chapter 22:: #pagkain

275 27 1
                                    

****


Hindi kinikibo ni Kaila si Sakari. Ganoon rin naman ang binata. Tila ramdam ang tampuhan sa isat-isa.

Isang araw na ang nakalilipas. Samantala, sapat na para kay Kaila ang makita ang prisensya ni Sakari. Hindi naman na siya galit dito..ewan niya kung bakit parang bula lamang ang kanyang inis dito.

Pinagmamasdan lamang siya ng binata habang abala sa pagsusulat. Siguroy hindi narin natiis ni Sakari ang pananahimik nilang dalawa.

"Marikaya, maari ba tayong bumaba ng bayan muli.?" Tanong niya.

Tumigil saglit sa pagsusulat ang dalaga at lumabas ng kanyang kwaderno.

Namaywang ito sa harap ng binata. Suot nanaman niya ang maong na short at half shoulder na damit na may mahabang manggas. Lalong lumitaw ang kanyang kaputian.

"At ano naman gagawin natin doon?..iiwanan mo nanaman ako! Ganun ba iyon?" Puna niya sa binata sabay krus ng mga braso at inis na tumalikod.

Napailing si Sakari. Batid niya ang pagtatampo ng dalaga.

"Paumanhin dahil hindi ko nasabi sayo ang pag-paroon ko..na may gagawin ako roon.." Sinseridad naman na sagot nito.

Umismid si Kaila. Kung alam lamang nito na alam na niya ang tungkol sa kanya.

"Kung ganoon...bakit narito ka pa hindi asikasuhin ang tungkulin mo sa tribo.!" Muli niyang puna.

Bumuntong hininga ang binata. Marahil alam na nito ang pagtatakda sa kanya na maging pinuno ng tribo.

"Naroon ka sa piging kahapon..Bakit humiwalay ka sa kaibigan mo at kay Dakaryo.?"puna rin niya sa dalaga.

Humarap si Kaila. Sumunod pa sa kanyang pag-ikot ang hampas ng kanyang buhok sa sariling balikat.Tumaas ang kanyang kilay..

"Bakit? Hindi ko ba maaring makasalamuha ang ibang tao sa inyong tribo?"mataray niyang sabi.

Bigla naman nagdilim ang paningin ni Sakari. Naningkit ang mga mata niya. Marahan naman napa-atras ang dalaga.

Bigla kasi niyang naalala si Saul. Kasama ito ni Kaila at marahil nagrereklamo ang kanyang damdamin.

Tumayo ito at humakbang papalapit kay Kaila.

"Hindi ko hawak ang isip mo.'pati ang puso mo' .." turan niya pati ng isip niya sa mga huling kataga. Nais sana niyang isatinig iyon subalit ayaw niyang palalimin ang sitwasyon..."Ngunit bakit ang bilis mo magtiwala?..Hindi ka dapat nakikisama sa ibang lalake na kung tumitig sa iyo animo'y pagkain ka"

Natawa si Kaila sa huling sinabi ni Sakari.

"So,! Eh mukha naman talaga akong pagkain..pagkain na iniwan mo sa maraming mata kahapon..bakit nga naman nila sasayangin ang pagkain na iniiwan ng iba kung ayaw naman ito ng pinaglaanan niya." Malalim niyang turan.

Lalong naningkit ang mga mata ng binata. Tila sinasadya naman ni Kaila ang inisin ito..

"Hindi ka pagkain.. at kung pagkain ka nga..hindi kita iniwan ng walang bantay at tiwangwang na maaring kuhanin ng iba. ." Madiin na sabi ng binata.

Mas lalong naaaliw si Kaila..habang hinuhuli ang damdamin ng binata. Nais niyang siguraduhin kung pareho ba silang may nararamdaman sa isat-isa.

"Pwes!..ang pagkain hindi pinaghihintay..kapag hinayin na ito dapat dumunog ka kaagad.." kunwaring naiinis niyang sabi.

"Kung ganoon.." humakbang pa ang binata palapit sa kanya.

Hindi naman alam ni Kaila kung bakit natatakot parin siya sa tuwing lumalapit ang binata. Madilim kasi ang mukha nito...hindi nga niya alam kung anong nasa isip ni Sakari.

"...hinayin ba ang pagkain para sa akin?.."

Natigilan si Kaila. Tila sa ibang usapan napunta ang diskusyon nila. Ano ba kasing nasa isip niya at hinalinturan niya ang sarili sa isang pagkain.

"..H-hindi...ahmn..a-ano..m-mali ka..ng-----"

Hindi niya naituloy ang sasabihin ng bigla siyang buhatin ng binata. Nagtitili siya at nagwawala. Ngunit tila balewala lamang sa binata ang pagwawala niya. Binitawan siya nito sa mas maraming dayami sa parte ng yungib.

Titig na titig ang binata sa kanyang mata. Hindi naman niya magawang gumalaw. Tila naging estatwa siya dahil sa sobrang lapit ng binata sa kanya.

"Ang pagkain kapag hinayin sa hapag..kung minsan minamasdan lamang. Dekorasyon sa iba.. Ngunit kung itoy nilaan at hinayin para sa iisa. Huwag mo nang ihayin sa iba para masdan at hangarin pa nila."




Kahit halos mapupos ang hininga ay nagawa pa ni Kaila ang magtanong.

"A-anong i-ibig mong sabihin?".

"Kung ang pagkain ay hindi nakalaan sa taong pinag-hayinan....tiyak ito'y titikman lamang..iluluwa kung hindi mainam."


Matapos ang huling mga pangungusap ng binata..tila natauhan si Kaila. Iniwan lamang siya nito ng nakahiga sa dayami.

Hindi niya lubos maunawaan ang binata. Ang totoo nga niyan..
Halos maging berde na ang kanyang utak at isipan.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon