ko masyadong narinig at naintindihan. Ano daw? Masayang mahulog daw?



"Anong sabi mo Keith? Di ko kasi naintindihan." Sabi ko habang hawak ko pa siya. Nabibigatan na ako ah.



"Wala." Sabi niya at parang magic na tumayo. "Kumain na tayo sabi ko." Huh? Parang ang layo naman ng pagkakarinig ko kanina sa sinabi niya ngayon. Ang weird ha.



Tumayo na rin ako at sinundan siya para kumain. "Okay na kayo?" Tanong ni Haki sa amin. "Hm." Yun na lang ang nasagot namin dahil sa tahimik ng atmosphere. Ang awkward tuloy ng feeling. Ano ba talaga yung sinabi ni Keith?



Pagkatapos niyang kumain, tumayo na siya at akmang pupunta ng guest room. Sinundan ko siya para tanungin kung ano ba talaga yung sinabi niya kanina. Di kasi ako mapakali eh!




"Keith.... Sorry pala sa kaharutan ko kanina... Di ko naman sinasadya na paluin sayo yung unan." Habang nagsasalita ako, nasa likod nya lang ako habang sinusundan siyang maglakad papuntang guest room.



"Okay lang." Napansin ko naman na lumiko siya. Hindi ata siya pupunta sa guest room. Sinundan ko ang mga lakad niya at napunta kami sa mini library namin. Huh? Bakit kaya?



Pumasok na siya at sinundan ko lang siya. Kumuha siya ng isang manuscript sa isa sa mga shelf at naupo sa may piano. Marunong siya magpiano? (AN: I don't really know if he's good in piano but let's live in our imagination.^_^)



Nagsimula na siyang tumugtog ng piano. Ngayon ko lang narealize na magaling pala siya mag-piano.



Yung kamay niya relaxed, pero ang movement, from white keys to black keys real quick. Nalaman ko na ang tinutugtog niya ay ang River Flows In You ni Yiruma. Wow... I think nilagyan niya ito ng improvisation dahil parang may dinagdag siya.




Tumabi naman ako sa kanya at sinimulang i-play ang Spring day sa piano. Ako ang tumugtog sa right hand at siya naman sa left.





Pagkatapos naming tumugtog, may isinulat siya sa manuscript at ibinalik na ito sa shelf.


"Um... Keith... ano pala yung sinabi mo kanina?" Tanong ko dahil di na talaga ako mapakali at onting-onti na lang ay papatayin na ako ng curiosity.




"See the manuscript." Sabi niya at iniwan ako sa library namin. Kinuha ko ang manuscript at tinignan ang mga notes. Wala namang nagbago..



Until.. naabot ko ang last page.



To: Park Chae Lee



Ang sabi ko kanina, matagal na akong nahulog sayo.

Your Keith :)




Wait, ano daw? Nahulog sa akin? Sinadya kaya niya ang kanina para masabi yun ngunit nagfail dahil sa akin? Aish! Ang gulo!

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon