chapter 54::# hindi kita mahal

259 17 3
                                    

******

Hindi mapakali si Sakari sa kanyang kuwaderno. Nais niyang tutulan ang plano ni Saul. Mas gusto pa niyang umalis si Marikaya kaysa makita ang sariling karuwagan.

"Mananatili ako ngunit hindi sa piling mo." Iyon ang mga katagang nagpapatiklop sa mga kamao niya.

"Dakaryo, gumawa ka nang paraan upang mapigilan si Marikaya." Ani nang binata.

Umiling naman si Dakaryo.

"Batid kong ayaw lumisan ni Marikaya sa ating lupain. Pagkat siya'y napa-ibig na sa iyo nang malalim Pinuno. Ngunit kung ako ang tatanungin...alam kong nais lamang tulungan at prorektahan ni Saul si Marikaya."litanya ni Dakaryo.

Nagsalubong ang kilay ni Sakari.

"Tulungan?...hindi biro ang kasal. Anong klaseng tulong iyon?. Hindi puwedeng makulong si Marikaya sa kasakiman niya. At ano sa palagay mo ang ginagawa ko? Hindi koba pinoprotektahan si Marikaya?... kahit ayokong patali sa ibang babae, gagawin ko alang-alang sa kaligtasan ni Marikaya." Tugon ni Sakari.

"Hindi sa lahat nang pagkaka-taon ay marapat kayong magtanim nang sumbat kay Saul. Magtiwala kayo sa inyong kapatid Pinuno. Alam n'yo kung sino ang babaeng iniibig niya at iyon ay si Mikayela. Subalit tulad ninyo ay nahihirapan rin siya sa sitwasyon. Alam korin ang sakripisyo mo, subalit hindi iyon sapat upang mailayo si Marikaya sa parusa nang Pinuno" Ani nang binata.

Bata pa lamang sila nang kinakitaan na nila si Saul nang tapang at kahusayan. Batid rin nilang umiibig ito kay Mikayela. Ganoon rin naman ang dalaga.Ngunit sa hindi malamang dahilan nang tumuntong sila sa wastong edad, biglang nagbago ang lahat. Umiiwas na ang dalaga at hanggang tanaw na lamang si Saul. Noon rin nabago ang samahan nilang tatlong magkakaibigan. Palaging si Saul ang mahusay at kapuri-puri. Samantala palaging nagkakamali si Sakari dahil sumasalungat ito sa kagustuhan nang kanyang Ama. Doon nagsimulang umusbong ang inggitan sa pagitan nila. Ngunit si Dakaryo ay nanatiling kaibigan sa magkabilang panig.

Ang kaparusahan noon ay isang kamatayan para sa  mga sumusuway. Hindi pa noon marunong magpahalaga sa buhay nang iba ang tribo. Ang sariling kapakanan lamang ang iniisip nila. Subalit ipinakita ni Selena ang kahulugan nang buhay kung kayat itinigil ang kaparusahang kamatayan.

Samantala habang nag-iisip at pinapakalma ni Sakari ang sarili biglang pumasok si Dakaryo sa loob nang yungib na parang nakakita nang maligno.

"Pinuno!" Tawag nito.

"May problema ba Dakaryo?" Kalmadong tanong niya.

Lumipat ang tingin ni Dakaryo sa puwang nang yungib at siyang sinundan nang tingin ni Sakari.

Tumingin si Sakari sa lagusan nang iniluwa mula sa liwanag ang dalaga. Halos mapa-upo siya sa batong kinatatapatan. Ano ang ibig sabihin nito? Ito kaya ang tunay niyang kapalaran?.

.....
..
..

Samantala, gulong-gulo naman si Kaila sa mga alalahaning umiikot sa utak niya. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang gawin at kung paano gagawin.

Pumayag kasi ang pulungan na makipag-isang dibdib siya kay Saul. At iyon ay sa pangunguna ni Pinunong Makato. Hindi lingid kung paano panlisikan siya nang mga mata ni Akurayat. Plano narin niya dapat lisanin ang tribo, ngunit umusbong nanaman ang panibagong problema.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon