chapter 51:: # halik

284 21 1
                                    

*****

Nakatulog si Kaila dahil sa maraming bagay na iniisip. Nang oras na iyon ay dumating naman si Saul na dinalaw siya sa kanyang silid. Nakatayo ito sa lagusan nang silid at matamang nakatingin sa kanya.

"M-may problema ba Saul?" Tanong niya sa binata.

Bumuntong hininga ito at pumikit. Saka muling nagmulat.

"Marikaya, siguro'y alam mona ang mga bulungan nang ibang tao tungkol sa iyo. Paumanhin kung tila nasira ko ang imahe mo sa mata nang marami."sabi nang binata.

Umayos si Kaila at umupo sa hinihigaan. Ngumiti siya nang pino at ipinukaw kay Saul.

"Ayos lang Saul. Patawad kung nagiging pabigat ako sa'yo. Nauunawaan ko naman kung bakit nila ako hinuhusgahan." litanya ni Kaila.

Ngumiti ang binata.

"Nais mo bang magtungo muna sa sagradong lupain ni Sakari?" tanong ni Saul.

Ipinagtaka ni Kaila ang tinuran nang binata. Bakit naman kaya tinatanong niya iyon?

"B-bakit mo tinatanong?" Balik tanong ni Kaila.

Hindi mawari nang dalaga kung ano ang ibig pakihulugan nang mga ngiting ipinukaw ni Saul.

"Ihahatid kita sa ibaba nang bundok na sumasakop sa lupain ni Sakari kung nais mong silayan muli ang mga ala-ala mo sa lupang iyon.."

Lalong nangunot noo si Kaila. Bakit kaya tila pinagtutulakan siya ni Saul sa lupang iyon. Oo nga't nais niya subalit paano niya haharapin si Sakari.

"H-hindi na Saul.. uhmn, a-ayoko muna." Tugon ni Kaila.

Baka kasi lalo lamang siyang kutyain nang mga tao kapag nalaman nilang bumalik siya sa lupang iyon.

"Ang pag-hindi mo'y tulak lamang nang bibig... hindi kita pipigilan Marikaya. Ngunit nais ko sanang maging malaya ka muna."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Humayo ka sa tribo nang Arayat. Hinihintay ka ni Era doon sa dalampasigan. "

Natuwa si Kaila nang mabanggit ni Saul ang pangalan ni Era. Kaya walang anu-ano'y nagtungo agad siya sa Arayat. Subalit pina-alalahanan siya ni Saul na mag-ingat.

Lingid sa kaalaman nang dalaga na pagkatapos niyang maging malaya ay saka siya magigipit sa oras na ipatawag siya nang Pinunong Akurayat.

Narating ni Kaila ang dalampasigan kung saan itinuro ni Saul ang kinaroroonan ni Era.

"Era!" Tawag niya sa nakatalikod na kaibigan.

"Kai.."

Yumakap sila sa isat-isa. At bakas ang pag-aalala ni Era para kay Kaila.

"Kamusta kana Kai? Ayos ka lang ba?... nag-aalala ako sa iyo. Bakit kasi sumampa ka sa  tanghalan kahapon? Hindi ka naman asawa ni Saul..tapos yung kasal ay para sa taong mahal mo. Naloloka ako sayo Merry Kaila!" Bungad agad ni Era.

"Ayos lang ako Era. Ikaw ba kamusta na..pasensya kana kung hindi tayo masyadong nagkaka-daupang palad ha."

Tumawa nang mahina si Era. Natatawa siya sa malalim na pananalita ni Kaila.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon