chapter 9:: sagrado (#tela)

424 32 0
                                    

******
Nagising si Kaila sa katahimikan ng paligid. inayos niya ang sarili at lumabas ng kanyang tent.

May kaunti pa siyang tubig kaya ginamit na niya sa pagtooth brush at paghihilamos.

Dahil sa liwanag doon niya nalaman na isang maliit na kweba nga ang kinaroroonan niya.. hindi naman nakakatakot dahil maliit lang na para bang sinadyang ukitin sa malaking bato para maging tirahan.

Ganito talaga kahiwaga ang kalikasan. Maraming bagay na hindi mo inaasahan at aakalaing matatagpuan.

Lumabas siya ng kweba at namulot ng mga tuyong sanga sa paligid. Hindi pa niya nakikita si Sakari kung kayat minabuti niyang magluto na muna.

Ngunit mayroon siyang problema.. wala siyang kagamitan para sa pagluluto. Kung kayat wala siyang nagawa kundi bigong umupo sa malapad na bato.

"Marikaya."

Bigla siyang nabuhayan ng loob ng dumating si Sakari.

"Sakari.." natutuwa niyang bati

"Magandang bagong araw.. may kailangan ka ba Marikaya?" Tanong nito

"Oo e... pero baka wala kayong ganun... uhmn magluluto kasi ako..e wala akong gagamitin."

Umaliwalas ang mukha ng binata na tila alam nito ang gagawin. Inalis nito sa katawan ang mga kagamitan tulad ng sibat at kung anu-ano pa.

Lumakad ito papasok sa isa pang sulok ng kweba. Tinanggal nito isa-isa ang mga batong naka-ayos sa isang maliit na sulok. Sa ilang sandali unti-unting lumawak ang butas doon at tumambad ang mga kagamitan kasirola, kaldero at kung anu-ano pa..

Manghang-mangha ang dalaga kung paanong nagkaroon ng mga ganoon kagamitan sa likod ng mga batong iyon..

"Paanong may mga ganito kang kagamitan?"

"Sa gilid ng karagatan.. sa tuwing humahampas ang alon at sa tuwing bumabaha ang ilog.. doon ko natatagpuan ang mga bagay na iyan. Alam kong nagmula iyan sa malayong lugar." Paliwanag ng binata

"Wow! Amazing... mabuti at naisipan mong itago.."

"Dahil alam kong darating ang dayuhan at itoy pakikinabangan."

"Alam mo feeling ko dapat mas makilala pa kita. Ang dami kong hindi alam."

Tuwang-tuwa ang dalaga at namili ng kagamitan na kailangan. Ngunit may isa pa siyang kailangan..

"Sakari."

Tumingin ang binata na nakamasid lang sa kanyang ginagawa.

"Uhmnn... kailangan ko kasi ng malinis na tubig. Yung malinis ha!"

Tumango ang binata.

Dali-dali naman kumuha ng lalagyan si Kaila at sumunod sa binata.

Inalalayan pa siya nito sa paglalakad dahil sa mga naglalakihang bato. Narating nila ang isang ilog na animoy crystal ang pagkalinaw.

"Wow!! Ganito pala kaganda at kalinis ang tubig dito.. hindi pa sya contaminated.. ang ganda-ganda." Sabi ng dalaga

"Anong contaminated?" Tanong ng binata.

Humanga naman ang dalaga dahil walang kagatol-gatol na nasabi iyon ni Sakari

"Cool ha... ibig sabibin non...ahmn sa amin kasi puno na ng tao. Crowded na yung populasyon sobrang dami na..at ang mga tubig marumi na.. over polluted na ng basura...basta ang hirap kasi ipaliwanag."

"Kung ganoon bumalik na tayo."

Pagbalik nila, agad hinugasang mabuti ni Kaila ang mga gagamitin. Mabuti at kumpleto siya ng sabon.. sobrang bigat tuloy ng dala nya kaya hanggang ngayon sumasakit ang balikat niya.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon