chapter 34:: #Katanungan at Kasagutan

300 22 1
                                    

****

Nahihiya si Kaila nang mapag-tantong naroon pala si Sakari sa ibaba ng entablado. Sana'y' hindi siya sumamblay sa pag-awit kanina. Lumapit siya sa binata.

"K-kanina ka pa ba?" Tanong niya sa binata.

Tumango ang binata. Napatingin si Kaila sa kamay nitong may hawak na plawta. Yari sa kawayan na may maliit na bilog at may mga butas na maliliit upang maging labasan ng hangin at makalikha ng musika.

"Iyon pala ang uri ng pag-kanta..may himig ng damdamin." Turan ng binata.

Napatawa si Kaila. Kung alam lamang nito na sintunado siya..

"Uhmn. Ikaw pala yung umiihip ng plawta."

Itinaas naman ng binata ang plawta para ipakita sa dalaga.

"Oo.. sinubukan kong sumabay sa awit mo. Uhmn..gusto mo bang maglakad-lakad muna kasama ako." Pag kuwan ay tanong nito.

Agad naman tumalima ang dalaga. Hindi naman siya makaka-hinde sa lalakeng ito.

Habang naglalakad sila..hindi maiwasan ni Kaila ang pagmasdan ang binata. Kung ito'y mapupunta sa syudad..tiyak hindi ito pagkakamalang indigenous. Baka nga pag-kaguluhan pa ng mga babae at bakla.

Isang malaking katanungan ang kanyang nais itanong..subalit nahihiya siyang ungkatin ang buhay ni Sakari.

"Kanina mo pa ako pinagmamasdan..may sasabihin ka ba?" Turan ng binata

Parang nahiya naman si Kaila. Alam Lamang pala nito ang kanyang mga kilos.

"Sana, kaya lang...."

"Kaya lang ano?"

"Uhmn. Wala ..huwag na lang."

Tumango ang binata. Halatang hindi ito mahilig sumagot sa mga tanong.

Pero gumugulo sa isip ni Kaila...kung si Makurato ang naging ama ng sanggol ni Selena...bakit si Sakari na anak ni Akurayat ang may bahid ng pagiging isang dayuhan. Hindi nga ito kulot, matangkad at manipis ang mga labi. Malayo sa isang indigenous. Hindi kaya ay dayuhan rin ito? O di kaya'y inampon ni Akurayat ang sanggol ni Makurato at Selena.

"May problema ba Marikaya?"

Nabigla si Kaila. Dahil sa pag-iisip ay hindi na niya namalayang napatda na pala siya sa kinatatayuan. Agad siyang ngumiti at lumapit kay sa Sakari.

"pasensya na..may iniisip lamang ako."

"Ano iyon?. bakit hindi mo sabihin baka may maitutulong ako."

"Malaki..malaki ang maitutulong mo kung sasagutin mo lamang ..sakaling magtanong ako."saad sa isip ni Kaila.

"Wala.. baka hindi mo alam ang sagot." Pagsisinungaling niya.

"Maari rin alam ko..." Napataas ang tingin ng dalaga dahil sa sinabi ng binata. "...Ngunit tiyak na hindi ko iyon masasagot."

Napakunot noo nanaman si Kaila.

"Anong ibig mong sabihin?"

Bumuntong hininga ang binata.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon