chapter 81:: #Khael's third person POV

226 18 0
                                    

*****
Flashback

Nakatitig si Khael sa bakanteng kwarto. Nalimutan niyang impisin iyon, hindi naman kasi niya inakalang aakyat roon si Kaila. Bumuntong hininga siya, naglakad patungo sa parte kung saan ay may isang portrait na kanyang iniingatan. Hinila niya iyon mula sa natatabingan nang iba pang empty frame. Itinago niya iyon at binalutan ng papel upang hindi maalikabukan.

Isang taon pa lamang iyon mula ng ipinta niya. Hindi pa kasi siya bihasa sa pagkukulay noong mga naunang dalawang taon. Konting panahon na lamang at mapag-tatagumpayan na niya ang layunin. Oo tama,--- siya si Sakari ang itinakdang maging pinuno ng Tribong Arayat. Masasabi bang tinakbuhan niya ang pagiging pinuno para sa isang pag-ibig? Pangarap niya maging isang tanyag na Pinuno, subalit pangarap rin niyang makasama ang babaeng pinaka-mamahal niya.

Ang tagal na panahon, mula ng itago niya ang kanyang sarili sa katauhan ni Khael Bryle Israel. Hindi niya ginamit ang apilido ng kanyang Ama. Dahil baka magkaroon siya ng problema sa Birth certificate. Ginamit na lamang niya ang apilido ng kanyang Lolo si Don Segundo Israel.

Malamang ay marami kayong katanungan sa kanya. Subalit sabi nga, may tamang panahon ang lahat. At marahil ito na iyon. Napapagod narin siyang manahimik, maging huntahan ng sisi ay ikinamumuhi na niya. Bakit kailangan siya ang maging huntahan ng galit? Gayong ginagawa lamang niya ang nararapat.

Ano nga ba ang nangyari sa mga nag-daang taon. Bakit narito siya syudad? Bakit siya si Khael Bryle Israel ang apo ng Doña Felisa at Don Segundo...na anak nang unika-ihang si Selena Israel.




Flashback from three years ago.


"Bakit mo ako hinalikan?" Kunot noo at buong pagtatakang tanong ni Mikayela.

"Naramdaman ko ang yabag niya. Alam kong nagtungo siya rito." Sagot ni Sakari habang nakayuko. Labis ang lungkot at pagdaing ng puso.

"Sino?..." tanong ng dalaga saka tumingin sa lagusan ng yungib. "Si Marikaya ba?"

Tumango ang binata.

"Paumanhin. Kinailangan ko lamang iyon gawin upang hindi na siya magpumilit pang manatili."

Bumuntong hininga ang dalaga.

"Nais kong magalit..subalit, alam kong may kasalanan rin ako. Kasalanan ko kung bakit naudlot ang pag-ibig nyo ni Marikaya. Kung hindi sana ako nagpanggap sayo, sa lahat ng tao , at sa sarili ko." Nakayuko niyang sabi habang nakatayo sa harap ni Sakari.

Labis ang kanilang lungkot. Galit at poot sa sarili. Para bang iniwan sila ng mundo, sa isang madilim na pook.

Lumipas ang gabi at suminag muli ang sikat ng araw. Ito na ang araw ng pagtatakda. Ito na ang araw ng paglilibing sa kanilang mga puso. Paalam sa mga sintang hindi binigyan ng puwang.

"Pinuno...ihahatid ko sila sa lawa. Hindi mo ba ihahatid at bibigyan ng paalam si Marikaya?" Tanong ni Dakaryo.

"Ihahatid ko na lamang sila ng tingin. Ayaw kong maudlot pa ang kanilang pag-alis." Malungkot na sabi ng binata.

"Maging ako...ay naninimdim Pinuno. Ngunit wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang ating kapalaran." Ani ni Dakaryo saka tinapik ang balikat ni Sakari upang pakalmahin ito.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon