chapter 85::#My love

303 19 3
                                    

*****
Sweet moment

Gagawin niya ang lahat. Kung kailangan niyang sakyan ang panliligaw ni Khael ay gagawin niya. Sigurado siyang may tinatago ito...napaka-imposible talagang magkaroon siya ng pefect duplicate. Hindi naman siguro sila kambal ...Hayss..basta hahanapin niya ang sagot.

"Oh, akala ko ba magpapahinga ka muna sa work?" Tanong ni Mrs. Camille. Narito siya sa opisina nito para bawiin ang hiningi niyang bakasyon. Well, ang totoo'y hindi talaga siya papayagan nito. Salamat na lang kay Shamille, dahil ito ang gumawa ng paraan.

Planado nila ni Shamille ang kunwaring pagkakaroon niya ng sakit that time. Maawain si Mrs. Camille, kaya't alam niyang papayagan siya nito kahit na labag sa kalooban niya.

"Uhmn, maayos na po ang pakiramdam ko. Ayaw ko naman pong mabakante sa trabaho." Pagsisinungaling niya.

Bumuntong hininga ang Madam niya.

"Sige...basta sabihin mo lamang kapag nagkaroon ka ng problema. Ako na ang bahala kay Mr. Herbas." Ani nito. Ngumiti si Kaila ng may kaunting pagka-guilty. Hindi rin niya lubos maisip na sinamantala niya ang kahinaan nito.

Nagpaalam at nagpasalamat siya sa opisina ni Mrs. Camille. Dumeretso siya sa kanyang opisina. Mabigat ang isipan niyang umupo sa loob ng cubicle ng mesa. Inayos muna niya ang lahat ng papel at saka sumandal sa upuan niya. Tumingala at ipinikit ang mga mata.

Hindi lang katawan niyan ang napapagod. Pati utak niya'y hindi tumitigil sa pagtatanong. Pero bakit ang puso niya,..hanggang ngayon ay hindi napapagod?.

"Kamusta ang journey mo?"

Nagmulat siya ng mata ng marinig ang boses ni Shamille. Nakaupo nanaman ito sa madalas nitong kalagyan. Heto nanaman at magsisimula nanaman siyang maging story teller ng sarili niyang buhay.

"Yun...walang nangyari. Hindi parin ako kuntento." Malungkot niyang sagot.

"Si Sakari? Hindi ba kayo nagkita?...wala ka bang natuklasan na kahit ano?" Kuryosidad na katanungan ni Shamille. Ewan ba niya, kung bakit interesadong-interesado ito. Parang kasama na sa trabaho niya ang paglaanan ng oras ang pagkukwento sa editor niya.

"Si Era...may anak na siya. I think, almost two years old na yung bata." Sarkastiko siyang ngumiti. "Hindi manlang niya ako pinaunlakan. Isang beses lamang rin kami nagkausap."

Tumamlay ang mukha ni Shamille. Naawa siya kay Kaila.

"Baka naman kasi, hindi para sa iyo ang buhay doon Kaila. Si Era...hindi kayo parehos ng buhay. May kaniya-kaniya kayong linya. Malay mo, hindi ka niya sinabihan dahil para sa iyo narin yun. What if--- sinabihan ka niyang babalik siya roon...anong gagawin mo? Sasama ka nanaman? " litanya ni Shamille.

Umiling si Kaila.

"Hindi yun ang punto ko Shamille. Nagtataka lamang ako kung bakit hindi sinabi ni Nanay Flora ang totoo. Ang sabi niya nagtatrabaho raw si Era sa Nueva Viscaya...pero nagpunta ako roon. Matagal naraw wala si Era roon, two years na. Two years old narin yung bata..." napailing siya sa isipang iyon. "Kaya pala...nakita ko s'ya sa tribo. Namumuhay na siya roon bilang si Mayumi."

"Kung masaya na siya roon...dapat maging masaya karin para sa kanya. May anak na siya, ganun talaga ang buhay. Hindi sa habang panahon, aabisuhan ka ng kaibigan mo. Hindi naman magka-rugsong ang buhay ninyo e...pero malay mo, may dahilan siya kung bakit inilihim niya iyon." Ani ni Shamille. Pero sa loob-loob nito'y nagtataka rin siya. Kung ano ang mga katanungan ni Kaila, iyon rin ang nabubuo sa isipan niya.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon