chapter 26::#buwan at ang araw

305 24 1
                                    

*****

Tahimik si Sakari at Marikaya na umuwi ng yungib. Abala si Kaila magsulat ng mga nakalap na ideya sa tribo kanina. Samantala abala rin sa pagtatali ng pana si Sakari.

Madalas ang sulyap ni Kaila sa binata. Kanina pa kasi ito hindi umiimik. Ayaw naman niyang pansinin ito dahil naiinis siya rito. Pero hindi na niya matiis ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Inayos na niya ang mga gamit. Pasulyap-sulyap siya habang hinahayin ang mga pagkain na ibinigay sa kanila ng mga mababait na inday.

Tumikhim siya bago tinawag ang binata.

"Ehem!. Uhmn. Sakari, kumain na muna tayo. "

Lumingon ang binata. Tulad noong una, seryoso itong tumingin sa kanya. Parang estranghero ito ngayon. Bumalik ulit ito sa ginagawa.

"Mamaya mo na lamang ituloy iyan..kumain na muna tayo. Lumalalim na ang gabi." Muli niyang sabi.

Pero hindi parin ito natinag.

" Sakari..Hindi ka pa ba gutom?" tanong niya sa binata.

Tila padabog nitong itinigil ang ginagawa. Nabahala naman si Kaila. Bakit parang ito pa ang may ganang magmaktol..samantala, siya nga dapat.. Pero paano siya magmamaktol..ni wala naman silang relasyon ni Sakari.

Dumunog sa pagkain si Sakari. Pero nanatili itong tahimik.

Matapos kumain..nagpatuloy sila sa kanya-kanyang ginagawa. Nagtataka si Kaila..bakit parang may kasalanan siya kay Sakari. Para tuloy kinukurot ang kanyang dibdib. Parang hindi siya sanay na ganoon katahimik ang binata.

...
..
..
Lumalalim na ang gabi.. pero hindi parin makatulog si Kaila. Paikot ikot na siya. Palagi niyang naiisip ang mukha ni Sakari. Sa ganoon kadaling panahon..parang patibong ang lahat...wala naman ginagawang panunuyo ang binata..pero parang nahulog na lang siya ng basta sa isang patibong.

Napangiti pa siya ng maalala ang una nilang pagkikita. Bigla lamang itong dumating at tinawag siyang Marikaya..Hinila siya at dinala sa gubat..hanggang marating ang yungib.. Sa ganoon kadaling pagtatagpo..parang matagal na niyang kilala ang binata..Pero ngayon..parang hindi niya ito kilala.

Nawala ang ngiti sa labi niya..bakit mula ng ginanap ang piging..tila nagbago ang binata.

Nalungkot si Kaila. Lumabas siya ng tent para lumanghap ng hangin. Maliwanag ang buwan ng mga oras na iyon. Tumingin siya sa nakahigang si Sakari.

Bumuntong hininga at lumabas ng yungib. Umupo siya sa batong naroroon. Sumandal rin sa isa pang bato na malapit sa kinauupuan. Tiningala niya ang langit.. mangilan-ngilan lamang ang bituin sa langit. Bilog na bilog ang buwan. Parang ang tamlay ng kalawakan..Bakit ganoon?

Bakit parang nasasaktan siya sa hindi malaman na dahilan. Pinikit niya ang mga mata..at doon parang nakikita niya ang larawan ni Sakari..Pero bakit pati sa sariling imahinasyon..naroroon si Mikayela.

Agad siyang nagmulat ng mata. Alam na niya kung bakit...kung bakit ngayon basa ng luha ang kanyang mga pisngi. Dahil iyon kay Mikayela

Ang babaeng iyon..ay nakatakdang ipag-isang dibdib kay Sakari. Tutol na tutol siya sa babaeng iyon..lalo na't nakikita niya ang mga malagkit na tingin nito kay Saul. Pero bakit parang ayaw rin nitong pakawalan si Sakari.

Pumikit muli siya ng mas matagal. Pilit iwinawaglit sa isipan ang binata. Noon niya napagtanto..na dapat pala, dapat pinigilan niya ang puso na umibig sa isang makalumang lalaki.

Siguro..dahil narin sa pagiging moreno nito..na bihira lamang sa Syudad. Maging ang natural nitong katawan na hindi binahiran ng pagbubuhat ng barbel para maging matibay. Ang lahat ng pangarap ni Kaila sa isang perpektong lalake..lahat ng iyon natabingan ng pagtangi sa binata. Pero hindi rin siya magtatagal sa lugar ...kailangan niya itong labanan.

Nagmulat siya ng mata ng maramdaman ang mainit na haplos sa kanyang pisngi.

"S-Sakari?" nauupos niyang sabi.

panaginip bang nasa harap niya ang binata. Kung panaginip lamang sana'y manatili itong nasa harap niya. Nais muli niyang lumuha upang matamo ang init ng palad nito. Pero...

Pero sa muli niyang pag-pikit..isang mainit na halik ang dumampi sa kanyang noo.

Muli siyang nagmulat pero naroon parin ang binata.

"T-totoo ka ba?" Tanong niya.

"Kung ang luha mo'y ako ang dahilan..ipagpatawad kung ika'y aking nasasaktan. "Ani ng binata.

"H-hindi..n-nalulungkot lamang ako."tanggi niya.

"Bakit ka nalulungkot?"tanong ng binata.

Kung ganoon..totoo nga ang binata..totoo rin ang halik na iyon. Pero bakit?..ano ang kahulugan noon.

"Sakari...A-ano ba ako sa iyo?" Maging siya ay nagulat sa tanong niya. Pero nasambit na niya iyon..hindi na iyon mababawi pa.

Hinaplos ng binata ang kanyang buhok.

"Hindi ko alam."tugon nito.

Parang patalim ang mga katagang iyon kay Kaila. Anong sagot iyon. Hinalikan siya sa noo ng binata..at ngayo'y hinahaplos ang kanyang buhok....tapos hindi niya alam..hindi niya alam kung sino siya para sa binata.

Tumayo si Kaila.

"M-matutulog na ako." Sabi niya na pigil ang garagal na tinig.

Lumihis siya sa binata. ..dalawang hakbang ng nakatalikod na siya..pero hinawakan siya nito sa braso.

"Ang araw at ang buwan..minsan ay nagtatagpo..Subalit, hindi magtatagal sila'y muling magkakalayo."

Unti-unting humarap si Kaila sa binata. Parang alam na niya ang ibig sabihin nito.

"Sa sandaling pagsasama..ang dilim at liwanag ay mag-sasanib at magiging...iisa., Sa mata ng iba ,ito ay kahanga-hanga..subalit sa mata ng iilan..ito'y masama. ."

Malungkot ang mga mata ng binata.. at ramdam na ramdam iyon ni Kaila.

Hindi kaya pag-ibig ang nais nitong ipahiwatig. Pag-ibig na hindi magtatagal dahil Kailangan din niyang lisanin ang tribo.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon