7: Bakit?

111 6 2
                                    


Anyways, Jin Day😍❤

Seven's POV

Aaaahhhh.... Damn... Bakit di ako makagalaw... Tinignan ko ang mga katabi ko na sina Sky, Jiro, at si Milo. Anong nangyari sa amin?

"Nagamot na po namin lahat ng mga sugat. Okay na po sila. Pwede na po silang umalis mamaya, or bukas." Sabi nung doctor sa Manager namin. Tumango naman si Manager. Nasa hospital pa rin kami...

Hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa amin. Nag karoon lang kami ng onting sugat at gasgas. Matatakpan naman yan ng concealer for the mean time.

"Hyung..." talagang nanghina sila. Umupo kami sa kama namin. "Gwaenchana?" Tanong ko sa kanila. "Ne... Hyung gusto ko nang umuwi." Sabi ni Jiro. "Ako rin." Sabi nila Sky at Milo. "Mamaya pa daw tayo uuwi or hanggang bukas. Pero nagamot na rin yung mga sugat natin." Sagot ko.

Gusto ko na rin maka-uwi. Actually, gusto kong makita yung mga kaibigan namin. Sila Soona, Haki, Jinsook at Chae. Hindi ko alam pero, bakit ba gusto namin silang makita? Bakit gusto kong makita ulit si Soona? Baka namiss ko siya. Pero bakit? Dahil ba nasanay akong makita sya? Ewan.

Chae's POV

Ilang araw na rin ang nakaraan pagkatapos nung aksidenteng iyon. Legit yun. Hay. Sana okay lang sila... Di talaga naming maiwasan na mag-alala.

Parang more than friends talaga ang turing namin sa kanila but less than lovers. Dahil siguro naging kaibigan namin sila?

"Unnies, Saeng, May teaser sila para sa bagong music video nila." Sabi ni Jinsook at agad naman kaming nagbukas ng laptop namin.

"Hay! Buti na lang!" Naka-hinga kami ng maluwag nang malaman namin na okay na silang apat. Kaso napansin namin na may onting galos sila sa mukha na hindi naman ganoon kahalata pero napansin parin namin.

"Hindi ko alam pero, bakit parang gusto ko silang makita ulit?" Tanong ni Haki na para bang naguguluhan sa sarili nya. Tama sya. Lahat kami naguguluhan. Gusto rin namin silang makita. Pero bakit?

"Kaibigan lang ba?" tanong ni Soona na dahilan para mas lalo kaming maguluhan. Parang hindi lang kaibigan eh. Bakit parang iba yung nararamdaman namin para sa kanila?

"Parang mas malala pa eh. More than friends but less than lovers." Sagot ni Jinsook. Tama siya na parang ganon na nga.

"Pero bakit?" Tanong ko. Kumunot naman ang nga noo nila na halatang naguluhan pa lalo. "Ano ba talagang meron sa amin?" Sabay-sabay naming sabi at napatingin kami sa isa't-isa.

Nagsimula lang naman ang lahat nang ito simula nung concert eh. Masaya sila kasama. Baka nasanay lang kami sa presence nila. Or we just miss them. Miss them? Pero bakit pang mas malala pa doon? Mag-kaibigan lang naman kami pero bakit ganito ang lahat?

Well, anyways. "Unnie, may event ba na darating?" Tanong ko kay Jinsook. "Hmmm... Oh! Tignan mo nga naman! May fanmeeting sila next week, which is birthday ni Haki!" Sabi nya na masaya at siniko-siko namin si Haki. Yaaay! Tatanda na si Unnie! HAHA.

"Eto na ticket. Libre ko." Sabi ni Soona sabay wave ng apat na SVIP na ticket. "Waaah!!! Kamsahamnida!!!!" Sabi namin at sabay yakap kay Soona. Lol! Ang saya pag rich kid ka, nuh?

~Next Week~

"Saeng-il chukha hamnida~ Saeng-il chukha hamnida~" kanta nila habang naiiyak ako. Ang saya! Grave! "Kamsahamnida." Sabi ko at nag-bow pa. Masaya talaga pag nag-karoon ka ng totoong kaibigan. Yung TOTOO.

Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon