chapter 29:: Pangangaso

290 23 1
                                    

****

Tahimik si Kaila habang abala si Sakari sa paghiwa ng isang puno. Tiningala niya ang punong sinusugatan ng binata. Kawawa naman dahil limang hiwa na ang nagagawa nito.

Puno iyon ng pakak kung tawagin. Kabilang sa family name na Moraceae at Artocarpus camansi naman ang scientific name.

Marami narin ang alam ni Kaila tungkol sa mga siyantipikong pangalan ng species. Noong second year college ay nagkaroon sila ng dendrology. Umaakyat sa mga bundok para mag-identify ng mga puno at iba pang species. Marahil doon siya nasanay mamuhay sa gubat na parang scout. Nagkakabisa ng mahigit limang daang siyentipiko ng mga puno. Kaya naman pamilyar na siya sa mga common na nakikita niya sa lugar.

Samantala, madalas naman ang sulyap ng binata sa kanya. Mapanukso ang mga tinatapon nitong sulyap. Bakas sa labi noon ang pag-ngisi ng makahulugan.

"Ayos ka lang ba riyan?"Maya-maya'y tanong nito.

Ngumuso siya. Tila nananadya ang binata. Inismiran niya ito at nagmartsa saka naupo sa damuhan.

Sumulyap nanaman ang binata.

"Ano bang ngini-ngisingisi mo riyan Sakari.."naiinis niyang tanong.

Lalong naging mapanukso ito. Tumatawa itong lumapit sa kanya.

"Wala naman..natutuwa lamang ako sa iyo." Sagot nito.

Namula ang pisngi ni Kaila. Halata ba ang pagkadismaya niya at panay ang tawa nito sa kanya.

"Hindi ako natutuwa kung gayon..tumigil ka na nga sa kaka-ngisi mo riyan." Puna niya

Bakas ang kislap sa mata ng binata. Natutuwa naman si Kaila. Pero kulang parin talaga...Hindi parin matatawag na nobyo niya ang binata kahit parang nangusap na ang kanilang damdamin kanina. Mas gusto niya marinig ang mga salita na magpapatunay na pareho sila ng nararamdaman. Pero ano ang magagawa niya?..babae siya at dapat siyang mag-hintay ng tamang pagkakataon.

"Heto pam-patanggal ng inis"

Tinignan niya ang iniaabot ng binata. Dagta iyon mula sa puno ng pakak. Pero parang bubble gum na kulay dirty white iyon.

"Aanhin ko yan?"

Sinubo iyon ni Sakari sa sariling bibig. Nginuya na parang gums. Binigyan din siya.

Nangingiwi niyang isinubo..pero ng tumagal ay parang bubble gum nga. Nasiyahan siya at humingi pa. Kaya pala sinugatan noon ang puno.

"Akin na."

Nagtaka siya..nakasahod ang kamay ng binata.

"A-ang alin?" Tanong niya.

Ngumuso ang binata at tinukoy ang nasa bibig niya.

"H-ha?..may..may laway na to ah..bakit mo kukunin?"

Hindi umimik ang binata at sinahod sa bibig niya ang palad nito. Wala siyang nagawa kundi iluwa iyon..namamanhid narin lamang ang kanyang panga. Iniluwa rin ng binata ang nasa bibig nito saka pinagsama iyon. Kumuha ito ng isang sanga ng puno. Saka doon pinaikot-ikot ang dagta ng punong pakak.

"Anong gagawin mo dyan?" Tanong niya.

Ngumiti lamang ang binata saka lumakad. Dinaanan pa siya ng mapanukso nitong sulyap. Sa halip maiinis ay lalo lamang siyang nabibighani sa binata. Sumunod siya sa paglalakad.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon