chapter 55:#pagtangis

230 16 8
                                    

*****

Hindi mapigilan ni Kaila ang humikbi. Pinipigil niya subalit patuloy parin ang pag-agos nang luha sa kanyang mga mata.Ang dibdib niya'y parang may kidlat at sobrang sakit na para bang kumokonekta sa mga mata niya para ilabas ang maiinit na likido.

"Marikaya."

Mabilis niyang pinunas ang mga luha at kinalma ang sarili nang marinig ang tinig ni Saul. Inayos niyang mabuti ang sarili bago hinarap ito.

"S-Saul...p-paumanhin kagigising kolang kase." Pagsisinungaling niya.

Pero bumuntong hininga ang binata at halatang hindi ito naniwala.

"Hindi maipagkakaila nang mugtong mga mata ang mga luhang bumuhos sa tela nang iyong higaan. At mas lalong hindi maitatago ang mga hikbi sa garagal mong tinig Marikaya." Puna ni Saul.

Nahihiyang napayuko si Kaila. Hindi talaga siya makakapagsinungaling sa binata.

"Patawad Saul." Maikli niyang tugon.

"Wala ka kanina dito?." Puna ulit nang binata.

Kinabahan si Kaila. Ano ang sasabihin niya kay Saul.Marahil ay natagalan siya sa lupain ni Sakari at hinanap siya nang binata kanina.

"P-patawad Saul." Nakayuko niyang sabi at paghingi muli nang paumanhin.

Lumapit ang binata saka humawak sa kanyang balikat. Lumipat sa baba nito ang kanang palad at saka pinunas ang mamasa-masa niyang pisngi. Iniangat nito ang kanyang tingin. Napaatras nang kaunti si Kaila nang mapansing bumababa ang mukha ni Saul at nakapatda ang tingin nito sa labi niya.

"S-saul?" segunda niya.

"Nakatakda kana sa akin." Aniya nito na parang nais sabihin ay may karapatan na itong gawin ang gusto nitong gawin.

"P-pero Saul----"

"Dahil ba kay Sakari?"

Nag-iwas nang tingin si Kaila. Pero kinabig siya nang binata at iniharap ulit siya rito. Unti-unting bumababa ang mukha nito kung kaya't ipinikit na lamang ni Kaila ang mga mata niya kasabay nang luha. Hindi niya kayang lokohin ang sarili. Tapat siya sa pag-ibig para kay Sakari ngunit ngayong naka-kabit na ang kapalaran niya para kay Saul, siguro'y mabuting ibigay na lamang niya ang sarili para sa kabutihan narin nang binata sa kanya.

Hinihintay ni Kaila ang pagdapo nang mga labi ni Saul sa kanya pero hindi nito iyon ginawa. Naramdaman niya ang respeto. Naramdaman ni Kaila ang palad nang binata na pumahid sa butil nang mga luha sa kanyang pisngi. Marahang siyang nagmulat at agad nagisnan ang malamlam na mata ni Saul na nakatitig lamang sa kanya. Maya-maya'y kinabig siya nito at yinakap nang mahigpit. Nakonsens'ya si Kaila dahil sa pagpapakita niya nang walang interes para sa binata. Ngunit kasalanan bang maging tapat sa katotohanang wala siyang pagtingin dito?

"Patawad Saul." Ani nang dalaga sabay nang hikbi sa balikat ni Saul.

"Paumanhin rin. Huwag ka mag-alala, palabas lamang na nagkakagusto ako sayo." Pag-amin nang binata.

Kumalas sa pagkayakap si Kaila.

"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Kaila.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon