chapter 24:: #Piging

296 26 1
                                    

****

Nagbihis si Kaila suot ang ibinigay na tela ni Sakari. Maaga silang bumaba ng bundok para dumalo sa piging ng mga pinuno.

Parang welcome meeting sa isip-isip ni Kaila. Kinakabahan siya ngayon dahil sa isipang baka ito na ang huling araw niya sa tribo ng mga inday.

Excited pa nga siya..pero mas lalo siyang kinabog ng kaba ng hindi si Sakari ang kasama niyang dadalo sa piging. Si Dakaryo ang kasama niya at si Era.

"Bakit hindi si Sakari ang kasama mo Kai?" Tanong ni Era.

"Ewan ko..baka hinihintay na tayo ng Pinuno.tayo na" marahan niyang sagot.

Ang totoo'y, natatakot siyang malaman ang katotohanan. Paano kung naroon rin si Mikayela. Ang babaeng tinakda para kay Sakari. Ano ang laban niya sa babaeng pinapatungan ng korona...koronang ipinapatong ng sariling ama ni Sakari para sa kanya.

Iginiya sila ni Dakaryo sa nasabing piging. Nagbigay pugay at yumuko rin sila sa dalawang pinuno na naroon.

Samantala halata ang pagkakairita ng mukha ni Era sa mga kultura ng tribo.

"Ano ba naman to Kai.. para tayong timang sa pagyuko-yuko kanina." Reklamo ni era sa mahinang tinig.

"sssshh!.. sumunod ka nalang Era..kailangan natin makisama."

"Okay..no choice naman ako. Pero sino naman ang dalawang negro na parang sinasamba natin kanina.?"

Tumingin si Era sa mga iyon. Kausap nila ang isang lalaki na parang may inuutos dito. Kaya malayang magbulungan ang dalawa habang nakaupo sa isang upuang tila gawa sa ugat ng malaking puno.

"Sila ang Pinuno na sinasabi ko sayo Mayumi. Si Pinunong Arayat at Makurato." Sagot naman ni Dakaryo na kanina'y nakikinig lamang. Mayumi ang binigay niyang pangalan kay Era.

"Ah!. Noong nagkukwento ka..iba pala yung naiimagine ko.. ang akala ko makikisig ang mga iyan. E bakit parang binuhusan ng espalto at mapagkakamalan mu pang rebulto ng india kapag iyan umupo." turan nitong may pataas-taas pa ang nguso.

Tinapik siya ni Kaila.

"Anu ba naman Era..tigilan mo nga iyang mga panlalait mo.. ..Pero Oo nga noh! mukha silang buda."

Napa-hagikhik ang dalawa sa mga biro nila. Mahina lamang iyon at baka mapalayas sila ng maaga.

"tignan mo tong piging na tinatawag nila...parang normal na lamesang matatagpuan sa mga beach ano!?. Ang weird lang..kasi napapaligiran tayo ng mga indoy at inday". Puna ulit ni Era.

"Sila yung mga tiga-suporta. Huwag mo nalang pansinin. Ang totoo'y nakapunta na ako dito. Kasama ko ang isang inday si Kara. Marami akong nalaman sa kanya."

"Ako rin maraming nalaman tungkol sa unang dayuhan. Marami rin akong tanong at iyon ang dapat natin pag-usapan mamaya."

Magsasalita pa sana si Kaila ng dumunog na sa harapan ang dalawang Pinuno. Tumunog ang tambol..akala ni Kaila ay hudyat na iyon ng simula ng diskusyon sa pagitan ng mga Pinuno.

Parang katulad noong nagde-depend sila ng thesis title.. mga seryosong panel ang kaharap.

Maya-maya'y tumunog ulit ang parang tambol...dumating si Sakari..

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon