chapter 53::#Mananatili ako ngunit hindi sa piling mo.

235 21 1
                                    

*****

Nakatanaw si Kaila mula sa itaas nang tore. Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa lupain nang Makato matapos marinig kay Sakari ang pagtutulak sa kanya palayo.

Nagugulo-himanan na siyang talaga.

Ang mga mata ni Sakari ay palaging maamo sa tuwing magkikita sila nang hindi sinasadya. Pero bigla nalang itong nagbabago at saka mapapalitan nang malamig na pakikitungo.

Bumuntong hininga si Kaila. Hangga't wala siyang nakikitang mas malalim pa na dahilan upang lumisan sa tribo ay mananatili parin siya.

"Marikaya."

Nilingon ni Kaila ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.

Si Saul, si Saul na palaging dumarating kapag kailangan niya ng kausap.

"Saul." Tugon niya.

Kumunot ang noo nang binata.

"Tumangis kaba?" Tanong nang binata sa tonong pag-aalala.

Mapula at mapungay kasi ang mga mata nang dalaga. Hindi nito maitatanggi ang ebidensya nang pagtangis niya.

Mapinong ngumiti ang dalaga. Bumuntong hininga upang itago ang bumabara sa dibdib niya.

"Oo...pero huwag mona akong isipin. Uhmn, may kailangan kaba?" Tanong ni Kaila upang maiwas sa kanya ang simpatya nito.

Nakita niya ang pagbagsak nang balikat ni Saul. Humakbang ito palapit saka humawak sa dalawang balikat niya.

"May pagpupulong ngayon sa piging nang Pinunong Akurayat. At iniimbitahan ka."ani nang binata.

Ramdam niya ang kaba at pag-aalala ni Saul. Tiyak ay tungkol sa kanya ang usapin.

"P-pwede bang hindi pumunta?" pagba-bakasali ni Kaila. Ngunit umiling si Saul.

"Ang pagtalikod ay karuwagan. Dudulog ka sa kanilang imbitasyon...dudulog tayong dalawa Marikaya." Ani nang binata.

Huminga siya nang malalim. Sa tuwing natatakot siya, palaging si Saul ang umaako sa kanya. Subalit nahihirapan narin siya. Nahihirapan na dahil masasaktan lang ang binata.

....
...
..

Nagtungo sila sa tribo nang Arayat. Bawat apak at pagbuhat nang sarili ay mabigat para kay Kaila. Para siyang may daladalang gabundok na takot at problema. Sana, walang mangyaring masama, sana may pagkakataon pa siyang linawin ang sariling pagpapasya. Iyon na lamang ang hiling nang dalaga. Mga katagang laging nagsisimula sa SANA.

Nasa ibaba na sila nang mismong hagdan sa pribadong pulungan nang mga Pinuno.

"Saul...hindi ko kayang humarap sa mga Pinuno." Ani nang dalaga.

"Gusto mopa bang manatili O hanggang dito nalang?" Tanong ni Saul.

Napayuko si Kaila. Hindi niya alam kung bakit nais pa niyang manatili, ngunit para bang ang puso niya ang nagbibigay nang rasyon kung bakit pinipilit niya ang sarili sa lupaing iyon.

Wala siyang nagawa at pikit matang umapak sa bawat palapag nang hagdan. Pagbungad nila sa piging ay naagaw agad nila ang lahat nang pansin.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon