chapter 23:: #makasaysayan ang lahat

371 25 5
                                    

****

Hanggang ngayon hiyang-hiya si Kaila kay Sakari. Napagtanto rin niya ang mga katagang iniwan nito kahapon.

Pero may parte roon na nasaktan siya sa ibang punto ng binata. Pakiramdam niya nais sabihin nitong...isa siyang pagkain na hinahayin ang sarili sa iba.

Ewan nga ba kung bakit doon napunta ang usapan nila. Buntong hininga siyang tumayo mula sa malaking bato sa labas ng yungib.Pero hindi sukat niya akalain.. kanina pa pala nasa dakong likod niya ang binata.

"Anong iniisip mo? Tila malayo ang iyong tingin" ani ng binata.

Umupo ulit si Kaila at yumuko. Nahihiya siya kay Sakari. Hindi rin niya kayang salubungin ang mga mata nitong tila hinihipnotismo siyang tumitig doon.

"Wala naman." Maikli niyang tugon.

Umupo sa kabilang parte ng bato ang binata. Tila naghahabulan at nilalamig naman si Kaila. Ano ba kasing epekto itong dala ni Sakari. Hindi lang yata gamot ang may side-effect..kundi maging ang lihim na pag-tangi.

"Paumanhin sa karahasan ko kahapon."

Napalingon si Kaila sa binata.

"Kalimutan na natin iyon.. paumanhin rin sa kanipisan ko.."

"Kanipisan?..iyon bang paghahalintulad mo sa pagkain?" Tanong ni Sakari.

Tumango lamang si Kaila. Siya namang buntong hininga ni Sakari.

"Hindi ko kontrolado ang sarili ko Marikaya..tila lumalagpas na ako sa aking linya."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin sa malayo si Sakari. Kunot-noo naman siyang minamasdan ng dalaga.

"Hindi bat sinabi kong...kalapastanganan ang dumikit sa mga tulad mong dilag."tumingin siya kay Kaila. Tumango naman ito. "Nagkakasala ako..sa maraming bagay at paraan..at batid kong magkakasala pa ako Marikaya."

"Hindi kita maunawaan Sakari."

"Hindi ko alam kung alin ang dapat kong iwaglit. Kung ano ang mas tama at dapat kong isakripisyo."

Bumuntong hininga si Kaila. Hindi niya talaga maunawaan ang binata.

"Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo..ngunit lahat ng tao nagkakasala Sakari..Kung may gumugulo sa iyong isipan.. sundin mo kung alin ang nasa puso mo..kung saan ka masaya." paliwanag ng dalaga.

Umiling si Sakari.

"Mag-kaiba tayo ng paniniwala. Sa lugar na ito..hindi mahalaga ang silakbo ng damdamin.. Hindi puso ang umiiral kundi ang panuntunan ng matatanda. Lalo na't ..kung itinakda sa isang panungkulin."

"Dahil Ikaw ang anak ni Akurayat..tama ba?"

"Tama ka. Isinilang akong taglay ang harlika mula sa dugo ng aking ama. Alam mo na ba ang tungkol sa akin Marikaya?"

Tumango si Kaila. Akala niya'y hindi ito uuntagin ng binata.

"May nakilala ako sa tribo..si Kara. Ibinunyag niya sa akin ang lahat Sakari."malungkot na sabi ng dalaga.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon