chapter 59::# back to normal

259 23 3
                                    

*****

Hindi na namalayan ni Kaila kung gaano katagal sila naglakbay pauwi, ni hindi nga niya ininda ang sakit ng mga binti tulad noong una. Dahil narin siguro mayroon pang higit na mas masakit....iyon ay ang puso niyang tumatangis. Hindi lang naman siya ang ganoon, maging si Era ay hindi rin nangungusap. Basta naglakad sila pauwi ng wala manlang pag-uusap. Hindi nalang namalayan ang malayong daang binagtas.

Kung noong una ay halos magreklamo sa tagal nang kanilang paglalakbay. Ngayon naman ay halos pitik nga lamang na parang hindi naglayag at umakyat, lumakad ng pagkahaba- habang daan sa gitna nang nakakatakot na gubat.

May nais pa nga sanang sabihin si Inday Ingga, subalit marahil batid nitong wala silang oras upang makarinig nang kahit anong salita. Kaya minabuti nalang ng matanda na bigyan sila nang basbas pauwi.

...
..
.

Mula sa gate kung saan nanuluyan sila sa Quezon sa tahanan ng Direktor. Naroon sa cottage at nakasandal si Mae habang abala sa pagpindot nang cellphone. Maya-maya'y umihip ang preskong hangin at hinawi nito ang sariling buhok. Noon napadaan ang tingin niya sa tarangkahan at saka nag-second look..

"Merry Kaila!? Era! OMayGosh!! Nadito na kayo." Tili nito at saka mabilis na tumakbo at yumakap sa dalawa. "Sorry gayss! Hindi ko alam na darating kayo e,"

"As if may cignal sa bundok para magpasabe kami." Sarkastikong biro ni Era.

Inismiran lang siya ni Mae.

"Kamusta naman kayo? ...pero pumasok na muna kayo sa loob nang makapag-pahinga kayo." Kinuha niya ang isang bag na dala ni Kaila. Medyo nawirduhan nga siya sa pananahimik nito. "Mike!! Mike narito na sila..lumabas kana d'yan at kunin mo yung mga bagahe nila." Sigaw niya sa nasabing binata.

Bumuntong hininga naman si Era nang makita niya si Mike na halatang nahihiya sa kanila. May headset ito sa leeg at halatang nakatago sa bulsa ang gadgets nito.

"Kami nalang magdadala Mae. Nagawa nga namin mabuhat 'to sa tribo, pauwi pa kaya na sampung hakbang nalang." Sarkastikong sabi ni  Era.

Nasilihan yata si Mae at Mike kaya napatda ang mga ito sa kinatatayuan. Pero huminto sa harap ni Mike si Kaila saka iniabot rito ang bagahe niya.

"Heto, ang bigat na kasi e." Ani nang dalaga sabay abot nang bag niya.

Napataas ang kilay ni Mae at halatang nawirduhan rin si Mike.

"Parang mga naengkanto ang mga to." Komento ni Mae.

Nagkibit balikat lamang si Mike na tulad nang dati hindi parin mahilig magkomento.

Pumasok na sila sa loob. Kumuha nang tubig na malamig si Era. Lumagok ito saka inilibot ang paningin.

"Asan si Kennet?" Kunot noong tanong ni Era.

Naagaw rin ang pansin ni Kaila nang maitanong iyon ni Era. Naghintay siya ng sagot sa dalawa.

"He just leave." Sagot ni Mike.

Lumipat ang tingin nila kay Mae na nakaupo sa gilid nang sofa.

"Uhmn..sabi niya ayaw naraw niyang mag-aral. He just leave at pinapasabi niyang Sorry daw." Seryosong sabi ni Mae.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon