chapter 83::# Plano

225 18 6
                                    

*****

"What's going on you Khael?! ...nahihilo at naloloka na ako sayo!" Bulyaw ni Ivoni. "Ang sabi ko pag-aralan mo yang mga linya mo para sa shoot!... para kang hinahabol ng problema at kanina kapa parang timang dyan."

"Look...Im in trouble right now, Ivoni...kailangan kong umalis at bumalik sa Quezon."

Ibinaba ni Ivoni ang hawak niyang manuscript. Nagsalabid ang mga braso nito at sinukat ng tingin si Khael na nasa harap ng mesa niya. Kanina pa ito hindi mapakali at lakad ng lakad sa harap niya.

Nakikiusap ang mga mata nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa ng tanungin niya.

"Did you say...you want to take a break?." Ngumisi ito. "Oh! C'mon Khael, hanggang kelan tayo ganito? Kelan natin matatapos ang shoot? Palagi nalang ba ako yung mag-aadjust? Tinulungan na nga kita diba? Baka naman pwedeng ako naman ang humingi ng pabor sa iyo?"..litanya nito at saka kunwaring kinuha muli ang manuscript.

"Hindi totoong may sakit si Kaila kaya s'ya nag-file ng leave." Ani ni Khael sa seryosong tinig. "She's plan to back in Quezon, Ivoni...please! Kailangan ko lamang unahin ito. Susunod ako sa kanya." Nakikiusap niyang sabi.

Mataman siyang tinitigan ni Ivoni. Tila tutol ito sa hinihingi niyang pabor.

"Kailangan na natin tapusin ang Shoot Khael!. E ano naman kung umalis at kung saang Quezon province nagpunta si Kaila...she had freedom wherever she wanted to go! Just Don't wasting time tapusin na natin to." Inis na bulyaw ni Ivoni.

Naiinis na tumayo at hindi mapakali si Khael. Maya-maya'y hindi na nito napigilan ang sarili.

"Yes! I don't want wasting time anymore!. Kaya susundan ko si Merry Kaila. Please Ivoni, kailangan kong unahin to. In the first place naman yun ang objectives natin diba?.Ngayong narito na ako sa tamang pagkakataon para punan ang mga pagkukulang ko noon, hahayaan ko pa bang mawala ulit iyon?. Ivoni, you knew the hardship I've done to make this thing possible!"

Inis na pinatong ni Ivoni ang manuscript na hawak sa ibabaw ng lamesa. Narito sila sa pribadong opisina nito.

"Fine! Basta right after that...ayaw kona ng kahit anong excuses Khael." Naiinis nitong sabi. Pero sa halip ay naging maaliwalas naman ang mukha ni Khael.

"Oh! God! Thank you Ivoni." Buong pasasalamat nito. ".. If somebody need me, just tell them Im in v'cation...I love you Ivoni.." Ani nito sabay karipas ng layas sa harap ng kanyang manager. Napabuntong hininga na lamang si Ivoni.

Noong una ay gusto lamang niyang pakinabangan si Khael. Sinadya niyang hanapin si Merry Kaila and suddenly, her friend Mrs. Camille offer him a novel story.

Yes they were friends, classmates and bestfriend way back in colleges. Si Selena ang isa sa matalik nilang kaibigan. They use to laugh together with Selena.

Nalungkot sila ng malaman ang nangyari kay Selena sa nakaraang panahon. Noong nabubuhay pa si Don Segundo, ipinag-kasundo daw nito si Selena sa isang mayamang pamilya. Labis ang lungkot ni Selena ng mag-paalam ito sa kanila.

"Ivoni,Camille" aniya nito habang nakahawak sa kamay ng dalawa. Nakaupo sila sa isang bench ng parke. "Hindi kona alam ang gagawin ko, ayokong magpakasal sa aroganteng si Manuel...hindi ko alam kung bakit naatim ni Papa iyon."

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon