chapter 19:: #Pinuno

315 26 2
                                    

****

Habang hinihintay ni Kaila si Sakari...nag-paalam muna siya sa dalawang kasama na mag-lalakad lakad muna.

"Bumalik ka na lamang dito kapag napagod kana sa paglalakad." ani ng binata.

"Samahan na kita Kai.."alok ni Era

Pero naisip ni Kaila na mas mabuti kung siya na lamang mag-isa. Kailangan mag-kapalagayan loob ang dalawa.

"Huwag na..sandali lamang ako..diyan ka na lamang kay Dakaryo...baka mapugutan ako dito e..mas mabuting matira ka."

Napakagat labi naman ang dalaga..tila napaisip nga ito.


Kadalasan kasi nila marinig na namumugot daw ng ulo ang ibang tribo.

"Ai..Oo nga noh!..better wait than to kill..hehe" pilyong sabi nito.

Napatawa nalang si Kaila..naglakad-lakad na lamang nga siya.

Lahat ng madaanan niya ay hinahagod siya ng tingin. Hindi niya maiwasan mag-malaki..bakit kasi hindi? Kung hamak ang ganda niya sa mga babaeng inday.

She is perfectly gorgeous..gorgeous sa lugar na ito. Tama nga sila,. hindi ka gaganda kung ang kasama mo'y mas maganda pa sayo..pero this time, she can say..

"Im perfectly beautiful....with the heart!"

Hindi tuloy niya maiwasan mapahagikhik sa sariling isipan. Sa tuwing may nakakasalubong siyang matanda ay binibigyan niya ito ng pag-yuko. Iyon kasi ang nakikita niyang kultura sa mga inday.

Ang ibay natutuwa sa kanya..subalit marami rin ang binabalot ng insekyuridad. Hindi na lang niya iyon pinapansin.

"Mikayela!! Mikayela!!"

Agaw pansin ang isang dalagang tila nanalo sa loto kung makasigaw. Binitawan ni Kaila ang hawak na tela mula sa paninda ng isang matandang inday. Kanina pa kasi niya sinusuri ang lahat ng makita sa pamilihan. Mabuti at tila mabubuti ang loob ng mga matatanda. At halata din sa mga ito ang pag-hanga.

Animo'y balita ang dala ng babae kanina. Lahat ay nagsi-dalo sa babaeng ito. Dahil sa kuryosidad pasimple rin siyang lumapit sa mga ito at nag-panggap na namimili sa katabing bangketa.

Kung kanina'y abala ang mga kababaihan sa pag-usyuso sakanyang kagandahan..tila mas bumenta ang usapan nila ngayon.

Lumapit rin doon ang isang babaeng inday na tinatawag na Mikayela. Pino itong gumalaw. Kapansin-pansin ang pilik nitong nagmamalaki sa kahabaan. Tila kay ganda rin nitong manamit kahit maitim ang balat.. Kung titignan ay parang lalaban ng miss universe..kung baga ay native atire lamang ang kasuotan. Tamang-tama ang mga pakpak ibon sa ulunan.

Hangang-hanga doon si Kaila. Kahit maputi siya at maganda kumpara sa native woman ay tiyak kaya siyang talbugan ng babaeng iyon. Hindi naman matangkad si Kaila, kaya halos sing-taas lamang niya ang babae. Maiitim at mapupungay rin ang mata noon.

"Nakita ko kanina ang pinuno! Narito siya ngayon..!!" Tila kinikilig na turan ng babaeng dumating kanina.

Maitim ang babae..salat ngunit bumagay naman sa kanya ang kanyang ilong.. mayroon pa itong malaking bulaklak sa gilid ng tainga. Kulot na kulot ang buhok tulad sa mga iba pa.

"Aba! Ay ano kaya ang nakain ni irog ko at tila nais akong mabisita."mataray na saad ng isa pa.

Nagsi-taasan naman ang nguso at kilay ng mga kasama nito. Mas lalo naman lumakas ang kuryosidad ni Kaila ng marinig ang katagang pinuno.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon