chapter 41:: paghaharap

303 27 0
                                    

*****

"Ikaw si Marikaya?" Tanong ni Selena.

Umupo si Selena sa kabilang upuan sa harap ni Kaila. Kumpleto sa kagamitan ang bahay ni Selena. May mga kagamitan itong pang-kusina na hindi makaluma.

Samantala nagpaalam naman si Saul at babalik na lamang daw ito mamaya.

Ngumiti si Selena nang mapansin ang pag-mamasid ni Kaila.

"Mula nang manirahan ako rito, tiniyak ko na ang mga kagamitan na makukumportable ako."

Ngumiti si Kaila. Nahihirapan siyang makipag-usap sa unang dayuhan. Kagalang-galang itong manalita. Hindi niya alam kung paano magsasalita nang hindi mukhang nang-aabala. Pinapa-alala rin kasi nang prisensya nito ang mukha ni Sakari.

"Uhmn, kamusta naman po ang paninirahan n'yo dito sa tribo.?" Tanong niya.

Nais na sana niyang tanungin kung sino ang anak niya? O kung magkapatid si Sakari at Saul. Kaya lamang ay nahihiya siya.

"Maayos naman.. noong una ay nahirapan ako..ngunit natuto rin ako kasabay nang pag-katuto rin nang tribo."

"Kahanga-hanga po ang inyong kasaysayan."

Ngumiti nang mapag-tanggap ang ginang.

"Pangarap kong maging guro noon, pero iba ang aking naging kapalaran. Ngunit natupad iyon sa ibang kalagayan, dito sa tribo...dito ako naging guro nang mga matatanda at kabataan."

"Paano po kayo napadpad dito?" Sa wakas ay nakapag-simula na siyang magtanong.

Bumuntong hininga si Selena. Sumandal ito at pinagsalabid ang mga daliring nakapatong sa lamesang yari sa malapad na kahoy.

"Ipinagkasundo ako noon ipakasal sa isang lalake na hindi ko iniibig. Nagbakasyon kami kasama nang aking Papa at ang magulang nang lalake sa probisnya. Sa Quezon. Binabakuran nila ako, para daw madevelope ako kay Manuel."

"Ngayon gabi ay si Manuel ang iyong makakasama Selena,"

" I dont love him Papa! , I don't even like him. Paano n'yo nagawang ipagkasundo ang iisang n'yong anak sa pamilya nang Salcedo?"

Isang sampal mula sa mabigat na kamay nang aking ama ang aking natanggap. Ganoon kalupit si Papa.

Nasa isang resort kami noon. Wala akong nagawa kundi sundin ang utos nila. Ipakakasal daw nila ako isang linggo pagkatapos nang bakasyon. Umiiyak ako sa silid kung saan katabi ko raw matutulog si Manuel. Classmate ko si Manuel sa college. At ang masakit doon, Siya ang hari nang mga gagong gangster sa school.

"Hi ! soon to be My wife."

Sukang-suka ako sa mga tinuran niya. Naaamoy ko ang alak mula sa bibig niya. Takot na takot ako pero pinilit kong maging kalmado.

"Come on dear, let just do the first night before wedding..its getting more exciting."

Unti-unti akong napa-dasog sa ulunan nang kama. Lasing na lasing si Manuel. Tumutulo ang mga luha ko. Ni hindi ako makasigaw dahil alam kong hindi naman ako kakampihan ni Papa.

Si Mommy naman ay hindi namin kasama. Tutol din ito sa kagustuhan ni Papa. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang takbo nang utak ni Papa. Para lamang akong manikang pinahingi sa isang lalakeng hindi marunong gumamit at mag-ingat nang ganoong bagay..ang tanging alam lamang ay pag-laruan sa maling pamamaraan.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon