chapter 13:: #Kaba

392 28 2
                                    

******

Nag-mamaktol ang isip at puso ni Kaila. Hindi tuloy niya napansin ang kumpol ng mga balahibo sa kanyang ulo kaya naman nahulog ito at doon niya lamang napagtanto ang mga iyon.

Pinulot niya iyon at tila nagbalik sa isip kung paano iyon marahang ipinatong sa kanyang ulo kanina ng binata.

Sa isipang iyon ..hindi nanaman niya naiwasang maala-ala ang mukha ng binata. Naipilig niya tuloy ang ulo dahil sa pag-iwas sa maaring kahinatnan ng pantasyang iyon.

Upang makalimot pumasok nalang siya sa tent niya upang muling magsulat sa kanyang thesis paper. Hinayaan niyang bukas ang tent upang pumasok ang hangin.

Tinanggal rin muna niya ang mga tila koronang bagwis na maingat na naka-kabit sa tila nilubid na tela . Napakagaling nang pagkakagawa noon.

Ngunit hindi pa man siya nakakapag-sulat nang maramdaman niya ang yabag ng binata sa loob ng yungib. Sumilip siya nang saglit.....saglit lang sana'..

Subalit napako yata siya sa kakisigan ng binata. Napakalusog ng mga muscles nito... Kung iisipin ni Kaila halos hubad lang ang binata dahil sa kasuotan nito..

malaya niyang nahahagod ang korte ng dibdib nito..lalo na't hindi nito suot ang mga naglalakihang kwintas na palagi nitong suot. Kung tutuusin..pupwede na nga itong gumanap sa penikula...pwedeng maging ala-captain barbel..o di kaya naman mas matikas kung si Zoro..

Kung siguro nasa syudad lamang sila..baka pinag-kaguluhan na itong si Sakari ng mga kaibigan niyang bakla...

Pero syempre, sa isip niya...kahit dikit ay ipag-dadamot niya ang binata.

Napatawa nalang siya sa isipang iyon...kung umasta siya animo'y pag-aari niya si Sakari..

habang pinagmamasdan ito napansin niyang lilingon ito sa dako niya kung kayat hindi siya magkanda-tutong mag-tago sa loob ng tent. Halos habulin niya ang kabog ng dibdib dahil sa kaba.

Nakagat niya ang ibabang labi sabay nang paghawak sa dibdib niya.

Ano kaya itong nararamdaman niya? Bakit ganoon na lamang ang kaba niya sa tuwing tatama ang mata ni Sakari sa kanya.

Pinakalma niya ang sarili bago muling silipin ang binata. At sa ilang minuto gumana nanaman ang kapilyuhan niya.

Malawak ang ngiti at dahan-dahang nagtangka muling sumilip. .

Ngunit kung pilyo si Kaila..Pinatunayan naman nang tadhana na mas pilyo ang pagkakataon.

Kung kayat halos mawalan ng lakas si Kaila sa pagkakataong iyon.

"lupa--lupa!! bumiyak ka ngayon!! Lamunin mona ako't huwag panatilihin sa ganitong sitwasyon!"sigaw nang isipan niya

Gusto niyang magsisi dahil sa kapilyuhan..dahil sa kakulitan ng kanyang munting paghanga sa binata,, nahuli yata siya sa palakasan nang pakiramdam.

*****

Samantala, bakit nga ba mapaglaro ang tadhana? Kung pilyo ang puso kapag kumakabog ito....bakit nga kaya sinasabayan naman ito ng laro?

Sabi nga nila' huwag kang makipaglaro kung hindi mo alam kung paano..

Dahil baka akala mo....tagu-taguan  yun pala ,huli-hulian at ikaw ang kasunod na taya..

....

..

Sa hindi malaman ni Sakari bigla nalang umalis sa harap niya kanina ang dalaga. Gusto pa sana niyang purihin ang dalaga sa bagong kasuotan nito. Subalit nagmamadaling pumasok ito ng yungib.

Napag-pasyahan niyang sundan ito upang tanungin ang dahilan ng pagka-yamot ng dalaga.

Hinanap agad nang kanyang mata si Marikaya...at nahagip naman niya itong nagmamadaling pumasok sa loob ng munting silid nito.

Minsan nga ay nais niyang hiramin ang munting silid na iyon at ipakita sa tribo. Kahanga-hanga kasi ito kung susumahin niya. Subalit ayaw niyang ipakita ang kanyang pagiging pilyo sa iba.

Dahil tila walang balak lumabas ang dalaga nagpasya siyang dungawin na lamang ito sa loob ng munting silid.

Subalit labis niyang iki-nabigla ang pag-dungaw nang dalaga na siya namang pagluhod niya upang tanawin din sana ito.

Labis din ang pagkabigla nang dalaga..Tila hindi akalain ng dalawa ang biglaang pag-tatama nang kanilang paningin sa halos isang galaw na lamang ay magtatagpo ang kanilang mga labi.

Napatda ang dalawa sa kanilang posisyon.

Samantala, sa kabila nang pagkabigla ni Sakari ,naroon parin ang kanyang sariling diwa at sinamantala ang pagkakataon upang masdan ang bawat korte ng mukha nang dalaga.

Sa buong buhay niyang pangangaso sa gubat hindi pa siya nasindak nang mga mababangis na hayop. Hindi pa siya nagulat sa biglaang silip nang ahas..

Ngunit sa biglaang pagdungaw nang isang dalaga...si Marikaya,

Ang babaeng dayuhan.. Sa unang pagkakataon niya naranasan ang mabigla...ang mabigla at maramdaman ang kaba..

Ngunit natatakot siya sa kapalaran na nakataya..

Ipag-papatuloy kaya niya ang pakiki-salamuha dito o hanggang maaga ay iiwasan na ito..

Dahil habang tumatagal, nabibihag narin siya kay Marikaya..

"Patawad Marikaya." sa wakas ay bulalas niya

Napayuko naman ang dalaga dahil sa kaba at pagka-pahiya sa binata. Kung hindi lang sana sa kapilyuhan niya..

"Ayos lang ...kasalanan ko naman." Sagot naman ni Kaila

kumunot-noo ang binata..paanong naging kasalanan ito ng dalaga..
Gayong siya ang lumapit dito..

Itatanong sana niya subalit tila nabasa nang dalaga ang nasa isip niya.

"Ahmn...w-wala yon Sakari...uhmn kalimutan nalang natin yung....i mean...y-yung ..kanina..yung..alam mo yun..'diba?" Naiilang na sabi nito.

Tumango na lamang ang binata at lumayo na sa dalaga.

Samantala, nakaramdam si Kaila ng lungkot habang pinagmamasdan ang likod ng binatang papalayo.

Bakit sa tuwing lumalayo ito ay nalulungkot siya. Ngunit bakit rin kapag malapit ito ay ayaw rin niya?

Lingid sa kaalaman ng isat-isa ang tugmang nararamdaman nila.. Bakit kaya mahirap aminin sa sarili na umiibig kana?..Ganoon ba kahirap ang pagtibok ng puso..

O sadyang ayaw aminin ni Kaila ang pag-tangi sa isang indigenous..at takot  naman si Sakari sa kapalaran kapag umibig siya sa dayuhan.














AN:/ thank you for unli-votes, for unli-comments and for keep waiting my updates..

this chapter dedicated to you :)







#User715368....

Thank u so much! :)

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon