chapter 7:: Marikaya

358 29 1
                                    

******

"Sandali saan mo ako dadalhin.? Ugh! Ang sakit na ng paa ko. Can we just stop!"

Nang marinig ng binata ang sinabi ng dalaga agad siyang huminto sa paglakad. Binitawan niya ang braso nito. Halos mapaupo si Kaila dahil sa pagod.

"Ugh! S-saan mo ba ako dadalhin?" Hinihingal na tanong niya

"Hindi ko alam" sagot ng binata.

"Ano?..are you fuckin crazy? Hinihila mo ako tapos hindi mo alam kung saan mo ako dadalhin? Ugh! Nasaan na ang kaibigan ko? Saan nyo siya dinala?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Hindi kayo maaaring makita ng pinuno. Kailangan itago namin kayo sa malayo. "

"Ha?" Maang niyang tanong.

"Marikaya-----"

"No! ...I mean its not Marikaya..its Merry Kaila!" Paglilinaw ng dalaga.

Ngunit tila hindi naulinigan o maging naintindihan ng binata ang sinabi ng dalaga.

Tumingin ang binata sa dalaga na ngayon ay nakaupo sa damuhan. Lumakad sandali ang binata palayo sa dalaga.

Pinagmamasdan naman ni Kaila ang binatang naglalakad palayo. Dahil sa pagod hindi niya nagawang tumayo agad. Naririnig na niya ang ibat-ibang huni ng mga insekto at kung anu-anong himig sa paligid.

Bilang isang estudyante ng Forestry alam niyang gubat ang paligid. Matataas na damo at maaring mababangis o delikadong nilalang ang nasa paligid. Virgin forest pa ang lugar kung kayat maaaring delikado ang lugar para sa tulad niyang dayuhan.

Agad siyang tumayo at sinundan
Si Sakari.












AN/: sorry po sa short update. Something error po kasi at nawala lahat ng ginawa ko :(

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon