chapter 2 ::Quezon Province

581 29 4
                                    

*****

"Dito na kayo tumuloy sa bahay ko. Kaila?"aniya ng direktor

"Yes Sir?"

"Ikaw ang mgahandle ng bahay ko. Mag-ingat kayo and good luck."

"Thank you sir. Promise I will do my best to complete this study."

Nagpaalam ang direktor sa mga estudyanteng hawak niya.

Mahirap ang thesis study nila kaya naman binigyan sila ng permiso para gamitin ang huling tatlong buwan ng semester para isagawa ang naturang research.

Kinompleto nila ang papel na kailangan para sa permiso ng school at nagkaroon din si Kaila ng karagdagang member para rito.

At yun nga ay si Mike ang kaibigan nila at si Kennet na masigasig niyang manliligaw.

Mga materyal na bagay tulad ng ilaw at kung anu-ano pang kagamitan na hindi ginagamitan ng kuryente ang inihanda nila. Nagdala rin sila ng solar charger para sa data gathering material.

Alas dose ng tanghali ng dumating sila dito sa province of Quezon mula Laguna. Hindi akalain ni Kaila ang layo at kabundukan na halos paikot-ikot lang naman ang dinaraanan nila. Hindi tuloy niya naiwasan mahilo at mapagod sa byahe na halos 12hours din ang itinagal dahil narin sa traffic sa manila.

"Okay ka na ba Kai?" Tanong ni Kennet habang iniaabot ang baso ng tubig

"Oo. Matutulog lang ako. Salamat sa tubig."

"Sige. Magpahinga kana"

Si Kennet ang manliligaw niya mula ng tumuntong siya ng 4th year college. Mabait naman ito at maalaga. Kaya nga sumama ito sa grupo nya. Magaan naman ang loob niya dito. Napagpasyahan narin niyang pagbigyan ang iniaalok nitong pag-ibig para sa kanya.

Hindi naman kasi ito mahirap mahalin. Yun nga lang dahil wala pa siyang karanasan magkaroon ng boyfriend ay hindi niya alam kung paano ito tutugunin. Isa pa, mahigpit ang Papa niya, ni ang kurso nga niya ay minamaliit ng kanyang ama.

"Bakit ba sa dinami-rami ng kurso! iyan pang Forestry ang kinuha ng anak mo. Hindi nalang engineer o kaya teacher?" Saad ng ama

Lasing ito at nagrereklamo sa kanyang ina. Hindi naman kasi ito nagsasalita kapag hindi nakainom ng alak.

"E hayaan mo na Nilo. Iyan ang gusto ng anak mo at isa pa hindi naman natin siya kayang pag-aralin ng mas mataas na kurso."

Pumalatak ang kanyang ama sa turan ng ina. Nakahiga lang siya sa loob ng kwarto at kunyareng tulog.

"Anong gusto nya? Magbilang ng dahon sa bundok? E ni wala ngang bundok dito! "

Nabasa ng luha ang kanyang unan. Akala niya masakit madinig sa iba ang palaging tanong kung bakit siya nag-Forestry. Pero higit na mas masakit pala ang hamakin ng sariling ama ang kurso niya.

Ano ba kasi ang kulang sa kurso niya? Mababa ba talaga ang kalidad nito o sadyang hindi lang maintindihan ng iba kung bakit may tinatawag na kursong ganito.

Kaya ba ng lahat mag-board fit at mag-identify ng mga puno?

Alam ba nila ang mga scientipikong pangalan ng mga ito?

Kaya ba nilang sukatin at pag-aaksayahan ba nila ng oras sukatin ang diameter ng mga puno?

Sino ba ang magkakaroon ng interes para alagaan at bigyan ng importansya ang kalikasan?

Alam na ba nila ang kahulugan ng pagiging isang Forester?

Lahat ba ng kurso ay mayroong board examination?

Bakit ba kasi ang daming komento ng tao. Hindi maiwasan ni Kaila ang magtanong sa sarili.

*****

Kinabukasan hindi na sila nag-abala pa at nag-sayang ng oras. Hinanap agad nila ang naturang lahi daw ng inday sa probinsya.

Marami daw dito at mayaman sa mga indigenous People ang probinsya ng Quezon. Hindi nga halos mawala ang paghanga ni Kaila sa kagandahan at preskong hangin dito. Mayaman sa kabundukan at kumpleto rin sa yamang-tubig. Luntian ang paligid at hindi pa gaanong marami ang mga gusali at mga sasakyan. Simple at sagana ang pamumuhay. Malinis at asul ang karagatan.

Kahit paano ay nabawasan ang stress niya sa buhay at sa rasyon kung bakit sila napadpad dito.

Tila pinaghihilom ng berdeng kapaligiran ang lalim nang kanyang isipan.

Tulad ng Data procedure. Pumunta sila sa barangay na tinuran ng kanilang Direktor upang isangguni ang kanilang research. Nagbigay sila ng letter at kumuha ng dokumento.

"Ay nako mahirap pala ang thesis nyo ay. Mukhang hihirapin kayo dito. Pero  tumawag sa akin si Sir Gallego at nasabi na ang inyong pakay." Saad ng Baranggay Captain.

"Oo nga po Kap. Pero may maitutulong po ba kayo kung sakali man?" Tanong ni Kennet

"Alam ng Direktor ninyo na mayaman sa mga Inday dito sa probinsya namin. Mayroon ditong Dumagat, Alta, Ilongot at kung anu-ano pang lahi nila. Pero nasasaad dito sa objectives ninyo tulad ng sinabi ng Direktor..na tradisyunal at hindi pa nadidiskubre ang hinahanap nyo."

Nag-alala si Kaila sa paliwanag ng Kapitan. Imposible nga naman kasi ang lugar na hindi pa nasasakop ng modernisasyon.

"Kap. Kung ganun po ba hindi po ninyo kami matutulungan?" Tanong niya na humihingi ng paunawa at kasagutan

Ngumiti ang Kapitan ng may pag-aalinlangan.

"Mayroon naman. Yun nga lang ito'y walang kasiguraduhan. Alam iyon ng Direktor ninyo. At alam ko rin na iyon ang pakay nyo... Ano nga pala ang pangalan ninyo? bago tayo magkaroon ng mahabang diskusyon"

"Ah! Ako po si Merry Kaila at ito po ang member ko..si Era, Mae ,Mike at Kennet"

Nakipagkamay sila sa kapitan na kanilang kinaligtaan. Nagtinginan pa silang magkakaibigan dahil sa nakalimutang bagay.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon