36

41 2 0
                                    


Haki's POV



"I'm sorry to say this but, Dianne, I decided to remove you from Weki Meki because of this new scandal you made. I hope this will be an example for you to reflect on your actions." Rinig na sabi ko ni Mom kay Dianne. Nasa labas pa alang kami ng office ni Mom, at idinikit ko lang ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang pinag-uusapan nila.



"Why?!" Huling sabi ni Dianne pero hindi na ata sumagot si Mom. Mga ilang sandali lang ay lumabas na siya sa office ni Mom na ikinagulat ko.



"THIS IS ALL BECAUSE OF YOU!" sigaw niya sa akin. At sinampal ako ng malakas sa pisngi. Aray ha. Aray. Gusto ko siyang bawian pero, makakagawa ako ng bagong scandal, so I'll play the victim here.



Idinikit niya ako sa pader at sinakal. Nababaliw na ang babaeng to. Lord, sa inyo ko na inaasa ang lahat.


"D-dianne! St-stop! D-di ako m-makahinga!" Pigil ko sa kanya pero ayaw niya pa rin akong tigilan. Mas lalo niya pang idiniin ang kamay niya sa leeg ko.


"Dianne! Stop that!" Saway ni Kean sabay hablot sa kamay ni Dianne. Buti na lang at nandiyan siya, kundi mamatay ako nang ganito.



Natuklasan ko sa mata niya na punong puno siya ng galit, at dahil sa galit na iyon, gusto niya akong patayin. Nababaliw na nga siya. Dapat siyang idala sa mental hospital sa totoo lang.



Pilit ko namang hinahabol ang hininga ko dahil sobrang higpit ng hawak niya sa leeg ko kanina.



"What's happening here?! Haki? What happened to you?! And Dianne! Did you do this?!" Sigaw ni Mom ng maka-labas siya sa office niya. Walang sinabi si Dianne at nag-walk out siya palabas.




Pero nahawakan siya ng guards dahil pinahawak ni Mom si Dianne.




"Are you okay, anak?" Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay ni Mom sa mukha ko. "Okay lang ako, ma." Sagot ko.
"But seriously, you need to bring Dianne to a psychologist or in a mental hospital." Dugtong ko. I think that's the best way para matauhan siya.





"I'll contact her family right away." Sabi ni Mom pero pinigilan siya ni Dianne dahil nagsalita siya.




"N-no. Y-you can't. Have you forgotten, Haki?" Tanong sa akin ni Dianne. Tumingin siya sa akin at ngumiti, habang umiiyak. She's insane. Naalala ko na.




"You don't have a family. Namatay sila sa isang fire accident sa bahay niyo, though ikaw lang ang naka-ligtas. Pero bakit mo ginagawa sa akin ito? Eh hindi ko naman kasalanan yun ah?" Tanong ko. Kawawa siya dahil bata pa lang siya, nawala na ang buong pamilya niya. Kaya lagi siyang na kela Sky noon.





"Simula kay Lolo, Lola, Tito Evan, Tita Jihyun and Sky is all I have left, aagawin mo pa sila sa akin?! How selfish of you! Pati si Unu, kinuha mo pa?!" Sigaw niya.





"For your information, wala akong kinuha sa 'yo. Dahil ikaw mismo ang may problema. Yung ugali mo. Your attitude is a big part of your personality and it can also ruin your life when you don't control it. At isa pa, sadyang close lang talaga kami ni Sky, at pati na rin sa pamilya niya dahil madali akong makisama. Not like you, who's full of insecutrities and anger."






"Nangyari lang naman ng lahat iyon ng dumating ka eh! And one more time you'll say I'm insecure, I'm going to kill you." Banta niya. Huh. As if natatakot ako sa kanya.




"You're insecure." Kalmado kong sabi.





"FCK! I HATE THIS FCKING LIFE! AND I HATE YOU TOO!" sigaw niya. Nagulat ako ng hablotin niya ang baril sa isa sa mga guards na naka-hawak sa kanya. Shet, hindi pa rin ako natatakot.




"Dianne! Don't!" Sigaw ni Kean. Medyo may distance kasi kami ni Dianne kaya nagsisigawan kami.



"Kean, don't mind. Call the police, now." Utos ko sa kanya at agad niya namang kinuha ang phone niya at nagdial.




"I DON'T HAVE TIME TO WAIT! I WANT TO KILL YOU NOW HAKI! SAY GOOD BYE!" sabi niya at pinutok ang baril.





"DIANNE!"





Maraming nag-sigawan, nag-takbuhan at nag-panic. Pero ako? Wala nakatayo lang ako dito. Dahil hindi ako yung tinamaan.





























SI SKY







Unti-unting nahulog yung luha ko.



Lumapit agad ako sa nakahandusay na katawan ni Sky. Nakita ko nang malapitan kung paano binaril si Sky. Diretso sa puso. As in nasa gitna talaga ang bala. At nagsisi-kalat na ang dugo niya sa lapag.





"SKY! Sky! S-sky! Gumising ka huy!" Para akong tangang niyuyugyog si Sky na para bang gusto siyang gisingin. Pero wala eh. Ayaw niyang gumising.




"Sky..... *sob* wag mo kaming iiwan.... madaming malulungkot.... ako, si Tita at tito, yung 4ACES, yung mga fans mo at marami pa.... Sky. *sob*" ayaw matigil ng luha ko sa kaka-hulog.







"H-haki. D-don't f-forget me. I-i still love you....." bulong niya pero sapat na para marinig ko. Minahal rin naman kita Sky eh. Hindi lang talaga tayo pwede... lalo na't nadamay ka pa dahil sa akin. Sinakripisyo mo buhay mo para lang mailigtas ako...


Lalo na lang akong napahagulgol ng makita ko ang lumalabas na dugo sa labi niya. Sky.... sabi ko wag mo kaming iiwan eh. Wala na akong boy best friend. Wala na akong inaasar na 'black bean'. Kulang na yung groom's men kasi wala ka, Sky. At higit sa lahat, wala na yung crush ko...






Mga ilang minuto na ang lumipas dumating na ang pulis, na may kasamang ambulance. Hinuli na nila si Dianne at halata namang guilty siya. Hayst. Kung di lang talaga puno ng galit at insecurity si Dianne, di mangyayari to.



Ang tanging nasasabi niya lang ay "hindi! Hindi! Hindi dapat siya yung mamatay!" Ulit-ulit niyang sinasabi yon habang umiiyak. Siguro nga, nabaliw na talaga siya.




Ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Sky, dahil kung hindi dahil sa kanya, namatay na ako ngayon pa lang. Thank you, Sky.





"I'm sorry about that, Haki." Sabi ni Kean para i-comfort ako. Atleast nandiyan siya, para mapagaan ang loob ko at mapadali ng konti ang pag move on ko kay Sky.




"It's not your doing. But, thank you." Nagtaka siya nung sinabi kong thank you  ah basta. Thank you.




Sana maging masaya ka sa patutunguan mo, Sky. Lagi mong tatandaan , na mahal na mahal ka namin. Paalam na muna, Sky.





A/N

Sorry na po kay Sky! Waaaah!  Sorry kung ganito ending ni Sky.













Destined With An Idol (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon