chapter 11:: #Dayuhan

433 29 8
                                    

AN:: paalala!
Ang kultura/tradisyon na nabanggit at mababanggit pa sa kwento ay pawang gawa-gawa lamang.









********

Inilipat ni Kaila ang unang bahagi ng kultura sa maayos na pagsulat. Habang sinusulat ang bawat detalye..hindi niya maalis sa isip na siya ang babaeng unang umapak sa sagradong lugar na nilaan kay Sakari.

Paniniwala lang kaya ito ng mga indigenous o posibleng totoo nga..

"Marikaya.."

Agad napatayo ang dalaga ng marinig ang boses ni Sakari.

Dahan-dahan pa siyang lumingon sa binata. Ngunit sa paglingon niya....hindi pala malayo ang distansya ng binata.

Namilog ang mga mata niya. Halos mapupos ang hininga niya. Diretso sa mata ng binata ang kanyang tingin.. matangkad ito kung kayat medyo nakataas ang tingin niya rito.

Napagtanto tuloy niya na malapad pala ang dibdib ng binata at namumula pa sa sikat ng araw. Maiitim at makapal ang pilik-mata nito...at sa ganoong sitwasyon....mas nakita niya ang tila inukit na ilong nang binata....

"If were meant to be...... i think i can do....i can fallen inlove with the native man like you.." bulong ng kanyang isip

Ngunit sa pagbabalik ng kanyang huwisyo ...agad din binawi ang isipang iyon.

"No!!'...anu bang sinasabi ko?... hindi ako pwedeng mahulog sayo.... hindi pwede Kaila..Tama na ang idiskubre ang kakisigan niya...subalit ang mahulog sa kanya?!...tama na."

.........

....

Samantala,. Hindi rin naman inaasahan ni Sakari ang biglang pagtayo ng dalaga. Nais lang sana niyang itanong kung anong ginagawa nito.. kanina pa kasi siya nagmamasid ngunit tila hindi nito siya napapansin.

At sa pagkakataong iyon... hindi naiwasan ng binata ang hulmahin ang mukha ng dalaga.. kakaiba ang balat at kutis nito... tila natutukso siyang haplusin ang pisngi nito...subalit nanaig ang respeto at kultura nila..

Hawakan ang tulad niyang dalaga kahit dulo ng daliri nito ay kalapastanganan. .

Sa pagbabalik ng mga sariling huwisyo. Sabay na nag-alibay ang dalawa.

"Ahmn....pasensya kala ko kasi malayo ka.." sabi ng dalaga

"Hindi..  paumanhin kung masyado akong lumapit.. nais ko lamang kasing itanong kung ano iyang ginagawa mo."

Ngumiti naman ang dalaga...ipinag-walang bahala ang nangyari at umaktong normal..kahit na parang tambol ang kanyang dibdib.

"Ahh!! Nagsusulat ...marunong ka ba? May ganito ba kayong gawain ang pagsusulat?"

Umiling ang binata. Ngunit nakangiti ito at binali-baligtad ang papel.

Hindi nakaligtas sa  dalaga ang pag-ngiti nito.. mas lalong tumaas ang pagiging lalake ng binata sa ganoong sigla.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon