chapter 18:: kasaysayan ng unang dayuhan

343 28 1
                                    

*****

Namamasyal ang apat sa loob ng kabayanan.. tulad sa modernong buhay..mayroon din silang pamilihan.

Ngunit hindi pera ang umiikot sa mga indigenous. Nagpapalitan sila ng mga kalakal. Kung baga sa unang panahon..tinatawag itong 'kalakalan'.

"Para tayong nasa lumang panahon Kai..may market din sila..kaya lang panahon pa ni kopong-kopong." Pansin ni Era.

Natawa naman si Kaila sa turan ng kaibigan. Ngunit nagtataka siya kung bakit tila angat din ang kaalaman ng mga inday sa lugar na iyon..buong akala niya'y mga taong nakayapak at mga bahag ang daratnan nila sa tribo.

"Kakaiba ang tribo at mga tao dito...hindi ko inaasahan ang mga kasuotan nila..tignan mo yung mga babae...kaparehos ng suot natin." Sabi ni Kaila..

May disenyo rin ang mga panamit nila...ang mga sapin sa paa ay yari sa kahoy at tila hinabing mga balat ng hayop. Lahat sila'y may tila koranang balahibo o bagwis.

Napakagaling ng mga bagay sa lugar.. Subalit tila gustong mag-kubli ni Kaila sa mata ng mga inday. Lahat ng madaanan ay halos hubaran sila ng tingin.

Makikita mo ang mga lalake na tila humahanga sa dalawang dalaga..subalit yumuyuko ang mga ito kapag napansin ang dalawang binatang kasama nila. Tila ginagalang nila si Sakari at Dakaryo.

Samantala, hindi rin lingid sa paningin nila ang matalas na sulyap ng mga kababaihan. Kapag kuway hinahagod sila ng tingin saka tila ikukumpara ang kulay sa kanila.

"Feeling artista ang peg natin Kaila...tignan mo naman..kung makatitig sila parang gusto na tayong pag-kaguluhan.."biro pa ni Era.

Siniko naman siya ni Kaila.

"Tumigil ka nga Era..kita mo't ang sama ng tingin sa atin ng mga babaeng inday oh.."

humalukipkip naman ng tawang mahina si Era..

"Syempre insecure ang mga yan...tignan mo yung isa...akala nya aagawin ung boyfriend nya..as if naman magkakagusto tayo sa mga puwet ng kawali." Biro pa nito.

Hindi naman maiwasang matawa ni Kaila sa biro ng kaibigan..lalo na sa paraan ng pag-pupuna nito sa mga indigenous.

"Sira ka talaga..paano mo namang nalaman na boyfriend niya iyon." Tanong ni Kaila habang nakatingin sa tinutukoy ni Era kanina.

"Malamang..tignan mo nga..lalaway na si kuyang sa katitingin sa atin..tapos halos pumalupot naman ang isa..Ang ganda ko pala dito sa lugar na ito..tignan mo oh...ako lang ang maganda..center of attraction kumbaga...pero aber!..tignan mo naman yung ibang girls.." sabay turo sa grupo ng mga dalagang inday.

Tila kinikilig ang mga ito sa dalawang binata. Kapag kuwa'y marahang yumuyuko kapag daraanan na nila.

"Nako teh!..crush nila si hot indoy..as if naman ipag-papalit ka nyan sa mga iyan."

Agad din naman napansin ni Kaila ang tinutukoy ni Era. Oo nga't maganda siya dahil sa kaibahan ng kulay at hitsura niya kumpara sa mga babaeng inday...pero hindi niya natitiyak ang kapalaran.

Wala namang matatawag na 'sila' ng binata..Oo ngat malambing ito sa kanya..pero hindi naman niya ito nobyo.

Maya-maya'y lumapit ito sa kanya..ganun din naman si Dakaryo kay Era.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon