chapter 57:: # paalam aking mahal

221 22 9
                                    

*****

Pinapanood lamang ni Kaila ang kaibigan niyang si Era at Dakaryo habang nag-papaalam sa isat-isa.

"Salamat sa lahat Dakaryo. Kahit na niinis ako sa'yo. Isa ka sa magandang bahagi nang buhay ko. Ikaw yung itim na nagbigay liwanag sa buhay ko. Salamat sa  lahat paalam sa iyong tribo." Ani ni Era sabay padapo nang halik sa pisngi nang binata.

Nais kiligin ni Kaila sa  dalawa pero ang totoo'y naiinggit at nasasaktan siya. Sanay may ganito rin eksena sa  pag-alis niya.

"Paalam Mayumi. Mag-ingat kayo sa paglalakbay."

Halata ang lumbay ni Dakaryo. Hindi man alam ni Kaila ang kwento nang dalawa pero tiyak na may pag-ibig sila sa isat-isa.

"Marikaya , maghihilom rin ang lahat. Tandaan mo hindi pa tapos ang pahina nang iyong libro. Humayo ka nang may ngiti at hayaan mong tangayin nag hangin ang pait sa puso mo."

Tumango-tango si Kaila. May kinuha siyang papel at iniabot sa binata.Ginawa niya iyon noong gabing tinitingala niya ang mga bituin sa langit. Ang masakit at mga saloobin niyang hindi sinabi ay isinulat na lamang niya sa isang papel. Alam niyang hindi iyon lubos mauunawaan ni Sakari, pero natitiyak niyang sa tulong ni Selena ay mauunawaan niya ito.

"Nais kong ipabigay mo ang papel na iyan kay Sakari. Kahit manlang hanggang sa huli...malaman niyang natuto akong magmahal nang isang lalakeng tulad niya. Salamat Dakaryo sa lahat nang tulong mo. Nais korin sanang pasalamatan si Saul. Ngunit alam kong abala na siya ngayon upang ihayag sa lahat ang tungkol sa hinihintay nilang pag-alis ko." Malungkot na sabi ni Kaila.

Nag-paalam naman siya kay Saul noong gabi rin. Hindi nga siya nakatulog kung kayat nagawa niya ang sulat niya para kay Sakari habang hinihintay ang oras bago dumungaw ang araw.

-----

Sakari,
Bago sana ako lumayo sa lupang lipi mo,
Mga pangungusap na ito'y pinaghandaan na mabigkas at sana'y madinig mismo sa harap mo.
Subalit ako yata'y pinagkaitan mo nang kaunting sandaling tanging hinihiling ko.

Kaya irog heto ang mga pangungusap na iiwanan ko.
Mahal kita Sakari nang iyong tribo.
Gusto kong isiping panaginip lamang ito....
Na gigising parin bukas at ikaw ang kapiling ko.
Tulad noong una, nagising ako sa ibabaw nang mga bisig mo.
Noong araw at gabing nagmamahalan tayo na akala ko'y mayroon talagang 'tayo'.

Gusto ko sanang malaman
kung naguguluhan karin ba, kahit manlang kunyari?
Kung naalala mo ba akong hanapin kahit sandali?
At kung sa kaibuturan ma'y kaunti pang pagtatangi??.

Nais kong magalit at may sumbatan.
Pero para saan kung ako lamang ang lumalaban.
Hinihiling korin sana,
Sana nag-kataon na lamang at hindi laro nang kapalaran
na tayo'y nagkatagpo at pinagtipan.
Sana hindi naging kasing bilis nang hangin at hindi naging isang pitik lamang ang aking paglisan.

At sana pala, naniwala na lamang akong, hindi mo ako mahal kaysa nakita ko pang yakap-yakap mo ang babaeng kapalit ko sa lupain na saksi sa aking mayabong na pagmamahal.

Bakit ganoon?
Daig kopa ang martir kung magmahal.

Ganito ba talaga kalupit ang kapalaran?
Mapanakit puso'y parang hinuhubaran.

Maraming bagay ang hindi nalilimot nang kagyat...
Na parang dahon sa agos nang tubig na dagliang iaanod lahat.
Hindi ganoon kadaling magmahal, paano pa kaya ang lumimot mahal.

Sa mga oras na ito,
Akin na lamang titignan palayo
Ang lugar kung saan tayo nagkatagpo.
Babalik na ako sa buhay na dating ginagalawan ko.

Mamasdan kona lamang ang mga ala-ala habang sa paningin koy unti-unti nang lumalabo at naglalaho.

-----

Palayo nang palayo ang bangka sa lantap at mahinahong lawa. Sakay ang dalawang dalaga at ang bangkero nilang si Apo Ingga. Ito ang sumundo sa kanila upang mas mapadali daw ang paglalayag at paglalakbay nila.

Ang hangin ay parang musika na bumubulong at masakit ang ipinapadama.

Ang tahimik na lawa ay parang nakiki-ayon sa damdamin nilang dalawa.

Halata ang mga nagbabadyang luha sa Mata ni Era. Kaya lumipat nang upo si Kaila saka tumabi sa dalaga. Hawak kamay sila palayo sa Isla kung saan natuto silang mamuhay nang makaluma.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon