Epilogue

286 12 12
                                    

*******

"Are you done sweetheart?" Tanong ni Khael habang pababa ng hagdan. Tumango at ngumiti si Kaila.

Napaka-gwapo talaga ng asawa niya. Moreno, matangkad, parang inukit ang ilong nito. Ang mga pilik ay mayaman at mas tumingkad ang itim nitong mga mata. Ang kilay nitong makapal ay parang binigyan ng tamang korte...malapad ang balikat at bumibilog ang mga braso. Animo'y nabubuhay ito sa gym pero hindi. He is just a perfect creature na una't huling mamahalin ng tulad ni Kaila.

"Bakit ganyan kang makatingin ? May dumi pa ba ako sa mukha hmn?" Tanong ni Khael ng nasa harapan na ito ng dalaga.

Ngumiti si Kaila at yumakap sa binata. Ang sarap yakapin at huminga ng malaya sa malapad nitong dibdib.

"Why are you so perfect sweetheart?". Paos niyang tanong.

Ngumiti si Khael. Ginantihan ng yakap ang dalaga. Akala ni Kaila siya lamang ang marunong sumuri.

Malambot ang katawan nito na parang gusto muli niya mahiga. Kung baga sa gabi, hindi niya kayang matulog ng walang unan. At si Kaila ang palagi niyang hahanapin upang maging unan niya. Pero mas madalas itong umunan sa braso niya.

"May yumakap na ba sayo ng ganito mahal ko ha?" Tanong ni Khael at saka lumakad habang yakap si Kaila. Para silang tuko na ayaw mag-hiwalay hanggang makaupo sila sa malapit na sofa.

"Uhmmn..meron na." Sagot ni Kaila ng nakangisi.

Humiwalay si Khael ng yakap at saka parang batang nag-tampo.

"Sino? Bakit nagpayakap ka ha?..." pagmamaktol nito.

"Umiiyak kasi ako noon e." Pag-iinarte naman ng dalaga.

"Dahil ba sa akin?" Tanong nito. Tumango si Kaila ng nakanguso.

Hinila muli ni Khael ang dalaga at isinandal sa dibdib niya. Sinusuklay niya ang mahaba nitong buhok gamit ang mga daliri.

"Im sorry mahal ko. Pero ngayon na pagmamay-ari na kita...walang pwedeng yumakap sayo kundi ako ha."

Tiningala ni Kaila ang binata saka pinindot ang matayog nitong ilong.

"Opo!..ikaw rin ha! Ayaw kong maglalambing ka sa iba. Ayokong ngingiti ka sa iba, ako lang ang yayakapin mo ng ganito, walang hahawak sa kamay mo ng matagal...ako lang."

Tumawa si Khael. Mukhang maraming bakod sa paligid niya ang naka-atang na itulos ng dalaga.

"Oo na po. Pero sinong yumakap sayo ha?" Untag nito.

"Mama ko yun sira! ..."

Tumawa sila pareho. Ang sarap kausap at kasama ang taong mahal mo. Kahit gaano pa katagal na nagka-walay sila kaysa sa nagkasama...mas nanaig parin talaga ang pusong hindi huminto at sumuko sa pag-ibig.

Makilala mona lahat ng gwapong pilato. Kahit na perpekto pa ang kanilang pagkatao...kung iisa lang talaga ang pinapangarap mo, siya at siya parin ang mamahalin at pipiliin mo.

Sabi nila lagi daw may hangganan ang pag-ibig. Laging may dulo. 'Walang forever'. Pero hindi lahat naniniwala sa ganoong kasabihan ng mga kabataan. Dahil ang tunay na pag-ibig hindi pambata, hindi laro at hindi umaasa sa mga sinasabi ng tao.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon